Kabaklaan 6

23 3 2
                                    


Kabaklaan 6


Nagulat nalang ako ng biglang humiga si Aliyana sa sahig.  Ay hindi pala.  Natumba si babaita!

Kaya hindi na ako nag-alangan na puntahan siya. "Aliyana! Huy! Wag ka dito matulog!"

Umupo ako sa sahig at binuhat yung kalahati ng katawan niya. Kinapa ko yung leeg niya, ang init! Muntikan na akong mapaso. Nagulantang ako ng biglang may tumunog na napakalakas, nag echo kasi sa buong floor ng pinagta-trabahuhan ko yung ringtone niya.

Agad-agad kong kinuha yung cellphone niya sa kamay niya, Lorenzo...Sinagot ko ito at itinapat agad sa tenga ko. "Hello?" Hindi sumagot yung nasa kabilang linya. Napatingin naman ako kay Aliyana.

She's still the girl who will give you her world. She's not worth it for me. She's only for those real man who can provide the love I can't give to her.

"Oy! Bakit nasayo yung cellphone ni Baby Aliyana namin?--Aray! Ano ba?!" Mukhang ibinigay ni Lorenzo kay Twelve yung telepono.

"Nandito siya sa *somewhere over there*. Nilalagnat siya, please...sunduin niyo na 'tong babaeng to," I stated. 

"Ok...ok byebye!" Ibinaba na ni Twelve yung telepono. 

"Lai...punta tayo bar. Like we used to do..." 

"Aliyana, tignan mo nilalagnat ka na, hindi mo na nga makayanang itayo sarili mo e. You know what, just shut up." She just chuckled at my reply. 

"Bakit ka nga pala nakipag-break sakin Lai?" Nagulat naman ako dun sa tanong niya. 

Mga ilang minuto na ang nakalipas, dumating na sina Lorenzo.

"Yana, what happened? Ok ka lang? Shit! Nilalagnat ka na!" Kinapa kapa niya muna si Aliyana na nasa lap ko bago buhatin. 

"Obvious ba? Bilis! At ihatid niyo na siya sa hospital. Letche." Nakakainis kasi, magtatanong pa sila kung ok si Aliyana, OBVIOUS BA? HINDI DIBA? HINDI SIYA OKAY! NILALAGNAT NGA! Kalerkey!

Naglakad na ako palayo at kinuha na yung gamit ko. Nagulat ako....


YUNG VIRGIN LIPS KO!!


SYYEEETTT!! KUNG SI RENZ HUMALIK SAKIN AYOS PA E! PERO ITO?! PUNYETA!


Tinulak ko agad si Aliyana. Halikan ba naman ako?! Siya lang yung nag iisang tao na humalik saakin. Hindi ba siya nandidiri sa ginawa niya? 

"Eww, Aliyana! Hindi tayo talo!" Sigaw ko.

Kadiri! Pwe! Shit!! WAAAAHHHHH 

Napaupo naman si Aliyana dahil sa pagtulak ko. "Ahh.."

Nag-panic na ako, nasobrahan ata pagtulak ko. Nasobrahan powers ko sakanya! Nakalimutan kong babae nga pala siya.

"Shit! Ate Aly!! Are you okay? Hoy! Anong ginawa mo sakanya?" React ni Twelve nung nilapitan nilang apat si Aliyana. Masyado kasi nilang bini-baby si Aliyana.

Kaya ayan. Tss. Wala na ako dyan, siya din naman kasi ang may kasalanan. Kung hindi niya ako... *ehem* hinalikan edi sana hindi ganire ang happenings.


-Aliyana Sadoma's Point of View


Pagmulat ko ng mata ko, may apat na lalake agad na tumambad saakin. Yung mga mukha nilang nag-aalala. 

 "Wah! Ate Alyyyyy! Gising ka na!" Masiglang bati saakin ni Twelve. I just smiled atsaka umupo. Pagkaupo na pagkaupo ko, bigla nalang sumakit yung ulo ko. Napahawak naman ako sa ulo ko na sobrang sakit. Ano bang nangyari?

Hindi pa ako nagsasalita pero ang dami na nilang sinabi. Na nagaalala daw sila, na wag ko na daw uulitin yun, pero sino ba ako para mapigilang magkasakit? Ang tanging naaalala ko lang ay may mataas akong langnat. Yun lang, pagkatapos nun wala na.

I hate it. Naiinis ako tuwing tinatrato nila ako bilang prinsesa. Para akong kayamanan sakanila. Kahit na puro sakit lang ng ulo yung ibinibigay ko sakanila. Hindi ako worth it para sa apat na ito. Nasasaktan ako tuwing may inaaway sila, binubugbog, at ginagawang miserable ang buhay dahil saakin. Sabihin na nating hyper si Twelve, pero kahit ganun nagawa parin niya akong ipagtanggol dun sa mga babaeng nang-away saakin nung nakaraan lang. Si Raven naman, kahit na medyo perv siya keylanman hidni niya ako binastos gaya ng mga babae sa school. Si Kaiden, kahit napaka-sungit na hindi mo man lang makakausap, pero pag nandyan na ako dun siya nagsasalita. Si Renz? Pagsamahin mo sina Twelve, Raven at Kaiden.

I don't know how to end this rubbish. Masyado na silang oa. Kahit ako hindi na rin natutuwang laging may nakasunod saaking mga lalake na hindi naman dapat. I hate it.  

Naabot mo na ang dulo ng mga na-publish na parte.

⏰ Huling update: May 11, 2017 ⏰

Idagdag ang kuwentong ito sa iyong Library para ma-notify tungkol sa mga bagong parte!

Adventures of LaicoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon