Elton's P.O.V.
Today is our wedding day. Cleo wants us to get married as soon as possible because of Cameron. Kaya eto napaaga ng two weeks sa pinili naming date. Simple lang yung wedding only family and good friends lang ang mga invited. We want this to be believable kaya naman pati mga magulang namin ay nandito din. I wear a black suit with matching black pants and shoes. Beach wedding ang ginawa namin at attorney ang magkakasal para maanulled namin ang kasal once na mag succeed na kami sa plano naming pasakitan ang dalawang traydor sa buhay namin. Si Cam at Jenny. Of all people kapatid ko pa ang naisipang ipalit sakin ni Jenny na bestfriend ng mapapangasawa kong si Cleo. Hindi ko akalain na ganung klaseng babae si Jenny. Napansin kong isa isang dumating ang mga bisita. Naupo sa una ang mag asawang Cam at Jenny. Masayang naglalambimgan ang mga ito.
"Sige lang magpakasaya kayo dahil malapit na naming pagbayarin ang mga ginawa ninyo sa amin ni Cleo." Sabi ko sa sarili ko. Nagsimula na ang tugtog at napadako ang tingin ko sa dulo ng red carpet. Nakita ko si Cleo na lumalakad ng dahan dahan. Nakaputing wedding gown ito at nakabelo. Hindi ko alam kung bakit bigla akong kinabahan. Para bang ninerbiyos na di ko maintindihan.
"Relax Elton, pretending lang ito, remember?" I told to myself and smiled. Cleo is beautiful inside and out. I know how much she love my brother. Nakita ko kung paano niya pinagtiyagaan ang lahat ng sakit na dinulot ni Cam sa kanya. Cleo deserves a guy who will love her more than everything. She's my bestfriend and I love her. Minsan sinisisi ko ang sarili ko dahil kung hindi ko siya ipinakilala sa kapatid ko, baka may nahanap siya mas okay kesa kay Cam. Eh di sana hindi siya nasaktan at wala sana siya dito ngayon.
"Mr. Elton Johnson, tinatanggap mo ba maging kabiyak si Cleo Rivera?" Tanong ng judge.
"I do." Sagot ko habang nakatitig sa magandang mukha ng kaibigan ko.
"Ms. Cleo Rivera, tinatanggap mo bang maging kabiyak si Elton Johnson?" Tanong nito kay Cleo.
"I do" nakangiting sagot nito.
"I now pronounce you husband and wife. You may now kiss the bride."
I kissed her. Gaya lang ng dati kong ginagawa. Madali lang. Ayoko naman kasi na isipin niyang sinasamantala ko ang pagkakataon. May respeto ako sa mga babae.
"One more!" Hiyaw ng kaibigan kong si Jared. Tumingin ako kay Cleo at ngumiti lang ito. Kaya hinalikan ko ulit siya. Sa paghalik kong yun I saw Cameron stand up and walked away. I smiled. One point little brother.
![](https://img.wattpad.com/cover/98970056-288-k473835.jpg)