OH.MY.GHAD.
"Kuya, sorry po... sorry po talaga!" napairap nalang ako sa kawalan.
like duuh!! Kuya? Babae ako!
"You'll pay for this." sabi ko at umalis.
Pero bago pa ako makalayo, narinig ko nalang siyang umiyak. "Whatever."
"k-kuya... sorry.... s-sorry po talaga...h-hindi ko naman po sinasadya..."
O-oo n-naman, h-hindi n-naman k-kasi t-talaga... =__=
Pautal utal naman tong batang to! Nakaka- stress.
Lumapit ako sakaniya, hinawakan ang balikat at sinabing... "Listen, hindi ako kuya. You can call me ate Laicoi. At oo, pinapatawad na kita pero sana naman, wag kang umiyak. Nakakairita. Atska ano bang ginagawa mo dito, san ka nakakuha ng chocolate drink? Siguro dinekwat mo yan no?"
"HUWAAAAAH!!''
"H-hala...." nataranta na ako dahil lahat ng tao nakatingin na saakin.
"Tignan mo yung lalake oh. Mukhang tinakot yung bata. Tara! tawag tayo ng pulis." narinig ko naman yung malantod na babae na balak tumawag ng pulis. "Don't."
Napatingin naman ako dun sa nagsalita sa likod ko.
OH.MY.LAICOI. shet. Future asawa ko to. WAHAHAHA!! Charot!
"Yuan? Come to kuya." sabi nung gwapong lalake.
"WAAAH! Kuya!!! Nabangga ko si Ate Laicoi! Kasalanan ko yun. Dahil hindi ako tumitingin sa dinadaanan ko. Tulungan natin siya kuya Lorenzo... kawawa naman siya, puti pa naman yung suot niya." tama, bata! Sige lang! nang matagal ko pang makasama yung kuya mo.
"No, I can't. May date pa kami ni Aliyana." hahatakin pa sana ni Lorenzo si Yuan pero pumalag ito at nag puppy-eyes
"Stop. Yuan. Alam mo kung pano ako magalit hindi ba?"
"Pero kuya.... Sige!! Isusumbong kita kay Ate Aliyana,"
Napabitaw naman si Yuan sa kuya niya at kumapit saakin. "You are smoking, right? You know how ate Aliyana hates people who smokes,"
"Psh. Fine. You, Come with us." sabi ni Lorenzo at tumalikod na.
"Thank you Yuan ah, mukhang mahahanap ko na ang forever ko. Hihi." sabi ko at hinawakan ang kaniyang kamay at sinundan na si Lorenzo.
"Ang swerte naman ni bakla.."
Mainggit kayo!! Isasama ako ni Gwapo Lorenzo!!
BINABASA MO ANG
Adventures of Laicoi
AventuraLaicoi Nichiko Koi-Koi Hindi ako bakla, hindi rin ako shokla. Babae ako!! At yun ang totoo. Hindi ako gwapo, sadyang maganda lang ako.