Victoria: Kaya hindi ka makapagtrabaho, eh. Pumapag-ibig ka kasi.
Veronika: Ang sama n'yo. Brokenhearted na nga iyong tao, eh.
Victoria: Tigilan mo na iyan.
V: Ano raw sabi niya? (nabingi)
Valencia: Itigil mo na daw iyan. Masasaktan ka lang. Di mo matatats iyan. (touch! #ouch)
V: Alam ko naman na may gf na. Nasasaktan na nga po.
Victoria: Makikinig ka kasi kay Ate Val mo.
Rose: Gf o bf?
V: Gf!
Rose: Mas masakit kung bf kasi wala ka nung meron yung bf.
V: Salbahe ka, Roselyn!
Victoria: Isulat mo na lang iyan at nang mapagkakitaan.
V: Wag na at ang cougar ng arrive ko. Di ko feel.
Volbo (cyber-stalker mode on sa FB with Alvert) Ito ba iyong crush mo?
V: Sabi nang wag i-stalk sa FB at napa-paranoid ako, eh!
Volbo: Magkamukha kayo.
V: Paano ko naging kamukha iyan eh ang gandang lalaki niyan?
Valencia: Siya kasi iyong tinatawag na matandang bulaan. Alam mo ba, Rose, kung ano iyon?
Rose: Sinungaling na hukluban.
PS
Rose,
Naka-move on na ako. May bago na! Yay!
-V
BINABASA MO ANG
The Rose Chronicles
HumorPang-araw-araw na kabanata sa buhay at pag-ibig ng hiriterang si Roselyn.