Chapter 2

26 3 0
                                        


Chapter 2: Trouble

Xyrine's Point of View

Hindi ko sinabi kila Kuya Claine at Wave ang nakita ko sa locker ko kahapon. Ayaw ko kasi silang mag-alala. Saka, baka gawa-gawa lang 'yon. Imposible naman na may nakakaalam sa katauhan ko bilang bampira. At isa pa, bago pa lang ako sa school na 'yon. O baka naman, mali lang sila ng pinaglagyan. Ay hindi, may pangalan ako do'n eh! Bwiset! Sino ba kasi ang naglagay no'n sa locker ko? Pinapasakit niya ulo ko kakaisip!

Gabi na, pero hindi pa rin ako makatulog. Kinuha ko yung black jacket ko at lumabas ako ng kwarto ko. Nasa sala pa rin si Kuya at Wave, nanonood sila. Bromance amp.

"Oh, Xy. Gising ka pa." Sabi ni Kuya.

"Ay hindi, nakatulog. Naglalakad na natutulog, ganun!" Sarkastiko kong sagot.

"Pilosopo. Matulog ka na nga." Utos ni Kuya.

"Hindi ako makatulog. Labas muna ako." Sabi ko at tuluyan ng bumaba.

"Gabi na, 'di ka na pwedeng lumabas." Sabi ni Wave.

"Bakit hindi pwede?" Tanong ko.

"Baka kasi mamaya, mapahamak ka pa." Nag-aalalang sabi ni Wave. "Oo nga, Xy." Sang-ayon naman ni Kuya.

"Tsk! Maproprotektahan ko ang sarili ko. Bahala na nga kayo dyan." Sabi ko at dumiretso na sa pintuan.

"Xy! Bumalik ka dito." Tawag pa sa akin ni Kuya.

"Kuya..."

"Bakit?"

"Bagay kayo ni Wave. Bye." Tumatawa pa akong lumabas ng bahay. 'Yong mukha kasi ni Kuya no'ng sinabi ko 'yon, hindi maipaliwanag. Sabog eh!

Tuluyan na nga akong lumabas ng bahay. Sinuot ko na ang jacket ko at nilagay ang hood nito sa ulo ko.

Naglakad-lakad lang ako.

Tahimik na dito sa lugar namin at tanging nga street lights at ang buwan na lang ang nagsisilbing ilaw dito sa amin.

"Ano ba?!" Rinig ko sa malayo.

"Bitawan niyo nga ako!"

"Aaahh! Tulong!" Ewan ko pero no'ng may narinig na akong tulong, tumakbo na ako kung saan man naroroon 'yong taong humihingi ng tulong.

"Sh*t! Pakawalan niyo na ako!" Mas lumakas ang boses no'ng sumisigaw kaya alam ko na tama ang direksyon ko. "Ano bang kailangan niyo sa akin! Back off! Aahhh!"

Wala pang isang minuto, nakita ko na ang lalakeng humihingi ng tulong. Kino-corner at sinapak pa lang siya ng mga taong bubugbog sa kanya. Ang bagal naman ng mga nito.

"Hoy!" Sigaw ko at napatingin silang lahat sa akin.

"M-miss. Umalis ka na lang. Mapapahamak ka lang." Sabi no'ng lalake sa akin.

I smirked. Ako? Mapapahamak? Eh mas malakas pa ata ako sa lalakeng 'to eh!

"Layuan niyo siya. Baka mamaya mapatay ko pa kayo." Banta ko. I'm not joking around, y'know.

She's A Vampire Tahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon