Chapter 7

2.5K 103 0
                                    

Hinabol ni Dave si Rosielyn para magpaliwanag.

"Rosielyn sandali! Bigyan mo naman ako ng pagkakataong magpaliwanag oh." sabi nito.

"Magpaliwanag? Sige magpaliwanag ka, pero huwag kang aasa na maniniwala pa ulit ako sayo." matigas na tono ng dalaga.

"Yung nakipagpustaan ako sa mga kaibigan ko, totoo iyon. Totoong nakipagpustaan ako hindi dahil sa mga pinag usapan naming kabayaran kung sino ang mananalo. Nakipagpustaan ako sakanila dahil sabi nga nila di kita mapapaamo. Nakipagpustaan ako sakanila dahil nais ko talagang maging kaibigan ka, hindi dahil sa kabayaran nila sa akin, kundi dahil sayo. Yun lang yun, totoo lahat ng sinasabi ko sayo Rosielyn, totoong nais kitang maging kaibigan. Maniwala ka naman sana sa akin..please!" nakaluhod na sambit ni Dave.

"Tama na Dave, ang dami mo ng sinasayang na oras para dito. Mabuti pa huwag na huwag mo na akong lalapitan pa dahil malabo ng mangyari ulit ang nais mo. Tama na, tama na yung pinagtawanan ako ng mga kaibigan mo na tomboy ako. Wala kayong alam sa tunay kong pagkatao. Tama na Dave, tama na." sambit ni Rosielyn sabay wisik ang kamay ni Dave na nakahawak sa kamay niya.

"Rosielyn!" pagtangis na tawag ni Dave sa dalaga.

Lumuluha si Rosielyn ng iwan niyang muli si Dave.
Hindi na siya pumasok sa iba nilang subject at umuwi na lamang ito. Ayaw niya kasing makita si Dave sa araw na iyon.
Magpapalamig muna siya para maibsan ang poot na kanyang nararamdaman.

Maya maya pa ay tumayo si Dave para sundan kung saan ang tungo ni Rosielyn.
Nais niya talagang magkabati muli sila.
Hindi siya makakapayag na mauuwi na lamang sa ganito.
Ngayon pa ba siya susuko, ngayong..ngayong may nararamdaman na pala siya dito? Pakiramdam na mas higit pa sa kaibigan.

Napansin ni Rosielyn na parang may sumusunod sa kanya, kaya pinaspasan pa nito ang maglakad at iniligaw ang kung sino mang sumusunod sa kanya na walang iba kundi si Dave.

***

Kinabukasan, ayaw sanang pumasok ni Rosielyn dahil ayaw pa nitong makita ang lalaki.
Subalit nanghihinayang naman siya baka bumaba ang grado niya.
Kayat nagpasya na rin siyang pumasok na lang.

Samantala ng nasa klase na si Dave ay agad nitong hinanap sa paligid si Rosielyn. Hinanap niya ang babaeng kanya ng napupusuan at nagugustuan.
Kung hindi sana siya nakipagpustaan sa mga kaibigan niya, at sinarili na lamang sana niya ang kanyang misyon ay hindi sana hahantong pa sa ganito.
Nagkaayos na sila noon, pero heto at nasira agad ang pag-aayos nilang iyon.

"Rosielyn" ang agad na tawag nito sa dalaga ng makita nitong papasok na sa class room nila ang dalaga.

Iniwasan ni Rosielyn si Dave at ni isang kataga ay walang lumabas sa bibig niya.

Napansin ito ng mga kaklase nila ang pag-iwas na iyon ni Rosielyn.

"Ehem..ehem. May L.Q. ata sila oh!" panunudyo ng isa nilang kaklase.

Tinignan ng matalim ni Rosielyn ang taong nagsabi non.

"Rosielyn, please maniwala ka naman sana sa lahat ng sinabi ko sayo kahapon please." pagmamakaawa ni Dave at sinundan pa si Rosielyn sa sitting place nito.

"Ikaw na nga muna ang bahala diyan, suntukin mo.. sampalin mo tadyakan mo kung gusto mo." ang baling nito sa kaibigan niyang si Arcangel.

At lumabas nga muna si Rosielyn sa classroom nila.

Si Dave naman ay pumunta na lang sa seat place niya.

"what happen?" tanong ng isa niyang kaibigan.

Inupakan ito ni Dave.

"ohy sandali wala naman ganyanan mga brad, magkakaibigan tayo eh." awat ng isa.

"Tulungan niyo akong magkaayos muli kami ni Rosielyn, narinig niya ang mga usapan niyo kahapon tungkol sa pustaan natin dati. Oo nakipagpusta nga ako, pero ang totoo nais ko talaga siyang maging kaibigan. Pero akala ko dati hanggang kaibigan lang ang nararamdaman ko pero lumagpas na doon. At hindi ako makakapayag na lumayo muli ang loob niya sa akin." sambit ni Dave sa mga kaibigan niya.

"Sige brad, tutulungan ka namin." sagot ng mga kaibigan niya.

Ng makita ni Rosielyn na may pumasok ng guro sa klase nila, ay saka pa lamang ito pumasok.

Bumati ang lahat ng estudyante sa guro at ganun din ang guro sakanila.

"Malapit na ang foundation day natin, at sa foundation day na iyon ay magkakaroon tayo ng iba't ibang patimpalak at palaro. Lalong lalo na sa isports. Sino ang nais sumali sa mga palarong iyon?" ang tanong ng guro nila sa MAPEH.

Nagtaas naman ang mga estudyanteng nais sumali.

"Rosielyn, diba varsity player ka sa volley ball. Ayaw mong sumali?" tanong ng guro.

"Gusto po." sagot niya.

"Sige, ilista mo na lang iyong mga sasali sa larong iyon sa klase niyo para may representative ang section niyo."

Tumango si Rosielyn at nilista na ang mga nais lumahok.

"Dave, balita ko varsity player ka dati sa paaralang pinapasukan mo?" ang tanong muli ng guro saka ibinaling ang tingin kay Dave.

"Yes Sir." sagot ni Dave.

"kailangan ko kasi ng isa pa para doon, para sa year niyo." sabi ng guro.

"Gusto mong sumali?" tanong pa ng guro.

"Yes sir." sagot ni Dave.

"good may practice mamayang hapon sa lahat na kasali." sabi ng guro.

BOYISH GIRL OF MINEWhere stories live. Discover now