Arline POV
"Hoy Gonzales! Lumabas ka Dyan"
Nagising ako dahil sa ingay sa labas. Dahan dahan akong tumayo upang hindi magising ang kambal. Nag ayos ako saka ako lumabas para tignan kong sino man ung maingay. Hindi na ako nagulat na si aling pat ang nambubulabog
"Aling Pat! naman huwag kayo masyado maingay nakatulog ang mga bata" aniya ko rito habang kinukusot pa ang aking mga mata
"Wala akong pakialam, hoy gonzales baka nakakalimutn mo Bayaran ngayon" masungit na sambit nito. Napatampal ako sa ulo, Katapusan nga pala kahapon.
"aling Pat, maaari ba akong humingi ng palugit. wala pa kasi akong pera ngayon. Pangako sa susunod na linggo magbabayad na ako" pakiusap ko rito. Wala akong pera ngayon kailangan ko pang bumili ng gatas nung kambal.
"Aba! buwan buwan ng ganyan ah! naku ikaw gonzales pag hindi ka talaga magbabayad sa susunod na linggo. Lumayas na kayo, hindi ko kailangan ang irresponsableng tenant" galit na sigaw niya. Napakamot ako sa ulo
" Pangako Aling Pat magbabayad na talaga ako sa susunod na linggo" nginitian ko siya. Pabalang naman itong umalis, sinamaan pa ako ng tingin saka tuluyang umalis
Pumasok na ako ng tuluyan na siyang makaalis. Palagi talagang galit ung matandang yun.
Nagtungo ako sa kwarto para tignan ang mga angel ng buhay ko. Hindi na ako nagulat nang makita ko silang gising. Sa ingay ba naman ni tanda.
"Good Morning!" Nakangiting bati ko sakanila. Tumingin naman sila saakin, nagunahan silang bumaba at tumakbo sa kinaroroonan ko.
sinalubong ko naman sila saka yinakap
"Mama!" sabay nilang sabi at saka ako hinalikan sa labi. Napangiti naman ako sa tinuran nung dalawa
Iniwan ko ung dalawa sa kwarto at nagtungo sa kusina upang magluto ng makakain. Malungkot akong napangiti ng 3 Itlog at 1 Pansit Canton na lang ang natira sa stock namin.
Kinuha ko ang mga ito at niluto.
Tinawag ko na ang kambal nang makapaghain na ako. Nagtakbuhan naman sila patungong kusina
"Mga bata, dahan dahan madapa kayo!" Sita ko sa kanila.
Binigay ko na ang plato nila. Pinagmamasdan ko sila habang kumakain, kuhang kuha nila ang mata at ilong ng tatay nila. Napangiti ako ng mapakla ng maalala ko si Drex. its been 5 years
For the past 5 years, wala akong naging balita sa kanya. Hindi ko na rin nabaggit sa kanya ang pagbubuntis ko sa araw na iyon. Nagpakalayo layo ako, umuwi ako sa probinsya namin at dun tumuloy pansamantala. Nang siyam na buwan na ang tiyan ko ay pinagpasyahan kong ibenta ang bahay namin sa probinsya at bumalik sa Castal City. Ginamit ko ang pera pangbayad sa ospital nang umanak ako. Wala akong kasama ng araw na kailangan ko ng karamay, nung araw na nanganak ako. Magisa ako, sobrang lungkot ngunit nang masilayan ko sa kauna-unahang pagkakataon ang mga anak ko ay dun ko naramdaman ang tuwa, sobrang saya dahil hindi lang isang angel ang dumating sa buhay ko kundi dalawa. Drexie at Drexler sila ang naging inspirasyon ko sa lahat. Binase ko ang mga pangalan nila sa kanilang ama. Tatay pa rin naman kasi nila si Drex kahit anong mangyari.
"Mama! eat" aniya ni Drexie saka tinaas ang kanyang kutsara na may laman na pagkain. Napangiti ako at sinubo ito.
