Poted in Dreame
June 22, 2019Hindi ko alam kung ano ang isasagot sa kanya. Naghuhurumentado ang puso ko sa kaba. Kinakabahang tiningnan ko ang counter. Huwag sanang lumabas ang dalawang bata roon.
"A–Ano pong gusto niyo Sir?" Sa halip ay tanong ko. Wala na akong ibang maisip na paraan upang iwasan ang tanong niya.
Sana lang mali ang iniisip ko. Sana napapraning lang ako. Sana hindi siya pumunta rito upang kunin sa akin ang kambal.
Pero basi sa kanyang pananalita at kilos ay tila wala siyang alam tungkol sa mga bata. Ni hindi nga niya ako nakilala kagabi. Pero napakaimposible namang makalimutan niya ako. Kunsabagay, nakalimutan niya rin ang kapatid ko pagkatapos ng nangyari sa kanila.
Ganoon naman talaga ang isang casanova na katulad niya. Kapag nakuha na niya ang gusto sa isang babae, iiwan na lamang niya ito na parang isang basura. Katulad na lang ng ginawa niya sa kapatid ko at mas malala pa ang sinapit nito dahil tumagal sila ng halos isang taon.
Hindi rin siya sumagot sa tanong ko at muling nagtanong pero tungkol na ito sa mga bulaklak na ibinibenta namin. Nabawasan ang kaba ko dahil mukhang mali ang mga iniisip ko kanina. Hindi talaga niya ako naaalala at wala siyang alam sa kambal.
"Can you make me a bouquet? Choose and decide what are the best flowers in it. Make it special."
"Y–Yes sir." Tugon ko at agad na sinunod ang utos niya. Napailing na lang ako sa aking isipan. Paniguradong may babae na naman siyang lolokohin at paglalaruan.
Ang ipinagtataka ko lang ay kung bakit kailangan pa niyang mag-effort ng ganito para sa isang babae kung isa lang naman ang pakay niya rito? Uso pa pala ito sa kanya?
"How's this shop? Glenn told me that this place is doing pretty good." Wika niya habang ginagawa ko ang bouquet. Panay din ang tingin ko sa counter dahil baka biglang lumabas ang dalawa. Bawat segundo ay dinadalangin ko na sana manatili lang sila roon.
"O-Okay naman ito at kumikita ng maayos." Nauutal kong wika dahil sa kaba. Sumisikip ang aking dibdib at tila ba nawawalan ako ng hangin.
"Thats good. I was empressed by this flower shop especially with your ability and your staff in making such beautiful designs in my party last night. I also heard good comments from my friends especially to Glenn. Your business has difinitely a trademark."
Marami pang mga sinabi si Kingsley na tanging tango at ilang salita lamang ang sinasagot ko.
Binilisan ko ang paggawa sa bouquet ni Kingsley para makaalis na siya agad rito. Habang ginagawa ko ito ay lumilibot siya sa loob ng shop. Hinahawakan niya ang mga bulaklak at inaamoy ito. Tama nga ang sinabi ni Glenn tungkol sa kanya. Mahilig siya sa mga bulaklak. Mga bulaklak. Tss.
But I never heard from Devon that King is into flowers. Wala akong ibang alam tungkol kay Kingsley dahil ayaw ko namang pakinggan ang mga magagandang bagay tungkol sa kanya kahit pa na naging sila ng kapatid ko dahil para sa akin ay isa siyang mapaglaro at nanakit ng damdamin ng babae.
Umiling na lang ako upang mapalis ang isipang iyon at pinagpatuloy ang ginagawa. Mabuti na lang at malapit na akong matapos nang pumunta siya sa kinaroroonan ko.
Nakita ko ang pagngiti niya nang makita ang gawa ko. He looks satisfied by it.
"By the way, nasaan na ang batang 'yon? That Luke. Is he your son?"
Muling bumayo ng malakas ang dibdib ko. Hindi ko alam kung ano ang sasabihin sa kanya.
"Bakit niyo po ako hinahanap?" Tanong nang munting tinig mula sa likuran ko. Si Luke. Para akong tinakasan ng dugo sa katawan.
![](https://img.wattpad.com/cover/100728466-288-k392644.jpg)
BINABASA MO ANG
The Casanova's Nightmare (Dangerous Man Series)(Boyxboy)
Fiction générale[COMPLETED] Sa edad na labing-anim, isang malaking responsibilidad na ang pinapasan ni Devin. At ito ay ang alagaan ang kanyang dalawang pamangkin, mga anak ng kanyang yumaong kakambal. His sister died because of complications. Hindi kinaya nito a...