They're done with the surgery. Inalagaan si Hans nila Mico at Lhady while si Shane naman syempre inalagaan nya ang girlfriend nyang si Jaimee.
_____________
"Ui tol! Ano ba?! Ambagal mo talagang kumilos kahit kelan!"
"Potek! Pupunta lang tayo sa gym bakit ba nagmamadali ka masyado? Mauna ka na kung gusto mo. May motor ka naman ah. Bubulukin mo ba yung binili ko sayo?"
"Eh gusto ko ngang sumakay sa tsekot mo eh saka gusto ko iuwi yun ng pinas na brand new"
"Pambihira! Driver lang ang peg ko?"
"Para may silbi ka!"
"Leche! Tara na nga potek ka talaga"
_____________
"Mico! Bili ka nga ng yosi natin"
"Kuia Hans penge din pambili food"
"Hoi Mico! Kakakain lang natin hihingi ka na naman ng pambili ng pagkain?", sigaw ni Shane
"Gutom pa ako atekoy eh"
"Oh heto pera. Sayo na yung sukli"
"Thank you kuia Hans"
"Bilisan mo! Nayoyosi na talaga ako"
"Nakamoto pabilhan mo na din ako ng chocolates", sabi ni Shane
"Nagcocollect ka ba ng chocolates? Andami mo na pinabili, papabili ka na naman?", tanong ni Hans
"Eh gusto ko nga ng chocolates eh... sige nah!"
"Oo na! Oh Mico bilhan mo ate Shane mo ng chocolates. Gusto na ata maubusan ng ngipin eh. Maghanap ka ng life size na chocolates", nag-abot pa ng pera si Hans kay Mico
"Thanks Nakamoto", nakangiting sabi ni Shane
"San naman ako maghahanap nun kuia Hans?", tanong ni Mico
"Check mo sa hardware store baka meron"
"Kuia naman eh"
"Maghanap ka nga diba? May motor ka. Gamitin mo. Ikutin nyo ni Lhady buong Thailand! Wag ka makabalik dito na walang bitbit na life size na chocolates!"
Umiling iling si Mico habang palakad patungo pinto
"Sa Duty Free siguradong merong ganun!", sigaw ni Hans
"San ang Duty Free dito?"
"Hanapin mo! Magtanong ka! Tanong mo sa mapa ni dora para sabihin sayo kung saan ang Duty Free. Ingat ka kay Swiper. Pag nagkita kayo sabihin mo... SWIPER NO SWIPING! SWIPER NO SWIPING! SWIPER NO SWIPING! Tas hintayin mo isagot nya sayo... OH MAN! Aalis na agad si Swiper hahahahaha!"
"Si kuia Hans talaga..."
"Ano? Bakit? Lakad na kayo ni Lhady! Nayoyosi na talaga ako!"
_____________
"Pre labas lang ako saglit ha", paalam ni Hans kay Jaimee
"San ka punta?"
"May bibilhin lang ako saglit"
"Bakit hindi mo na lang utusan si Mico para may silbi naman?"
"Wag na pre kaya ko naman eh. Saglit lang naman saka need ko na din withdraw pera nuh we're running out of cash"
"O sige ingat ka ha. Wag na mambababae!"
"Bakit? Selos ka na naman nuh? Hahaha! Opo. Balik din ako agad"
"Oo! Dapat ako lang ang nag-iisang trans sa buhay mo!"
"Ang landi mo talaga Jaimee! Ang bakla mo! Makaalis na nga!", lumabas na ng unit si Hans at lumarga na
_____________Sa Starbucks, umorder na si Hans.
Umupo sya sa labas para makapagyosi na din. Ilang saglit lang at may lumapit kay Hans na isang lalaki."Good morning, Boss..."
"Have a seat. Umorder na din ako for you"
"Thank you po. Eto na po pala yung update boss", inabot nya ang isang manila envelop kay Hans
Kinuha ni Hans ang envelop at saka tinignan ang laman nito. Pulido talaga gumalaw tong taong to kaya naman hindi nakakapanghinayang bayaran ng malaki at lahat ng iutos nya dito eh may resulta. More than a year na din si Hans sa Thailand kasama ang mga tropa nya.