"yum yum!" Pumalakpak ito saka ulit kumain. nabaling naman ang tingin ko kay Drexler kinalabit ako. Natawa ako sa itsura nito, nakapout siya habang nakataas ang kanyang kutsara na ngayon ay nakatapat sa bibig ko. Nang sinubo ito ay napangiti naman ito. Ang cute niya *-*
Tumayo ako ng makarinig ako ng katok sa pinto. Pagbukas ko ng ay nakita si James na may bit bit na... Grocery?
"James, ano nanaman yan?" diretsang tanong ko rito, Ngumiti lang ito saka siya pumasok sinamaan ko naman ito ng tingin
"Wala man lang bang "Hello" o "GoodMorning"? " nakapout na tanong niya. agad ko naman itong binatukan. andrama eh.
" Waaahh titoo" Narinig kong sigaw nung kambal nung nakita nila si James. Agad naman silang bumaba sa upuan upang salubungin si James
"Kambal! May pasalubong si tito sa inyo"umupo si James upang pumantay sa dalawa. nilabas naman nito ang chocolate sa plastic bag
"Thank you po Tito!" pagpapasalamat ng kambal at saka linantakan ang chocolate nila.
"Hindi ka pa ba mag aayos? anong oras na Gonzales" sinamaan ko lang ito ng tingin at saka nagtungo sa kwarto para maligo at mag ayos.
Lumabas na ako ng kwarto at nakita kung naghuhugas ng pinagkainan nang kambal si James. nagpaalam na ako sakanila bago umalis.
-------
Nasa harapan ako ng isang cafe, tinignan ko ung address na binigay ni james, ito nga un. Bumuntong hininga ako at pumasok sa loob. Dumeritso ako sa cashier at tinanong kung nasaan ang manager nila.
Sinamaan ako nung isang staff sa office nang manager. Pumasok na kami at nadatnan namin dun ang isang gwapong lalaki, matipuno ang pangangatawan nito. Okay na sana eh, kung wala lang ung lipstick at blush on niya.
"You're Arline Right?" tanong nito. Mas lalo akong naturn off sa boses niya. Ba't andaming gwapong bakla ngaun huhu
"Opo, ako po yung kaibigan ni james"
"ah! sige pwede ka nang magumpisa" Nagulat ako sa sinabi nito
" talaga po?maraming salamat po" Masayang sabi ko. Ngumiti ito saka tumango.
Hindi ko mapigilang ngumiti. Kailangan ko talaga ng extrang pagkakakitaan dahil lumalaki na rin ang expenses namin.Bukod kasi sa pag tututor ay wala na akong trabaho. eh hindi naman araw araw ang trabaho kung iyon. Saka malapit lapit na ang birthdaay ng kambal.
Hinatid ako ni Steff, staff rin dito, sa locker room para ibigay saakin ang uniform na gagamitin ko. Pagkatapos kung magpalit ay nagsimula na akong nagtrabaho.
----------------------------------------------------------------------
Tatlong linggo na akong nagtrtrabaho sa Cafe na pagmamay ari ng kaibigan ni James. Nakabayad na rin ako nang upa dahil sa tulong ni James. Pero sinabi ko rito na babayaran ko siya, nung una ay hindi ito pumayag ngunit dahil likas na makulit ako ay napayag ko ito. Si James rin ang nagbabantay sa kambal pag may trabaho ako. Laking pasasalamat ko rito sahil kung wala siya hindi ko na alam kung anong gagawin ko
Kakatapos ko lang magtrabaho. Magcloclose na rin ang cafe. kinuha ko ang mga gamit at umuwi.
Naabutan kong nakatulog na ang kambal habang si James namn ay nakatulog sa upuan. Kumuha ako ng kumot at kinmutan si James. Nag ayos na rin ako at tumabi sa kambal
-----------------------------------------------------
Third Person POV
"Sir, I already found her" aniya ng lalaki sa kausap niya sa telepono
"good! send me the address" hindi maikakaila ang saya sa boses ng kausap nung lalaki
"Copy" huling sambit ng lalaki saka nagsimulang malakad paalis
-------------------------------------------------------
Enjoy Reading :)
-Nyxx-
YOU ARE READING
Second Chance
Teen FictionThey said everyone has the right to have Second Chance But Does everyone Deserve to have a Second Chance? Published : Feb 23 2017 All Right Reserved