Chapter III: The body on the Pole

11 1 0
                                    


KRISIAN'S POV

Malamig, naimulat ko ang aking mga mata ng may malamig na kung ano ang bumalot sa aking katawan.Pagkamulat ko ay agad kong napansin ang ilaw na nakatapat sa akin, iyong parang spot light sa theater at ang basa kong katawan.

Nagtaka ako kaya tumayo ako, ngunit agad akong napasigaw ng matumba ako at nakita ang isang naputol na parte mula sa aking katawan.

"Ahhhh!!! Ang binti ko!!" sigaw ko sabay yakap sa kaliwang binti ko na naputol, sinong gumawa sa akin nito?! Ngayon ko pa lang napansin na nasa budega pala kami ng Hitchius High at nakakadena ang aking mga kamay.

Naiiyak ako sa takot para sa aking sarili, sa pagkakatanda ko ay sumasayaw ako sa stage ng mamatay ang ilaw kasabay ng pagkawala ko ng malay.

Sinong may kakayahan na gawin ang karumal dumal na ito sa akin?

"Your So...Dramatic!"

Napahinto ako sa paghagulgol ng may narinig akong boses na hindi ko alam kung saan nagmula, mabilis kong naramdaman ang takot at pagtibok ny puso ko pero pinilit kong magtapang tapangan.

"Sino kang hayop ka?! Lumabas ka riyan!"

Sigaw ko, alam kong pinapanood niya ako ngayon,  sa isang sulok may biglang sumulpot na tao nakahood ngunit kita parin ang kabuuan ng kanyang mukha.

Napasinghap ako at hindi makapaniwala sa aking nakita. Paano?! Bakit?! Agad kong tanong sa sarili, paano?!

Isang ngisi ang gumuhit sa kanyang mga labi.

"Hi, na-shock ka ba? Huh?! Obviously, nagtataka ka siguro my friend. Why? How? Siguro ang mga tanong mo, well isa lang ang pwede kong maisagot 'Hell'"

Tapos tumawa siya ng malakas, na parang nababaliw na siya.

"Ikaw?! Walang hiya ka! Paano mo naatim na putulin ang mahal kong binti?! Akala ko ba magkaibigan tayo..." naiiyak kong sambit,  natahimik siya at maya maya'y tumawa ng malakas.

"Ako nga rin eh natanong ko sa sarili ko, matagal kong inintindi at na-realize kong tama ang ginawa ko, at saka kaibigan? Ako? Akala ko nga rin kaibigan tayo pero hindi eh, alam kong plastikan lang ang halos lahat sa room." bigla itong naglakad palayo at agad na bumalik saka ko nakita kung ano ang kinuha niya.

"Anong g-gagawin m-mo?!" natatakot kong tanong sa kanya.

"Ikaw ang unang magbabayad sa mga kasalanang ginawa ninyo!" bago pa ako, makapagsalita bigla nalamang may lumapat na bagay sa mukha ko dahilan para mapasigaw ako ng malakas.

"Ahhh!!!" isang hampas ng latigo sa mukha ang natanggap ko, feeling ko natanggal ang balat sa mukha ko. Paulit-ulit niyang nilatigo ang katawan ko kaya mas lumakas ang sigaw ko.

"Ahhh!!! Tama na!!" pagmamakaawa ko, napahinto naman siya saka tumawa ng malakas.

"Wow! Tama na?! Hindi ako titigil hanggat hindi mo maaalala ang mga ginawa ninyo! Mas masakit mas masaya!"

Sabi nito sabay hampas ng latigo sa mukha ko at ibang parte sa katawan.

"W-wala akong kas-salanan! Ugh!! Ahhh!!"

"Wala?! Sinong nagsabi niyan?! Ako mismo ang nakasaksi, isa ka sa kanila hayop ka!" sabi nito, tumawa siya pinilit kong gumapang.

