Hindi ko alam, pero kinakabahan akong araw na to. Hindi dahil aalis ako papuntang ibang lungsod para magtrabaho at iiwan ko ang aking magulang dito sa probinsya. Kundi may kakaiba akong nararamdaman.
"Sigurado kaba sa desisyon mo anak?" Sabi ni nanay na bakas sa mukha ang pag-aalala.
"Kaya nga anak. Kaya naman natin pag dito ah, hindi mo na kailangan gawin to." Segunda naman ng aking tatay.
"Nay, Tay, ang habol ko naman po doon ay ang makapag-aral ako. Diba po sa pasukan, papaaralin nila ako tiyang? At kaya ko po to kung yun po ang inaalala niyo. Ako pa ba?" At nilabas ko pa ang braso ko para pakita ang muscle ko na wala naman kasi sa payat ko.
Natawa na lang sila sa ginawa ko.
"Mamimiss ka namin anak. Mag-ingat ka doon ha?" Sabi ulit ni nanay at niyakap ako. Nakiyakap na rin si tatay at hindi na umimik pa. Alam kasi nilang hindi na magbabago pa ang isip ko. "Hulog ka talaga sa amin ng langit anak." Bulong pa ni nanay.
Kumalas ako at tiningnan silang dalawa. Kinakabisado ko ang mukha nila kasi alam ko matagal ko ulit silang makikita.
"Kayo po ang hulog ng langit sa akin. Kasi po, kahit hindi niyo ako anak o kadugo, inalagaan niyo po ako. Kaya po ako naman po ang bibigay ng magandang buhay sa inyo." Nakangiti kong sabi.
Ang dami ko kasing pangarap at halos lahat ng iyon ay para sa magulang ko. Gusto ko ibalik ang pag-aalaga at pag-aaruga nila sa akin kahit matanda na sila. Binuhay nila ako sa makakaya nila kahit sobrang hirap na para sa kanila kasi matanda na nga sila.
"Gawin mo din yun para sa sarili mo. Matanda na kami kaya hindi na din kami magtatagal. Kaya naman, para din sa sarili mo anak." Malamlam ang matang sabi ng nanay ko.
"At pagkakatandaan mo, mahal na mahal ka ni nanay at ni tatay ha?" Sabi naman ng tatay ko.
Nakangiti akong tumango at yumakap ulit sa kanila. May namumuong luha sa mga mata ko pero pinipigilan kong tumulo yun dahil ayaw kong makita nila akong umiiyak.
"Tara na anak." Sigaw ng tiyahin ko na kapatid ni nanay. Mas bata ito sa kanya ng 20 years. Anak kasi ito sa iba ng ama nila kaya ang layo ng agwat nila.
"Opo tiyang, papasok na po ako." At bumaling ako sa magulang ko. Umiiyak si nanay na nakayakap kay tatay. Binuhat ko na ang bag ko na may lamang damit.
Nag-umpisa na agad akong maglakad habang kumakaway sa kanila. At dahil hindi ko na mapigil ang luha ko. Tumalikod na ako sa kanila. Tuloy-tuloy akong pumasok sa bus habang sige parin ang tulo ng luha ko kahit anong pigil at punas ko.
Lumapit na ako sa tiyahin ko at naupo sa tabi niya. Mabuti at hindi ako sa bintana para makita nila nanay ang pag-iyak ko.
"Makikita mo naman sila anak eh." Sabi ni tiyang habang hagod ang likod ko.
Tumango naman ako hanggang tumigil na nga ako sa pagluha maya-maya. Hindi ko pa nga naramdamang umandar na ang bus dahil ang lalim ng iniisip ko habang umiiyak.
"Matulog ka muna anak. Mahaba ang byahe natin." Tumango na lang ako at umupo ng maayos. Hindi naman ako inaantok kaya naman tumingin na lang ako sa harap. Nasa unahan kasi kami kaya kita ko ang nadadaanan namin.
Ngayon lang ako nakaluwas kaya mas pinili kong tumingin sa dinaanan namin kaysa sa matulog kagaya ni tiyang.
Halos puno at mga palayan, tubuhan at maisan ang nadaanan namin. Nasa lungsod parin kami namin kung saan ako lumaki. Bundok na talaga sa amin at ang sunod pa na lungsod. At sa sunod pa non ang punta namin, kung saan nakatira si tiya kasama ang pamilya nito. Nakapag-asawa kasi ito ng isang doktor kaya doon sila nakatira dahil doon ang trabaho nito.
BINABASA MO ANG
Destined (gxg)-complete
FantezieI don't regret everything that happen to my life. I don't regret those painful past that i've felt. I don't regret all those suffering. Cause in the end. It's worth it. Cause I know and be with you at the end. The one i'm DESTINED of. Cover by: a...