5sos-2

1 0 0
                                        

"Let's get married today." I said to Elton nasa condo niya kami ngayon at nakaupo ako sa kama niya habang nagbibihis siya ng panjama.

"What's with the rush Cleo? Ganun kana ba talaga ka inlove sakin kaya nagmamadali ka?" Tatawa tawang sabi ni Elton. Binato ko siya ng unan at lalo pa itong tumawa.

"Sira! Yung kapatid mo kasi kinausap ako na itigil ang kasal nating dalawa." Ngumiti ito at naupo sa tabi ko. Naamoy ko ang napakabango niyang cologne. Tumingin ako sa mukha niya at pinagmasdan itong maigi. Ang tanga talaga ng best friend ko. Ano bang nakita niya kay Cam na wala kay Elton.

Eh ikaw anong nakita mo kay Cam at mahal na mahal mo siya!

Tse! Tumahimik ka ngang atribidang utak ka. Minsan nakakaasar din itong utak ko masyadong pakialamera eh. Teka mabalik tayo kay Elton. Gwapo siya, mabait, matalino, successful, gentleman almost perfect na nga ito eh. Unlike Cameron sobrang opposite ang characteristic niya kay Elton. Cam is rebel, happy go lucky, walang pakialam sa damdamin ng iba. Kita niyo naman yung pagtulak niya sakin diba? Ewan ko ba kung bakit nagustuhan ko siya.

"Hey are you okay?" Tanong ni Elton.

"Yeah I'm fine. Naisip ko lang yung gustong mangyari ng kumag mong kapatid."

"Don't worry ako ang bahala sa kanya. Iaadjust ko na lang ang date ng mas maaga. Just stay away from Cam. I'll talk to him tomorrow." Then he smiled. Ang ganda talaga ng ngipin nito.

"Okay so goodnight. Inaantok na din ako." Tumayo na ako sa pagkakaupo ko at lumakad na patungong pintuan.

"Goodnight." At lumabas na ko sa kwarto niya. Oo magkahiwalay kami ng kwarto, don't tell me guys na iniisip ninyong magkatabi kami matulog? Bakit kami ikakasal? Just like Cam said before this is only a revenge. Trip lang naming asarin yung mga taong nanakit samin. Yeah i love Elton, kasi we were best of friend. Siya ang nagpakilala sakin kay Cameron noon. Pumasok na ako sa kwarto ko at nahiga na sa kama ng biglang may kumatok. I know it's him kaya naman I said..

"Get in!" Bumangon ako sa pagkakahiga ko.

"May kailangan ka ba?" Tanong ko. Lumapit ito sa akin.

"No, may nakalimutan lang ako." Sabi niya na nakangiti.

"Ano yun?" Tanong ko. At ayun guys hinalikan niya ako sa lips. Hindi smack pero hindi din torrid. Basta madali lang ni hindi nga ako nakaresponse.

"Kailangan na nating ipractice ang ganito para mas kapani paniwala tayo." Napatango lang ako.

"Paano? Goodnight ulit. Sweetdreams." At lumabas na ito ng kwarto ko. Nahiga na ulit ako sa kama. Nakatulala lang ako sa kisame at napahawak sa mga labi ko.

"It's just a part of a plan Cleo." Then I close my eyes.

5 seconds of summerWhere stories live. Discover now