Chapter 1

27.8K 856 58
                                    

Posted in Dreame
9:30 PM, June 19, 2019

Chapter 2 will be posted on
June 20, 2019 at 9:30 PM

"Luke! Duke!" Tawag ko sa dalawang bata. Mukhang pinagtaguan na naman ako. "Walang ice cream ngayong linggo kung walang lalabas!"

Pagkasabi ko nun, bigla na lang silang lumitaw sa harap ko buhat kung saan. Napailing-iling ako. Mga mukhang ice cream talaga.

"Anong flavor ng ice cream Daddy-Tito?" Usisa pa ni Luke nang lapitan ko sila.

"Bibilihin ko 'yong paborito niyo kapag naligo na kayo." Saad ko. Nagsisigaw ito sa kagalakan at ito na mismo ang humila sa kapatid papuntang banyo.

Si Luke at Duke ay identical twins. Anak sila ng namayapa kong kakambal na si Devon na binawian ng buhay pagkatapos silang isilang. Dahilan nito ang maraming kumplikasyon. Labinlimang taon lang din kasi ito nang ipinagbuntis ang kambal.

Sa amin naiwan ni Mommy at ng kapatid niya ang pangangalaga sa mga bata. Pero makalipas lang ang isang taon, nagkasakit si Mommy ng mayuma. Lumala ito hanggang sa hindi na maagapan. Pagkalipas ng isang taon, binawian siya ng buhay. Sobrang sakit niyon para sa akin na halos ikinasuko ko na. Pero tinatagan ko ang loob dahil may dalawang bata pa ang umaasa sa akin.

Naging katuwang ko noon sa pag-aalaga si Tita Divina. Grabeng hirap ang pinagdaanan namin dahil pareho kaming walang alam sa pag-aalaga ng bata. Isa pa't nag-aaral ako ng kolehiyo. Muntik-muntikan na na rin akong huminto.

After a year, nagkasakit din si Tita. Breast cancer. Matagal na pala niya itong tinatago sa amin. Hindi na rin ito naagapan at pagkalipas lang ng isang taon, sumunod siya sa kanyang kapatid.

Halos gumuho ang mundo ko. Hindi ko alam kung anong kasalanan ko sa itaas kung bakit Niya ako pinaparusahan ng ganito. Sa dinami-dami ng tao, ako pa ang nakakaranas ng ganito. Pero hindi ko naman pwedeng kwestyunin iyon. Inisip ko na lang na pagsubok lamang ang lahat ng ito at makakaya ko ring lagpasan.

Dalawapu't taong gulang ako nang maiwan talaga sa akin ang kambal. Mabuti na lang nasa tamang edad na ako at hindi kinuha ang mga ito ng taga-DSWD.

Limang taon na sila ngayon at parehong nag-aaral ng kinder. Naiwan sa akin ang flowershop ni Mommy na pinagkukuhanan ko naman ng panggastos sa pag-aaral ng kambal. Swerte na wala akong gastos sa tuition fee ko as college student dahil scholar ako ng isang organization kaya sakto lang ang mga gastusin para sa mga bata at sa bahay.

Nawala rin kasi sa amin ang lahat lalo na ang ibang negosyo namin dahil ginamit ang mga iyon para sa panganganak ni Devon, sa pagkamatay nito, sa pagkakasakit ni Mommy at Tita at ganoon na rin sa mga burol nila. Mabuti na lang at hindi naipagbili ang flowershop. Iyon kasi ang hinabilin sa akin ni Mommy na kahit anong mangyari ay huwag ko itong isusuko.

Ngayon, nakatira kami sa isang maliit na bahay na kasya lang kaming tatlo. Payak ang aming pamumuhay at nakakaraos naman sa pang araw-araw.

Hands-on ako sa pag-aalaga ng mga bata. Hindi ko nga alam kung bakit nakayanan kong pagsabayin ang pag-aaral at pag-aalaga sa kanila pati na rin ang paghawak sa negosyo namin. Tinutulungan din kasi ako ng bestfriend kong si RC. Kapag wala siyang ginagawa sa kompanya niya ay binibisita niya ang kambal. Napamahal na rin ang mga ito sa kanya. Iyon lang ay iniispoil niya kaya minsan nagiging matigas ang ulo.

Pagkatapos ko silang paliguan at ayusan ay inihatid ko na sila sa kanilang school. Pumasok na rin ako sa university kung saan ako nag-aaral. Nasa ikaapat na taon na ako sa kursong Business Administration at isang semester na lang ay matatapos na ako.

The Casanova's Nightmare (Dangerous Man Series)(Boyxboy)Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon