Chapter 18

1.8K 74 0
                                    

  Nang maging sila ng araw na iyon ay sobra sobrang galak ang nararamdaman ng bawat isa.

Ang mga estudyanteng nakasaksi ng kaganapang iyon ay mas kinikilig pa kaysa sa dalawa.
Masaya rin ang mga kaibigan ng dalawang magkasintahan

***

Sa bahay ng lolo at lola ni Dave ay nakatutok sa mga libro at notebook ang binata. Pangiti ngiti ito na parang may nakakatawa sa libro.

"Anong nginingiti ngiti mo diyan ha, apo." ang gulat na sabi ng lolo nito.

"Ahy, Lo, andiyan po pala kayo, nakakagulat naman." sagot ni Dave na halatang nagulat.

"Apo, yang ngiti na yan eh pamilyar sa akin ah. In love ka ba?" nakakalokong tanong ng lolo nito.

"Lo." tanging sagot lang ni Dave na ngumisi pa sa kanyang lolo.

"Tama in love nga ang guapong apo ko! Haha anak ipakilala mo siya sa amin ng lola mo ah, para naman makilala namin ang nagpapatibok ng puso ng apo ko." sabi ng lolo niya saka siya tinapik sa balikat.

"Opo lo." ikling sagot lang nito.

"Asus, binata na talaga ang apo namin." sabad naman ng lola niya na nasa likuran lang pala nila.

***

Nang nasa kuarto na si Dave at nakahiga ay nakangiti pa rin ito, pilit na ibinabalik ang mga kaganapan noong nakaraang buwan. Isang buwang na rin pala ang dalawa kay bilis ng panahon.

"Ganito rin kaya ang feeling ni Papa kay Mama noong magkasintahan pa sila?" sabi nito sa sarili.

"Sana magkaayos silan muli, para buo na ulit ang pamilya namin. Lord maging buo lang ulit ang pamilya ko, lahat gagawin ko. Kahit na anong kapalit nito handa akong gawin at harapin, mabuo lang ulit kami." dagdag pa nito at biglang nalungkot ang binata ng maalala ang paghihiwalay ng magulang niya.

***

Sa kabilang banda naman ay kanina pa nakakahalata ang nanay ni Rosielyn.

"Aray, Inay naman eh." reklamo ni Rosielyn sa ina, pinalo kasi siya ng ina nito sa puwet.

"Haha, kanina pa kasi kita pinagmamasadan anak eh. Pangiti ngiti ka kasi habang naghuhugas ng plato. Ano ang nakakangiti sa mga plato na iyan ha? O baka naman? Rosielyn, anak....bakit bumublooming ka? May pa hairclip clip ka ng nalalaman ngayon ha. At ano to? Isinuot mo na rin sa wakas yung binili kong hikaw para sa iyo? Diba ayaw mong nagsusuot ng mga hikaw at mga gamit na pangbabae? Anak, ok ka lang? O nanaginip lang ako?" sita ng ina nito na di mapigilang matuwa sa nakikitang pagbabago sa anak.

"Inay, dalaga na po ako. At napag isip isip ko po na kailangan ko na rin mag-ayos ng sarili ko para mas kaaya-aya akong tignan. At para mas lalong mainlo....." putol sa sabi nito saka kinagat ang pang-ibabang labi niya.

"ano?" tanong ng ina nito na di naunawaan ang huling sinabi ng anak.

"Anong mainlo?" dagdag na tanong pa niya.

"Mainlo..I mean.."putol ulit na sabi niya dahil nag-iisip pa siya ng pwedeng irarason.

"Mainlove kamo na kasi..sus. Di naman ako magagalit anak eh. Ipakilala mo siya sa akin ha, agad agad. Sino kaya ang nakapana ng puso ng anak kong boyish? Naku sasaluduhan ko iyon ng bonggang bongga...dahil sa wakas babae na rin ang anak ko hahaha." tuloy na sabi ng ina nito saka muling pinalo sa puwet ang dalaga na napakamot pa sa ulo niya.

"izzzzzzzz....si inay talaga!" maktol pa nito sa sarili saka itinuloy ang paghuhugas.

***

Kinabukasan ay atat ng makita ulit ni Dave ang kasintahan nito.
At ng makita niya ito na naglalakad papalapit sa classroom nila ay agad niya itong sinalubong.

"hi babe, mas maganda ka pa sa umaga." bati ni Dave.

"Bolero hmpt! Pero mas guwapo ka pa sa umaga." ganti naman ni Rosielyn.

"uhy di Ah. Babe may sasabihin ako sayo." sabi ni Dave.

"Ako din." sabi din ni Rosielyn.

"Ah talaga? Una ka na babe..ano yun?" tanong ng binata at napatigil pa ang mga ito sa paglalakad.

"Hindi mauna ka na." saad ni Rosielyn.

"Hindi, ikaw na, ladies first eh."

"Ikaw na kasi, be gentleman."

"ikaw na."

"ikaw na lang."

Ang sabi ng mga ito na ayaw magpatalo kung sino ang unang magsasabi.

"okay sige na nga, gusto ka kasing makilala nina lolo at lola." sabi ni Dave

"Gusto ka kasing makilala ng nanay ko." sabi din ni Rosielyn na halos sabay pa sila sa pagkakasabi.

"Huh? Talaga? Pareho tayo?" sabay ulit na tanong ng mga ito sa isa't isa saka sila nagtawanan.

"Ano ba yan, sabay pa ah." angal ni Rosielyn.

Napatawa na lamang si Dave.

"So..kailan? Kailan mo ako pwedeng ipakilala kay nanay? Di ba siya nagalit ng nalamang may boyfriend ka na?"

"Nanay?? Feeling huh! Eh..hindi, hindi naman siya nagalit, ewan tuwang tuwa pa nga siya ng nalaman niya. Ikaw, kung kailan mo gusto."

"kahit ngayon na babe, pwedeng pwede. Pero ako dapat ang unang magpapakilala sayo kila lolo at lola. Sabik na sabik na kasi sila eh. Kinukulit ako kung kailan daw. Promise babe, magugustuhan mo sila at magugustuhan ka rin nila. They will treat you like they treat me. Okay?"

"okay."

"So ano babe? Mamayang uwian? Okay lang ba?" tanong ni Dave.

"oo na!" sagot lang ni Rosielyn.

Ngumiti si Dave ng marinig iyon saka siya nakipagholding hands kay Rosielyn habang naglalakad sila papasok sa classroom nila.  

BOYISH GIRL OF MINEWhere stories live. Discover now