"T-tulong!!! Tulungan niyo ako!!" sigaw ko, nagbabakasakali na may makarinig sa akin.

"Hahahaha!!! Walang makakarinig sa'yo Krisian dahil hating gabi na! HATING GABI!! Ahahaha!! Ipapakalat ko sa buong school ang sikreto mo! Na hindi ka na Virgin!"

Nanlaki ang mga bugbog kong mata, tumigil siya sa paglatigo at nilapitan ako sabay sipa sa pagmumukha ko.

"GRO ka! Bitch!"

Kahit nahihirapan na ako pinilit kong magsalita.

"Hindi iyan totoo!"
"Mapupunta ka nalang nga sa impiyerno nagsisinungaling kapa! Alam ko lahat lahat lahat! Minanmanan ko kayo!"

Isang sipa sa sikmura ang natanggap ko, Yes Gro ako.
Maagang naulila ng mga magulang. Naging palaboy laboy hanggang sa mapadpad sa Red Diamond Bar kung saan gabi gabi akong sumasayaw, gabi gabing nagpapababoy sa kahit na sino.

Araw araw na umiiyak, nagdurusa, ganito kalupit ang mundo sa akin.

Wala akong ChoicE, at kahit mamatay ako ngayon wala-- hindi ako aamin.

"Hayaan mo kasi nasa impiyerno kana kung malalaman nila ang sikreto mo, hindi ka na mapapahiya well! Napagod ako sa paglalatigo sa'yo at atat na akong pumatay kasi para mabilis," may kinuha ito sa tagiliran na ikinagulat ko.
"Babarilin nalang kita.Goodbye Bitch!" kasabay ng pagputok ng baril sa ulo ko, pero bago pa ako mawalan ng ulirat nasabi ko pa ito sa isip ko..'Sorry'

Third person's Pov

Biglang napabangon si Rena sa pagkakahiga ng may narinig siyang putok ng baril,

"Chrizelle! Huy!"
Sabi nito sabay yugyog sa ka-dorm mate niya na si Chrizelle, naiinis naman itong nilingon siya.

"ano?"
"Wala kabang narinig na ingay?"

"Wala! Baka nananaginip kalang siguro."
Sabi nito sabay talikod nito, mapahiga nalang muli si Rena.

'Imposibleng pamaginip lang ang putok na iyon dahil Chocolate at Chips ang panaginip ko! Tsk! Bahala na nga lang!'

Sabi ni Rena sa isip at muling humiga.

7:00am

Isang malakas na sigawan ang narinig ng mga estudyante na nagpagising sa lahat,

Isa si Rena sa mga nagising sa malakas na sigawan na nagmu- mula sa labas.

"Aist! Ang ingay!" reklamo niya antok na antok pa siya dahil nahirapan siyang makatulog kaning ala una,

"Hindi!!!!!" nagulat siya ng mas lalong umingay sa labas, naintriga ang dalaga kaya bumangon siya sa pagkakahiga at agad na tumakbo palabas.

"Ang ingay niyo tsk aga aga." sabi nito, napansin niyang nagkakagulo ang lahat sa may plaza habang may itinuturo turo sa taas, mas lalobsiyang naintriga kaya nagmadali siyang tumakbo papunta roon.

Naabutan niyang nag-iiyakan ang iba niyang kaklase na nas bandang harapan, may police vehicle at ambulance din na nakapark.

Tinignan niya ang bagay na itinuturo nila ng kanyang ka school mate, at napasigaw siya kasabay ng iba.

"Ahhh!! Omgosh!!" tinakpan niya ang kanyang bibig, parang bumaliktad ang kanyang sikmura dahil sa nakitang katawan na nakasabit sa Flagpole.

Si Krisian kasi ang nakasabit dito,

Duguan,

Tirik ang mga mata,

Wala ang kalowang binti,

At higit pa doon

Wala na itong buhay.

Tottaly dead.

Bloody TreatTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon