Do you have special powers?
Are you brave and ready to take all the challenges?
Hmm.. can you protect the crystal ball?
If you are... then you are meant to this school!
Minwa School (the magic world)
JINHAE's POV
Kasama ko ngayon ang mga kaibigan kong sina Ichiko, Nishema, at Nijei...
Ewan ko ba kay Mama, mag-impake raw kami dahil aalis kami. Saan naman at kailangan lahat ng gamit namin ay dadalhin?
Actually.. kakaiba kami rito sa mundong 'to, may iba't-iba kaming kakayahan...
kagaya na lamang ni Ichiko, kaya niyang kontrolin ang mundo gamit ang kaniyang mga mahiwagang kamay!
Si Nishema naman.. kaya niyang maglabas ng apoy sa kahit anong parte pa ng kaniyang katawan.
Si Nijei naman ay kayang kontrolin ang tubig..
..at ako naman, kaya kong gumawa ng malakas na hangin, nakakalipad din ako! Hindi ba't nakakamangha ang mga iyon?
Noong 12 years old lang namin nalaman ang mga kakayahan namin, sabi ni Mama hindi raw kami normal na tao dahil sa ibang mundo kami nakatira!
Minwa yata ang pangalan ng mundong 'yon?
Sa totoon lang, napakadami pang tanong sa isip ko at hindi naman sinasagot ni Mama dahil masasagot daw 'yon sa tamang pagkakataon.
Kailan naman kaya 'yon? Habang tumatagal ay mas lalo akong kinakain ng kuryosidad.
"Tapos na!" sabay sabay nilang sambit.
Bigla namang bumukas 'yong pinto at iniluwal no'n si Mama.
"Oh ano? Handa na ba kayong pumunta kung saan kayo nababagay?" Nakangiti niyang tanong sa amin, tila siya pa nga ang mas excited sa amin.
"Teka saan po ba kami pupunta?" kunot noong tanong ni Nishema.
Isang makahulugang ngiti ang isinukli ni Mama rito, "Minwa.." mahina niyang banggit.
Nanlaki ang mga mata ko matapos marinig ang lugar na binanggit nito. Pamilyar ito sa akin dahil nakwento na rin ito sa amin dati ni Mama, kaya't napatigil ako sa ginagawa.
"Wait 'ma! You mean, 'yong mundo ng mga katulad namin?!" gulat na pagkumpirma ko.
Tumingin ito sa akin bago tumango, "Oo tama, 16 naman na kayong lahat kaya siguro kailangan niyo nang pumunta sa mundo niyo."
Tila mga bulateng inasinan naman sina Nijei nang marinig ito. Kaniya-kaniyang kuha na ng mga gamit at halos magtatalon pa sa tuwa.
"Tara na! Tara na! Excited na 'ko! Sana maraming chix!" pilyong sambit ni Nijei dahilan para batukan siya ni Nishema.
"Puro ka chix! Bagsak nga ang grades mo sa lahat ng subject natin noong nakaraang semester!"
Sumimangot lamang si Nijei kay Nishema habang hinihimas ang ulo nito na tinamaan.
"Halina, siguradong hinihintay na kayo sa lugar na iyon." Singit ni Mama sa dalawa kung kaya't natigil na ang alitan at nagsisunuran na kaming lahat.
Bumaba na kaming lahat sa mahabang hagdan ng aming tirahan. Maliit lamang ito at halos lahat ay gawa sa kahoy at kawayan. Gayon pa man ay nagkakasya pa rin kami ritong lima, since dito na rin naman nakatira ang mga kaibigan ko simula pa noong bata kami.
BINABASA MO ANG
FOUR ELEMENTS [COMPLETE]
FantasyIt was all started when they were kids. None of them assumed that magics are real. But something happened... Kira, who happened to be jinhae's mother, told them that magics are real, only if you believe them. What will happen if the four them found...