Arline POVKaharap ko ngayon ang Boss ko kuno. Nagpaalam kanina si Makki dahil may pupuntahan ito kaya kaming dalawa lang ang naiwan
Ito namang lalaking ito kanina pa ngumingisi
Kanina pa ako nababanas sa ngisi nito
"Anong nginingisi mo dyan ? kanina ka pa ha!" galit na sabi ko rito. Mas kinabanas ko naman ng mas lumawak pa ang ngisi nito
"Nang aasar ka ba?" sinamaan ko ito ng tingin ngunit tinawana lang ako ng loko
"Chill! masyado kang highblood, Ma Moitié" Nabilaukan ako sa huling sinabi nito. Sakto kasing kumakain ako ng brownies nang sinabi niya iyon.
Agad naman itong nagabot ng tubig at nagtungo sa tabi ko
"Ayos ka lang, Ma moitié?" nagaalalang tanong nito. Isang masamang tingin ang sinagot ko dito
"Ba't ansama mo makatingin?" pa inosenteng tanong nito ngunit hindi parin nawawala ang ngisi nito
Tumayo ako sa pagkakaupo at mabilis naglakad palayo sa kanya.
Nang makalabas na ako ay may humigit sa aking braso"Saan ka pupunta? Magsisimula na trabaho mo" seryosong tanong niya.
"Pwes! magreresign na ako. Hindi kita gustong makasama" walang emosyong sabi ko sakanya
Pagkasabi ko nun ay i saw sadness in his eyes, ngunit agad rin itong nawala at napalitan ng seryosong ekspresyon. Hindi ko alam kung totoo ba ang nakita ko kanina o ano
Hindi naman ito nagsalita kaya tumalikod na ako at naglakad paalis.
Hindi pa man ako nakakalayo ay hinigit muli nito ang braso ko" Just to remind you Arline, yous signed the contract, so thats means whether you like or not I will be your boss, at makakasama't makakasama mo ako. And your job starts now" seryoso ang muka nito habang nagsasalita.
Hinila ako nito papunta sa parking lot."Ano ba bitawan mo nga ako" ngunit mukang wala itong marinig dahil sa pang dededma nito.
Sininyasan niya naman ang driver niya ng makalapit kami sa sasakyan nito
Ipinasok niya ako sa backseat bago ito pumasok
"Kuya sa condo tayo" Utos niya kay kuya Driver.
Tumango naman si kuya at pinaandar ang kotse
"Ano ba" Sinubukan kong magpumiglas sa ngunit sadyang malakas ito.
"Kung alam ko lang na ikaw ang magiging boss ko hindi ko tatanggapin itong trabahong to" galit na bulyaw ko sa kanya.
Kinabahan naman ako nang humarap ito sa akin. Seryoso ang muka nitoNapalunok ako ng linapit niya abg muka niya saakin. Seryoso itong nakatingin sa mga mata ko
"Oh well, But you already signed the contract. Wala ka nang magagawa. better shut up or ill kiss you" Binuka ko ang bibig ko upang magsalita ngunit agad din itong sumara. Isang tango lang ang naging sagot ko rito
Nakahinga naman ako ng maluwag ng ilayo nito ang muka niya sa aakin.
Lumingon ako sa kanya at kita ko ang seryoso nitong muka. Gusto kong humingi ng tawad ngunit mas pinili kong huwag magsalita.
Dahil may katotohanan ang sinabi ko kaninaNakatanim parin sa puso ko ang galit at sakit sa ginawa nito. Aaminin ko sa loob ng 5 taon hindi ako nag kagusto sa ibang lalaki. Kaya may kunting saya akong nadama ng makita ko siya
Ilang minuto lang ay nakarating kami sa Building kung nasaan ang condo nito.
" Dito ka parin pala nakatira?" mahinang tanong ko rito ng makasakay kami sa elevator.
Its been 5 yrs, ang huli kong punta dito ay nung araw na bago ko pa malaman ang pagdadalang tao ko"Oo, marami tayong ala ala dito kaya hindi ako aalis dito" sabi nito habang deritsong nakatingin sa akin.
Umiwas naman ako. Nagiinit ang muka ko. Alam ko sa oras nito ay namumula ako.
Nanahimik na lamang ako dahil hindi ko alam ang sasabihin ko
Nangmakarating kami sa huling palapag saka kami lumabas sa elevator.
Napahinto kami sa paglalakad ng may tumawag sa kanya
"Mauna ka na. Same password" utos nito saka tumalikod
Tinungo ko ang pinto nito. Same Password, napangiti ako habang linalagay ang password nito
07012
My birthday, Hindi mawala ang ngiti ko mailagay ko ang password niya
Pumasok ako sa loob, I'm already expecting na malinis ang condo nito.
Umupo ako sa sofa at linibot ang paningin ko
"I miss this place" mahinang sabi ko sa sarili. wala paring pinagbago ganun parin ito gaya ng itsura nito nung huli ko itong nakita
"This place misses you too" napatayo ako sa gulat ng may biglang nagsalita sa likuran ko. and there Drexle i saw Drexle smiling like an idiot. Sinamaan ko lang ito ng tingin
"Ba't mo nga pala ako dinala dito?" nagtatakang tanong ko. Hindi ito sumagot bagkus ay umupo ito sa sofa.
umupo ako sa katapat nitong sofa.
"So?" tanong ko ulit at tinaasan siya ng kilay
"Well! since you're my P.A for the mean time i need you to stay here, para pag may kailangan ako ay madali kitang mahagilap at para na rin hindi ka mahirapna" napatayo ulit ko sa sinabi nito. Siya naman ay kalmado lang na nakatingin saakin
"Ano! hindi pwede, atsaka hindi ako informed na kailangan ko palang manirahan dito." galit na reklamo ko sa kanya. " gulat na sabi ko sakanya "at isa pa may mga kailangan akong gawin. kahit pumunta nalang ako dito ng maaga." dagdag ko
" Okay relax, I'm just trying, baka pumayag ka" walang emosyon nitong sabi. tumayo ito at lumapit sa kinatatayuan ko. Umatras naman ako, tuloy tuloy naman itong naglakad palapit saakin, tuloy rin naman ako sa pag atras.
Humakbang ako patalikod ng may naapakan akong bagay na naging dahilan ng pagkadulas ko. Pero bago pa man ako tuluyang bumagsak sa sahigh ay agad namang nasalo ni Drex ang bewang ko. Hawak hawak niya ang bewang ko at nakabend ito ng kunti
Nakatitig ako sa mga mata niya. Hindi ko maiwasang mamangha sa mga mata nito. Ang ganda ng mga mata niya. ang haba rin ng pilikmata nito. Talo pa ung akin
Kinabahan ako ng unti unti niyang linapit ang kanyang muka. Hindi ko alam ang gagawin ko, nanatili lamang ako sa posisyon ko.
Gaya ng mga nasa telanovela. Pinikit ko ang aking mga mata at hinintay ang paglapit nito.
"Drexle Alcantara" rinig kong sigaw. Agad naman akong nag ayos ng tindig ng marining ko ito.
Panigurado namumula ako ngayon.
"Hoy Drexle bakit hindi mo sinasagot mga ta--" hindi natapos ng babae ang kanyang sasabihin ng makita niya ako. Bakas ang gulat sa muka nito. Maski ako ngunit mas nangingibabaw ang sakit.
Nakaramdam ako ng sakit, gaya ng naramdaman ko rin noong nahuli ko si Drexle na may kahalikang iba 5 years ago
Ang babaeng kahalikan nito ay nakatayo ngayon sa harap ko. Hindi ko alam mararamdaman ko ngayong nakita ko na ulit siya.
"Arline" mahinang bangkit nito sa pangalan ko.
"Mitch"
--------------------------------------------------------------------------------------------------
Enjoy Reading :)
A/n: Hell week na namin next week. So expext Slow Updates.
and para naman sa mga readers, salamat especially sa mga nag add ng story na to sa Reading List nila. thank you
Nyxx_O
YOU ARE READING
Second Chance
Teen FictionThey said everyone has the right to have Second Chance But Does everyone Deserve to have a Second Chance? Published : Feb 23 2017 All Right Reserved