Dumating din agad ang order ni Hans.
"Yung isang pinapagawa ko sayo... okay na ba?"
"Oo nga po pala boss... eto po pala", inabot nya ang isa pang manila envelop
Binusisi ni Hans ang bawat isa saka tumango tango, "Magaling, magaling... tatawagan na lang kita ha. Wag ka na tatawag sa akin. Ako ang tatawag sayo. Wait for my next instructions. Intiendes?"
"Yes boss"
"Oh heto na ang bayad mo. Dinagdagan ko na yan. Good job", inabot ni Hans ang isang sobre at ngumiti ito sa kausap
"Maraming salamat po"
"So... anong oras ang flight mo pabalik ng pinas?"
"Mamaya pa po 7:15pm"
"Stroll ka muna. Aalis na ako ha. Ingat ka na lang sa byahe"
"Salamat po boss. Ingat din po kayo"
Tumango lang si Hans. Tumayo na at umalis.
Dumiretso sya sa banko para magwithdraw ng pera at para iwan sa safety deposit box ang mga binigay sa kanya ng kanyang P.I.
Nagpadeliver na lang sya ng pagkain sa condo. Malamang gutom na sila don.
Bumili na din sya ng mga medical supplies na kailangan nila ni Jaimee. Umorder na din sya online ng kanilang testosterone shots.
______________"Ano plano mo na ngayon pre?", tanong ni Jaimee kay Hans habang nag-iimpake ng mga damit nila ni Shane
"Nagpa-book na ako ng flight ko papuntang Canada tol. Sa makalawa na ang alis ko"
"Ingat ka na lang don ha. Wag masyado sa chicks. Magmanok ka na lang! Chicken Joy masarap! Potek! Speaking of chicken joy... Mahal! Kain tayo maya sa Jollibee ha pag-uwi natin maya sa pinas!", sigaw ni Jaimee kay Shane. Nasa kusina kasi si Shane nagluluto ng pananghalian nila
"Oo na! Andami mong gusto", sigaw ni Shane
"Pisti ka talaga Jaimee kahit kelan hahahaha!", tugon ni Hans habang nakaharap sa computer at umuorder ng supply ng testosterone shots ni Jaimee. "Sa Laguna pa din kayo nakatira diba?"
"Oo. Bakit?"
"Umorder na kasi ako ng supply natin ng T shots eh. Syempre ipapadeliver ko sa house nyo yung supplies mo"
"Salamat pre ha"
"Sus! Wala yun! Maliit na bagay hahahaha!"
"Natututo ka na bumanat ha", natatawang sabi ni Jaimee
Kumain na sila ng lunch. Hapon pa ang flight nila kaya sinamahan nya sila na mamili ng mga pasalubong. Dumiretso sila sa airport pagkatapos.
Bago umuwi ng condo, nagfood trip na lang si Hans sa night market at nag-ikot ikot sa Bangkok.
_____________
Hans flew to Canada. She changed her identity using the documents that she acquired recently and lived a low profile. She is now known as Atty. Ryuzaki Kenichi LLB,CPA,R.N. He worked as an CPA Lawyer in a small accounting firm by day and Staff Nurse by night. He owns a local pub, a diner and a filipino convenience store and handles it personally during the weekends. He bury himself with work.
Work
Work
Work
...and girls on the side
BINABASA MO ANG
The Billionaire's Alter Ego Trilogy (Sequel Of The Billionaire's Daughter)
Short StoryObsession Umikot na ang mundo ni Hans kay Ghen. Kahit nasasaktan na, sige pa rin. Hindi sya nawawalan ng pag-asang darating din ang araw na handa na si Ghen na magsettle down with her. Ngunit sa hindi inaasahang pangyayari, mababago ang lahat. Kakay...