Chapter 12

2.2K 84 0
                                    

 "Ok Babe, lets go." ganting sabi ni Rosielyn. Ngunit huli na ang lahat para mabawi niya ang salitang iyon.

Napalaton naman ang puso ni Dave ng marinig ito.

Ng makalayo na ang dalawa sa mga tao, ay agad na tinanggal ni Rosielyn ang kamay ni Dave sa beywang niya.

"Namimihasa ka na talaga ah! Bakit mo sinabi iyon ha! Tayo ba..tayo ba? Ha! Kailan naman kaya kita sinagot? Ang lakas ng trip mo ah!" kunwariy galit na sabi ni Rosielyn ng nasa silong na sila ng mangga na malayo sa kinaroroonan ng mga tao.

"Eh bakit?..hindi ba pwedeng mapunta tayo dun? Hindi ba pwedeng dumating tayo sa puntong yun?" ang seryosong tanong ni Dave sa dalaga.

"Joooooooooke!" sabi pa nito ng makita niyang kinuyom ni Rosielyn ang palad niya at akma sana siya nitong suntukin.

"What I mean is, nasabi ko lang iyon, para tapos ang usapan. Para hindi na sila magtanong, at hindi ka na makipagtalo pa." pagpapaliwanag ni Dave na kahit ang totooy ginusto talaga niya ang ginawa at kinikilig siya.

"Ganun ha! At ginawa mo pa akong lalaki. He's my girlfriend tsu tsu tsu. Lalaki ako ha ..lalaki?" galit pa rin na tanong ni Rosielyn sa lalaki. Na kahit ang totoo'y gustong gusto naman talaga niya ang ginawang iyon ni Dave sakanya.

"Eh kasi nga boyish ka, that's why I said "He's instead of she's." palusot ni Dave

"Palusot. Last na yun ah. Pasalamat ka iilan lang nakarinig non, dahil kung hindi matatamaan ka sa kin." taas kilay na sabi ng dalaga.

"okay lang na tamaan mo ako babe, este Brad, basta dito oh.. Dito." saad muli ni Dave saka nito tinuro ang puso niya.

"ano? Anong sinabi mo?" tanong ni Rosielyn.

"ang sabi ko.. eh bakit ikaw, tinawag mo akong babe kanina, pero nagalit ba ako? Di ba hindi, kundi'y tinanggap ko pa nga ito ng buong puso iih. Diba my babe? Yiiiih" kindat ni Dave sakanya at kiniliti pa niya ito.

"Hoy gumising ka nga, anong oras na, alas onse na! Dave po ang sinabi ko, at hindi babe! Huy hinayupak ka tumigil ka ah, isa.. Aray. Dalawa Dave nakikiliti ako ehhh!" nakikiliting sabi ni Rosielyn.

Itinigl ni Dave ang pangkikiliti niyang iyon sa dalaga saka nagsalitang muli.

"Wuhhh. Ikaw ang alusot diyan, klarong klaro kaya sa pandinig ko. Babe sabi mo at hindi Dave.
As in capital B-A-B-E....babe." asar ulit nito.

"huy g*go ka Dave. Isa pa ah! Tumigil ka na diyan. Isa!" bilang ni Rosielyn na napipikon na sa mga pinagsasabi ng lalaki.

Ayaw kasi nitong aminin sa sarili na sinabi niya iyon kanina. At nahihiya siya sa lalaki sa tuwing ipapaalala ito.

Maya maya pa ay may lumapit sa kanilang estudyante. Napatigil saglit ang dalawa sa kung anong pinagtatalunan nila.

"Dave, hinahanap ka na ng mga kateam mo. Tuloy na daw ang laro." sabi ng lalaki sa kanila.

Kayat sabay sabay na ang mga ito na bumalik sa basketball court.

"priiiiiiit!" ang sipol ng referee, senyas para sa muling pagpapatuloy ng laro.

Ilang minuto pa ang nalalabi para sa huling session ng larong iyon, at halos binigay na ni Dave ang kanyang makakaya para manalo ang team niya.
Nasa kanya ang bola at siya ang magshu shoot nito.

Tatlong dribol, dalawang talon at isang kindat pa ang pinakawalan niya sabay tingin kay Rosielyn saka nito tuluyang shinut ang bola sa basket.

"Shoot! Waaaaah galiiing!" ang malakas na sigaw ni Rosielyn, at naglulundag pa ito ng masaksihan iyon.

Pinagbubuhat siya ng mga kabarkada niya, pati na ng mga kateam niya at coach nila. Siya kasi ang nakapagpanalo sa team nila kayat masayang masaya si Dave sa pagkakapanalo nila.

Sumunod naman ang volleyball, tulad ng dati bawat team ay nais manalo, at sa panahong ito, ay si Dave naman ang nagchi cheer ng "Go Rosielyn. Go go!" "Go Spuff Team" Saka siya sasabayan ng mga barkada niya.

Ilang saglit pa ay natapos din ang larong iyon at ang team nga ni Rosielyn ang nanalo.

***

Kinabukasan ay grand parade naman ang magaganap.

Lahat ng mga nanalo sa mga patimpalak at isports ay nasa unahan ng parada.

Kasama ni Dave ang mga kateam niya at ganun din si Rosielyn.
Subalit sadyang pasaway minsan ang mga ibang estudyante at nakikihiwalay sila sa kateam o kasection nila para makisabay sa paglalakad sa mga nais nilang makasabay. Gaya na lamang ni Dave.

"Hi babe!" ang saad ni Dave ng mahabol nito ang kinabibilangang team ng dalaga. Mas nauna kasi sila Rosielyn kaysa kila Dave.

"Anong sinabi ko sayo kahapon?" asar na tanong ng dalaga at hininaan lang konti ang boses para di marinig ng iba.

"Ang sabi mo kahapon babe ay...... "Isa pa." Kaya ito oh, isa pa. Isa pa,, isa pang chickenjoy... Buum hehe. O sige na nga balik na ako sa mga kateam ko baka mapakyaw mo nanaman ako BRAD." pilosopong saad nito at diniinan pa ang pagkakasabi ng BRAD.

Nagkibit balikat na lang si Rosielyn kahit na ang totoo ay kinikilig nanaman siya at binilisan na lang niya ang paglalakad para makaiwas sa binata.

***
Pagkatapos ng parada ay agad hinanap ni Rosielyn ang kaibigan niya. Mabuti naman at nahanap niya din ito agad, at sabay ng umuwi ang dalawa dahil pagod ito.  

BOYISH GIRL OF MINEWhere stories live. Discover now