Vanna: (biglang tumawa)
Victoria: Anyare sa 'yo?
Vanna: Si Vance, nag-text. Break na daw sila ng bf niya.
Victoria: Ba't ka natawa?
Vanna: Eh, kasi iyong text niya: 'Ang kapal ng mukha. PWD na nga, nakuha pang gawin iyon.'
Veronika: Baka naman tinatawag niyang PWD kaya na-down at naghanap ng iba.
Vanna: Hindi, ipinagpalit siya sa mapera.
Veronika: Ano ba dipreyensya ng ex niya?
Rose: Komang.
Victoria: Bakit, por que may kapansanan di na puwedeng mag-cheat?
Rose: Iyon pa nga iyong nagluluko minsan. Ano raw sabi ni Vance dun sa third party? 'Sa yo na ang komang na yan?'
Vanna: Siya nga raw iyong pinalabas na third party. Minessage siya nung girl kaya niya nalaman.
AN: This anecdote was shared not to make fun of people with disability, but to not condone cheaters and cheating.
BINABASA MO ANG
The Rose Chronicles
HumorPang-araw-araw na kabanata sa buhay at pag-ibig ng hiriterang si Roselyn.