Chapter 11

2.3K 92 4
                                    

  Sa sumunod na araw ng foundation day ng paaralan nila, ay ang mga iba't ibang isports naman ang naganap. Tulad ng badminton, volleyball, basketball at marami pang iba.

Ang larong basketball ang unang isinagawa. Sumisipol si Rosielyn saka nag chi cheer naman ang kaibigan niyang si Arcangel ng "Go Dave!" "Go Madallas Team!"

Tuwing ishu shoot ni Dave ang bola ay titingin muna siya sandali kay Rosielyn bago ito ishoot. Halos lahat ng shoot niya ay pasok sa basket. Nagta thumbs up pa si Rosielyn tuwing nakaka iskor si Dave. Nakikita naman iyon ng lalaki.

May kanya kanyang ring ichini cheer ang bawat estudyante,
hindi naman nagpahuli si Rosielyn at nakicheer na rin ng "Go Dave. Go go go." "Go Madallas team."

Kapag malakas ang cheer ng mga kalaban nila ay mas lalo pa nitong nilalakasan na parang mapuputol na ang ugat nito sa leeg sa kakasigaw.

Tuwing nasasagi si Dave ay hindi mapigilan ni Rosielyn na hindi mapamura.
"Sh*t" anito sabay kuyom ng palad niya.

"Anong shini sh*t mo diyan?" nakangiting sigaw na tanong ni Arcangel sa kaibigan. Maingay kasi kaya kailangan na magsigawan para marinig ng kausap.

"huh? Wa-wala!" tarantang sagot niya habang abala ang mata nito kung ano ng mangyayari sa laban nila Dave.

"Wuuuuuh?" sabi ni Arcangel.

Hindi na lang ito pinansin ni Rosielyn.

Nararamdaman ng lahat na ang team nila Dave ang mananalo. Kaya naman may isang manlalaro na kalaban nila sa larong iyon ang nagsadyang banggain si Dave ng tumatakbo ito at dinedepensa ang bola para ihagis sa kateam nila para ito ang magshoot dahil nasa malapit na basket ang kateam niya. Bago pa maihagis ni Dave ang bola ay binangga na siya ng lalaki. Hindi iyon inaasahan ni Dave kaya naman nawalan siya ng balanse sa katawan, natumba siya at nadapa sa sahig. Mabilis na napatayo si Rosielyn sa kinauupuan nito. Kitang kita niya ang ginawang iyon ng lalaki kay Dave. Ang mga referee at coaches ay nagkagulo dahil sa insidenteng iyon. Walang pasabi at nagtatakbo si Rosielyn at Arcangel saka sila lumapit sa basketball court.

Naghihimutok sa galit si Rosielyn dahil sa natamong iyon ng binata. Hindi niya maintindihan ang sarili kung bakit affected siya sa nangyari. Feeling niya kapag nasasaktan ang binata ay nasasaktan rin siya. Kaibigan lang ba talaga ang turing nito sa lalaki? O mas higit pa dito.?

"Dave okay ka lang?" ang nag-aalalang tanong ni Rosielyn ng nasa upuan na si Dave.

Nagulat naman ang binata sa presensiyang iyon ng dalaga.

"ah..o ok lang." sabi ni Dave sabay himas sa tuhod nitong unang tumama kanina sa floor.

Napapangiti ang mga barkada ni Dave sa dalawa.

Magsasalita pa sana si Rosielyn ng makita nito sa ibang sulok yung lalaking bumangga kanina kay Dave.

Ewan ba niya sa kanyang sarili, at bigla na lang sumanib sa kanya ang kaluluwa ni Manny Pacquiao, at dali dali nitong nilapitan ang lalaki saka sinuntok sa mukha.

"priiiiiiiit!" ang sipol ng isang referee ng mamataan ang ginawang iyon ni Rosielyn.

"Sir! Mawalang galang na sa ginawa ko, pero dapat na madisqualified ang lalaking yan!" ang sigaw na galit ni Rosielyn saka itinuro ang lalaki.

"calm down." ang sabi ng referee saka nito inilayo si Rosielyn ng akma nanaman nitong sapukin ang lalaki.

"paano ako mag ka calm down sir. Eh kitang kita na binangga niya yung isang kalaban niya. Hahayaan na lamang ba iyon sir? Nasaan ang hustisiya?" ang galit na boses pa rin ni Rosielyn.

Natouch naman si Dave sa ginawang pagtatanggol sa kanya ng dalaga.

"Bakit niya ginagawa to? Bakit niya ako pinagtanggol? Bakit parang mas affected pa siya kaysa sa akin?" yun ang mga katanungan sa isip isip ni Dave saka lumapit sa dalagang bira pa rin ng bira sa referee at sa lalaking bumangga sa kanya.

"Hindi naman niya siguro sinadya iyon. Nagkataon lang siguro na nabangga talaga. Kasi natural na mabangga siya kasi nga inaagaw sa kanya yung bola." ang depensa ng referee na parang pumapanig pa sa lalaking bumangga.

"Hindi iyon ang nakita ko Sir, marami kaming nakakita kung ano ang tunay na nagyari kanina." ang nanggigil na boses ng dalaga at hindi niya alam na nasa likuran na pala siya ni Dave.

"Bakit? Kaano ano mo ba ang nabangga. Dahil kung makapag react ka daig mo pa ang girlfriend niya." usisa ng isang estudyante na kateam ng lalaking bumangga.

"anong paki mo ha! Wala ka na dun" sabi niya sabay irap sa lalaki.

Tumikhim si Dave ng marinig ito, na siyang nakapagpalingon kay Rosielyn.

"He's my girlfriend. Kaya may karapatan siyang magreact. At para malaman niyo, hindi marunong magsinungaling ang girlfriend ko." ang pagdidipensa ni Dave at pasimple niyang hinapit sa baywang si Rosielyn.

Napatingin si Rosielyn sa kamay ni Dave na nakahapit sa baywang niya.

Di niya alam sa sarili kung bakit kinilig siya sa sinabi at ginawang iyon ni Dave.

"Anyway yung nagyari kanina, lets forgot about it. Kahit hindi ka na nagsorry, napatawad na kita. At sana matuloy na ang laro. Let's go babe." sabi ni Dave saka nito ibinaling ang mata kay Rosielyn.  

BOYISH GIRL OF MINEWhere stories live. Discover now