Chapter 3: StrangeXyrine's Point of View
M.
Sino ka? Anong gusto mo sa akin at binabagabag mo ako?
Hanggang ngayon ay gulat pa rin ako dahil sa nangyare kay Thea. Ang saya-saya niya pa kanina. I don't believe that it was a suicide. Hindi basta-basta magpapakamatay ang isang taong masaya. And her death...
It was a strange death.
"Are you okay?" Natauhan ako nang magsalita si Wave na kasalukuyan na nagmamaneho patungo sa bahay.
"Please. Xyrine, I'm so worried. Sorry kung nasigawan kita kanina. I was just shocked." He said.
Parehas lang naman kaming gulat sa insidente. That's an unexpected scene.
"It's okay," sagot ko.
"Classmate mo siya diba? What just happen is so strange." Saad nito.
"Really strange. Masaya lang siya kanina. Sobrang saya and then, s-she d-died." I said, holding back my tears. Hindi niya deserve mamatay. Life was so precious and happy.
"Hey, Xy. I want to ask something." Sabi nito nang huminto ito dahil sa traffic.
"Ano?"
"I... Uhmm. Kagabi, when you went outside, pumunta ako sa kwarto mo to get some blankets kasi nasa laundry pa 'yong kumot ni kuya mo. Then, I saw a note in your desk." Note? Sh*t!
"I remembered, may nakasulat na 'blood is everywhere' sa note. Who's M? Is that a prank?" Sabi ni Wave. Sh*t! Nakalimutan kong itapon 'yon.
"Aahh ehh... kasi..." Paano ko ba 'to sasabihin?
"What?"
"W-wala 'yon!" I denied.
"C'mon, Xy. Tell me," sabi niya in a kind tone.
"I don't know either. N-Nakita ko lang 'yon sa locker ko k-kahapon." I said looking down.
"Xyrine." Seryoso si Wave nang sabihin niya 'yon.
"If anything goes wrong," ramdam kong kinuha niya ang kamay ko. "Just tell me, okay? I'm here for you no matter what happens."
Dahan-dahan niyang binitawan ang kamay ko nang umusad na kami. Tahimik lang kami habang bumabiyahe. Masyado na rin kasi akong maraming iniisip kaya tumahimik na lang ako. I need to rest, somehow.
************
"Class dismissed." Agad-agad napatayo ang ilang mga kaklase ko. Atat talaga silang umalis ng classroom. Hindi na hinarap mag-ayos ng bag. Tss.
Inayos ko muna ang bag ko bago pumunta sa cafeteria. Nakatanggap ako ng text kay Wave na hindi daw niya ako makakasabay sa lunch. May meeting daw kasi sila sa club nila kaya mala-late daw siyang kumain ng tanghalian.
Uminom muna ako ng Blocine bago lumabas ng classroom. Ayoko nang maulit 'yong nangyari kahapon. Loosing my self control is dangerous. Baka malaman nila ang tunay kong pagkatao.
Ako na lang ang naiwan sa classroom. Siyempre lahat naman ng kaklase ko gusto na talagang kumain. Ayoko sanang kumain ulit kasi ayaw ko lang talaga. Pero magagalit kasi si Kuya kapag nalaman niyang hindi ako ulit kumain kagaya kahapon. Nagsusumbong pala 'yong Wave na 'yon ah. Pero kahit wala si wave na kasama ko, malalaman at malalaman niya pa rin. Hindi ko nga alam kung paano niya nalalaman. Nakakabwiset talaga minsan yung lalaking yun. Kahapon, ang bait-bait niya pa. Tapos pagdating bahay, nagsumbong agad kay Kuya. Aish!

BINABASA MO ANG
She's A Vampire
VampireXyrine is her name. Better not to be involve in her life, or you will die. If you look at her, she's just an ordinary person. But, she's a dangerous woman. She's a Vampire. © 2017 ALL RIGHTS RESERVED