Kabaklaan 5

27 5 2
                                    

Gumising ako ng dyosa parin. Hehe. Sino pa ba ang dyosa ng mga dyosa? Laicoi lang naman. 

Pagpasok na pagpasok ko sa office. Tambak nanaman ang gawain! Pero syempre....dahil ako ang dyosa ng mga dyosa, keri bells ko na 'to.

Kahit na...ang sakit sakit parin sa puso nung mga sinabi ng Baby Renz ko .

Aliyana Sadoma's Point of View 

Tawagan ko ba si Lai? O wag na? 

Nakakahiya naman kasi talaga yung ginawa nina Twelve! Hindi pa sila nag-sorry kay Lai. How cruel they are!

As I check my phone, tumambad agad sa akin yung mga missed calls at napakadaming text messages ni Lorenzo.

Hindi ko naman talaga siya mahal. Rebound ko lang naman siya. Pero anong magagawa ko? Si Lai parin yung hinahanap-hanap ko. Totoo niyan, sinadya ko talagang pumasok dun sa coffee shop kung saan ko dinala si Lai. Iniisip ko na, baka mag sorry man lang sina Renz sakaniya. Pero hindi e.

Ewan ko at bigla akong dinala ng paa ko sa pinagta-trabahuhan ni Lai na may dala dalang Yema Cake. Peace offering? Perhaps?

Pinagtitinginan ako ng mga taong nakakasalubong ko. Kita ko sa mga mata na na nagtataka sila kung bakit ako nandito. Nilapitan ko ang isa sa mga staff. "Uhm...Miss, 'san po ba nakapuwesto yung table ni Laicoi?" Tanong ko sa babaeng hanggang ngayo'y nakatitig parin saakin. 

Nung bumalik na ito sa ulirat, doon lang niya sinabi saakin kung saan nakapuwesto yung table ni Lai.

Pinagmasdan ko siya mula sa malayo, at mukhang ayos naman siya. Naka move in na. Ako? Eto. Iniwan niya sa ere. Pero! Past is past! Forgive forget! Hindi nga ba?

I bitterly smiled as I walk towards his table. "Lai..." Halatang nagulat pa siya nung tinawag ko siya. Pero kalaunan ay bumalik na ang itsura nito sa dati at umirap.

Hay... Lai will be always Lai. No wonder why I still love this guy

Laicoi Nichico Koi Koi's Point of View 

Sakit sa brain cells 'tong si Aliyana! Hindi pa rin ba siya nakakamove on sa beauty ko? 

Balak ko sanang mag bar pagkatapos ng trabaho at maghanap ng fafable doon pero mukhang hindi muna ngayon. 

Simula ata nung ibinigay saakin ni Aliyana yung Yema Cake (na gustong-gustong-gusto ko nang kainin) hindi na siya umalis at hanggang ngayun hinihintay niya pa rin ako.

"Tracy! Nandyan parin?" Tanong ko sa team mate ko. "Oo e. Mukhang walang balak umalis. Desidido yatang kausapin ka." Napairap nalang ako.

Ako? Kakausapin niya ako? Bakit naman? Masyado na ba akong maganda at sexy para kausapin niya ako? tska hindi pa ba sapat na nasa kaniya si Fafa Renz? Kung ako sakanya, ibigay nalang niya sa akin si Fafa Renz! Tutal, sinabi na rin niya dati sa akin nung kami pa na "Sharing is loving" daw. Pero kung ako siya, kung ako lang naman. Libre namang mangarap diba? 

SA WAKAS! Nakatapos nanaman kaming team ng isang portfolio para sa up-coming event ng kompanya.

Lahat sila lumabas na, ako nalang ang naiwan. Sana naman may kung sino ang matira dito, kahit janitress man lang. Ay! Hindi! Janitor nalang! Janitor na napaka gwapo! Para kung sakaling may multo kuno, kunwari'y natakot ako at yayakap sakaniya ng mahigpit. Hanggang sa magkatinginan kami...at hinawakan niya yung napakakinis kong mukha...at unti unting lumalapit ang kanyang mukha sa akin...hanggang sa maglapat ang aming mga l-- 

 "Lai?"

 ASDFGHJKL!! Nandun na e! Climax na! Bwisit!

"Anong ginagawa mo dito?" Inis na tanong ko sa babaitang to. Na namumutla?!!

Para na tuloy siyang nagmukhang multo! Nasan na ba yung janitor ko? Ha?

Hay, life, parang buhay. 




A/N: Hi guysss! Finally nakapag-update na rin kami ng AOL sorry kung natagalan hehe. Alam naman namin na namiss niyo yung pinakadyosa sa balat ng lupa haha! kaya sana nagustuhan niyo itong maikli naming update. Keep supporting AOL guys and gays! 

Adventures of LaicoiTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon