"Nanay, tara na po. Laro na po tayo." Sabi ng isang batang ubod ng ganda.
Siguro nasa apat na taon na siya base sa laki niya. Blondy ang buhok, kulay gray ang mata, matangos ang ilong, maputi ang balat at ang cute ng maliit niyang labi.
"Nanay, habulin mo ako." Sabi ng papalayo niyang boses. Ang lamyos ng boses niya kaya hindi ko mapigilang wag mapangiti.
Parang may sariling isip ang mga paa ko at sinundan siya. Takbo lang kami ng takbo.
Pero habang tumatagal, mas lalo siyang lumalayo. Mas lalong hindi ko siya mahabol. Kaya naman tinawag ko na siya.
"Anak, bumalik ka." Sigaw ko pa pero iyak niya na ang naririnig ko.
"Nanay, tulungan mo po ako. Nannaaaayyy." Umiiyak niyang sabi.
"Hindi. Hindi. Anak.... Aaaannnaaaakkk kooooo." Sigaw ko habang walang tigil ang luha ko sa paglabas sa mata ko. Nanlalabo man ang mata ay sinubukan ko parin siyang hinabol.
"Annnaaaakkk." Sigaw sabay ay ang pagbangon sa kinahihigaan ko. Habol ang hininga akong napasapo sa dibdib ko.
Kasabay din nun ay ang pagbukas ng pinto. Nagsipasukan ang mga taong na nakasuot ng puting damit.
"Huminahon ka iha. Mahiga ka muna, baka makasama sa anak mo." Sabi ng isang babae at doon ako napabaling sa tyan ko. Tama nga buntis nga ako.
Napaluha ako habang haplos ang tyan ko. At kasabay nun ang paghilab nito.
"Aaahhhhrrrgg, ang ssaaakit." At lalo akong napaluha nga sa sakit.
"Tawagin niyo ang prinsesa. May lason sa katawan niya kaya mapapaaga ang panganganak niya. Bilisan niyo." Utos ulit ang isa nurse doon.
Bigla naman itong nawala sa tabi ko at ramdam ko na lang ang hangin. Hindi na ako nagkomento pa kasi namimilipit na ako sa sakit habang ang iba ay tinatali ako para hindi ako magalaw.
"Hi-hindi ko na kaya." Nanghihina ko ng sabi. Parang hinahalokay ng bata ang lamang loob ko. Pinipilipit ang mga laman ko sa sobrang sakit.
"Ano nangyayari?" Sabi ng babaeng tumulong sa akin.
"Nilason siya mahal na prinsesa." Sabi ng doktor ata habang may hinahanda sa paanan ko. Habang ang prinsesa ay napatakip naman ng bibig niya.
"Tanggalin mo na agad ang bata. Madaliin niyo bago mahuli pa ang lahat." Sabi ng tinatawag nilang prinsesa.
Pagkatapos ay sumabay nun ang kakaibang sakit na naman. "Aaaaahhhhh, kunin niyo na ang anak ko." Sigaw ko sa ka kanila habang pumwepersa. Alam ko ilang minuto na lang at masisira ko na ang pagkakatali nila.
"Hawakan niyo siya, hihiwain ko na para mas madali." At kasabay nun ay ang sakit.
Sa pagsakit ay sinabay niya din ang paghiwa. Halos panawan ako ng ulirat dahil sa sobrang sakit.
Ungol na lang ang nagagawa ko sa sakit.
Hindi ko alam kung ano ang ginagawa nila. Pero bago man ako panasan ng ulirat, rinig ko ang iyak ng isang sanggol.
"Babae. Babae ang anak mo." Sabi ng doktor.
Napangiti namana ko doon, pero bago ako tuluyang lamunin ng tuluyan dahil sa pagpigil ko sa pagsara ng talukap ng mata ko. Nabigkas ko pa ang salitang gusto kong ipangalan sa kaya.
"Keith Mikaela"
"Nasaan na siya?" Nakangiti kong tanong pagkagising ko palang. Pero kita ko ang lungkot sa mukha niya.
"Nasaan na ang anak ko?" Umiiyak kong inulit ang tanong sa babaeng nagligtas sa akin sa halimaw na yun, na ngayon ay kinabibilangan ko na rin ayon sa nakikita ko.
"Pasensya na." Nakayuko nitong sabi na parang nahulaan ko na agad ang gusto niyang iparating. Napailing naman ako habang ang luha ko ay tuluyan ng umagos.
"Hindi. Hi-hindi." Hindi ako makapaniwala. Narinig ko pa ang iyak niya kaya hindi ako makapaniwalang wala na siya.
"Sorry. Pero ginawa namin ang lahat. Pero nagkulang sa sustansya ang bata. Nabuhay lang ito ng dalawang oras." Sabi pa nito at pumasok din ang isang naka puting robang lalaki na palagay ko ay doktor. Hindi ito ang nagpaanak sa akin kanina palagay ko nag-asikaso sa anak ko.
May dala-dala ito na nakabalot sa lampin. Napailing ako lalo ng maamoy ko kung ano yung.
Ang anak ko.
Mas lalong lumakas ang pag-iyak ko. Bakit ba ako naging mahina? Bakit hindi ko naalagaan ang anak ko.
Kahit bunga man siya ng kalapastanganan, mahal na mahal ko ito kahit kagabi ko lang nalamang buntis ako at manganganak na.
Binigay naman agad sa akin ng doktor ang bata.
"Hindi. Hindi. Anak ko." Iyak ko habang hawak at hinahaplos ang malamig na niyang mukha. "Anak, gumising ka. Pa-para kay nanay, gumising ka anak." Sabi ko pa habang pinaghahalikan ang sanggol na hawak ko. "Anak, gumising ka. Aalagaan ka pa ni nanay, maglalaro pa tayo ni nanay. At mahal na mahal kita, kaya gumising ka anak. Kailangan ka ni nanay." Sabi ko habang hinahaplos ang bawat parte ng katawan ng anak ko. Kung pwede ko lang siyang yugyogin ay ginawa ko na.
Mas lalo akong napasigaw ng pumasok na sa isip kong, wala ng pag-asa. Patay na ang anak ko. Wala na siya.
"Sorry Liana. Ginawa naman namin ang lahat." Nakayukong sabi ng babae. Alam kong mapagkakatiwalaan siya at nagsasabi ng totoo kaya naman na kokonsensya ako na sinisisi niya ang sarili niya. "May lason din kasi sa katawan niya." Sabi pa nito at doon ako napalingon sa kanya.
"A-anong sabi mo?" Galit at pagkalito ang boses ko ng sinabi ko yun. Alam ko narinig ko kanina ang lason, hindi lang malinaw dahil sa sakit.
"Habang tulog ka. May nagtangka ng patayin ka, at sa palagay namin, nagsakripisyo ang bata para kunin ang lason. Ang bata pa niya pero nagawa ka na niyang ilagtas." Nakangiti niyang sabi pero alam kong nalulungkot din siya.
Nanginginig na ako ngayon dahil sa pagkawala ng anak ko at galit sa kung sino man ang may gawa.
"Sino?" Matigas kong sabi sa babae.
"Liana,-" may pag-aalinlangang sabi nito.
"Sino ang may gawa?" Nakatingin kong sabi sa kanya. Huminga naman ito ng malalim bago sumagot.
"Ang pamilya ng ama ng anak mo. Ang pamilya ng taong gumahasa at napatay mo." Sabi nito diretso sa mga mata ko.
"Prinsesa!" Napasinghap ang doktor dahil sa sinabi nito sa akin. Na prinsesa pala na alam ko kauri ko na ngayon.
Napatingin ako sa anak ko. Hindi dapat ito nangyari sa kanya, dapat masaya siyang lumaki kahit man sabihing gawa siya sa hindi tamang pagkakataon. Pero, dapat naenjoy niya ang buhay na pinagkait nila sa anak ko. Hindi ko sila mapapatawad.
"Gusto kong lumakas." Sabi ko at tumingin sa kanya. "Gusto kong maghiganti." Sabi ko ulit diretso sa mga mata niya.
Ngimiti lang siya ng maliit at tumango.
Tumango lang din ako at tiningnan ang anak ko. Hinaplos at menemorya ang bawat anggulo ng kanyang maliit na mukha. Napakapayapa ng pagkakapikit niya. At hindi na namang mapigilang tumulo ang mga luha ko.
Paghihiganti kita anak. Para sa binawi nilang buhay mo at dapat na buhay ko. Sabi ko sa isipan ko at hinalikan ng mariin ang noo ng anak ko.
BINABASA MO ANG
Destined (gxg)-complete
FantasyI don't regret everything that happen to my life. I don't regret those painful past that i've felt. I don't regret all those suffering. Cause in the end. It's worth it. Cause I know and be with you at the end. The one i'm DESTINED of. Cover by: a...