Prologue: The Painful PastNakahiga lang ako sa kama at nakatingin sa kawalan, nang makarinig ako ng pagkabasag ng isang bagay sa bahay. Napatayo ako kaagad at dali-daling lumabas ng kwarto.
Nakakita ako ng dalawang lalake. Nakasuot sila ng itim at natatakpan ang kalahati ng kanilang mukha. Sh*t! Sino sila?!
"HOY!" Sigaw ko sa dalawang lalake.
Agad silang napatingin sa akin. Napatitig sila sa akin at kitang-kita ko ang inis at hindi maipaliwanag na tingin nila sa akin. Nakita kong may naganap na pagbabago sa katawan nila. Sh*t! Bampira rin sila!
Mabilis silang tumakbo papunta sa akin. Pero hindi pa man sila nakakalapit sa akin, nakita ko si Mama na sinugod sila na may hawak na isang bagay. Injection? Anong klaseng injection yun? Bakit kakaiba ang kulay?
Nag-iba ang direksiyon nila. Imbes na sa akin, ay kay mama sila pumunta. Napansin din siguro nila ang hawak ni Mama dahil napatingin silang dalawa doon. Sino ba talaga 'tong mga 'to? Anong pakay nila sa amin?
Mukhang sasaktan nila si Mama kaya sumugod ako sa kanila. Pero nakakailang hakbang pa lang ako, biglang nagsalita si Mama, "WAG, ANAK!"
Hindi ako nakinig kay Mama. Pinagpatuloy ko ang pagsugod ko sa isang lalaki. Akmang susuntukin ko na sana siya ng malakas sa mukha pero mas mabilis siya sa akin kaya ako ang napuruhan. Mula sa hagdanan, napunta ako sa palabas na pintuan! "Sh*t!" Napamura na lang ako dahil sa sakit na naramdaman ko sa aking likuran.
Tatayo na sana ako pero wala pang tatlong segundo, lumapit na naman yung naghagis sa akin. Kinwelyuhan niya ako at malakas na binalibag sa pintuan. Napasigaw ako sa sakit. Nakatingin siya ng masama sa akin. SINO BA SIYA?!
Nanlikisik pa rin ang mga mata niya sa akin at sinuntok ako malapit sa bibig ng dalawang beses. "Masyado kang sagabal, Xyrine. Tumahimik ka na lang kung ayaw mong mamatay," malumanay pero may halong pagbabanta at inis sa sinabi niyang iyon. Anong ibig niyang sabihin na huwag akong maging sagabal? Saka, bakit niya ako kilala?!
Binitiwan na niya ang pagkakahawak niya sa kwelyo ko at bumalik sa kasama niya. Ramdam ko ang dugo sa labi ko at agad namang nagsara ang sugat nito.
Dahil matigas talaga ang ulo, wala akong pakialam kung saktan pa nila ako ng paulit-ulit. Tanga ba sila? Immortal ako. Hindi nila ako mapapatay. Mga shungang bampira. Takte!
Pero iyon na lamang ang akala ko. Nakita ko na may itinutok yung isa pang lalake sa leeg ng Mama ko. Katulad yun ng injection na hawak kanina ni Mama. Tumingin muna sa akin ito at behind that mask, I know he's smirking. "HUWAG!" Pagpigil ko sa gagawin nila.
Tumakbo ako papunta sa kinaroroonan ni Mama. Pero kahit mabilis ako, mas mabilis sila sa akin. Hindi pa man ako nakakalapit kay Mama ay agad ng itinurok sa leeg niya ang injection na kulay dilaw. "Sa wakas, magsasama na rin kayo ng asawa mong taksil," sabi nung isang lalake na binalaan ako kanina. Nakita kong nagbago ang anyo ni Mama. Naging kulay abo ang balat niya. Yung kaunting ugat sa mukha niya biglang dumami. Nakita ko rin sa kanyang mukha ang sakit. Sh*t! Anong klaseng injection yun?!
"Mama!" Sigaw ko.
Napatingin yung dalawang lalake sa akin. Hindi ko pa rin makita ang mukha nilang dalawa.

BINABASA MO ANG
She's A Vampire
VampirXyrine is her name. Better not to be involve in her life, or you will die. If you look at her, she's just an ordinary person. But, she's a dangerous woman. She's a Vampire. © 2017 ALL RIGHTS RESERVED