---

14.1K 292 12
                                    

"Nasaan na ang anak ko?" Umiiyak kung tanong sa babaeng nagligtas sa akin sa halimaw na yun, na ngayon ay kinabibilangan ko na rin.

"Pasensya na." Nakayuko nitong sabi na parang nahulaan ko na agad ang gusto niyang iparating. Napailing naman ako habang walang tigil sa pagluha.

"Hindi. Hi-hindi." Hindi ako makapaniwala. Narinig ko pa ang iyak niya kaya hindi ako makapaniwalang wala na siya.

"Sorry. Pero ginawa namin ang lahat. Pero nagkulang sa sustansya ang bata. Nabuhay lang ito ng dalawang oras." Sabi pa nito at pumasok din ang isang naka puting robang lalaki na palagay ko ay doktor.

May dala-dala ito na nakabalot sa lampin. Napailing ako lalo ng maamoy ko kung ano yung.

Ang anak ko.

Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko. Bakit ba ako naging mahina? Bakit hindi ko naalagaan ang anak ko.

Kahit bunga man siya ng kalapastanganan, mahal na mahal ko ito kahit kagabi ko lang nalamang buntis ako at manganganak na.

Binigay naman agad sa akin ng doktor ang bata.

"Hindi. Hindi. Anak ko." Iyak ko habang hawak at hinahaplos ang malamig na niyang mukha. "Anak, gumising ka. Pa-para kay nanay, gumising ka anak." Sabi ko pa habang pinaghahalikan ang sanggol na hawak ko. "Anak, gumising ka. Aalagaan ka pa ni nanay, maglalaro pa tayo ni nanay. At mahal na mahal kita, kaya gumising ka anak. Kailangan ka ni nanay." Sabi ko habang hinahaplos ang bawat parte ng katawan ng anak ko. Kung pwede ko lang siyang yugyogin ay ginawa ko na.

Mas lalo akong napasigaw ng pumasok na sa isip kong, wala ng pag-asa. Patay na ang anak ko. Wala na siya.

"Sorry Liana. Ginawa naman namin ang lahat." Nakayukong sabi ng babae. Alam kong mapagkakatiwalaan siya at nagsasabi ng totoo kaya naman na kokonsensya ako na sinisisi niya ang sarili niya. "May lason din kasi sa katawan niya." Sabi pa nito at doon ako napalingon sa kanya.

"A-anong sabi mo?" Galit at pagkalito ang boses ko ng sinabi ko yun.

"Habang tulog ka. May nagtangka ng patayin ka, at sa palagay namin, nagsakripisyo ang bata para kunin ang lason. Ang bata pa niya pero nagawa ka na niyang ilagtas." Nakangiti niyang sabi pero alam kong nalulungkot din siya.

Nanginginig na ako ngayon dahil sa pagkawala ng anak ko at galit sa kung sino man ang may gawa.

"Sino?" Matigas kong sabi sa babae.

"Liana,-" may pag-aalinlangang sabi nito.

"Sino ang may gawa?" Nakatingin kong sabi sa kanya. Huminga naman ito ng malalim bago sumagot.

"Ang pamilya ng ama ng anak mo. Ang pamilya ng taong gumahasa at napatay mo." Sabi nito diretso sa mga mata ko.

"Prinsesa!" Napasinghap ang doktor dahil sa sinabi nito sa akin. Na prinsesa pala na alam ko kauri ko na ngayon.

Napatingin ako sa anak ko. Hindi dapat ito nangyari sa kanya, dapat masaya siyang lumaki kahit man sabihing gawa siya sa hindi tamang pagkakataon. Pero, dapat naenjoy niya ang buhay na pinagkait nila sa anak ko. Hindi ko sila mapapatawad.

"Gusto kong lumakas." Sabi ko at tumingin sa kanya. "Gusto kong maghiganti." Sabi ko ulit diretso sa mga mata niya.

Ngimiti lang siya ng maliit at tumango.

Tumango lang din ako at tiningnan ang anak ko. Hinaplos at menemorya ang bawat anggulo ng kanyang maliit na mukha. Napakapayapa ng pagkakapikit niya. At hindi na namang mapigilang tumulo ang mga luha ko.

Paghihiganti kita anak. Para sa binawi nilang buhay mo at dapat na buhay ko. Sabi ko sa isipan ko at hinalikan ng mariin ang noo ng anak ko.

Destined (gxg)-completeTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon