"Waaaaaaaaaaaaaaaah!!!!!" , Salomeh's voice echoed on their condo. Napatakbo silang lahat sa CR kung saan nagsho-shower ang kanilang kaibigan. It's Sunday , and Sunday means Hacienderas' walwal day.
"Ok ka lang ba?!"
"Salomeh! Sumagot ka!"
"Kung naririnig mo kami , kumatok ka ng tatlong beses"
"Benod naman eh!"
"Bakit?"
Dahan dahang bumukas ang pinto.
"Ano? May nakita ka bang multo?!"
"OMG!Haunted tong nabili nating condo"
"Hindi. Ok lang ako. Walang multo. Higit pa doon"
"Ano?"
"Bakit may brief sa loob ng banyo natin?! Umamin kayo , sino ang nagpapanggap na babae
sa atin?""Ako, sure akong babae ako."
"Ako din , kahit maliit dede ko. Babae ako."
Justine bit her lower lip the moment she realize that it was Bernard's. Naiwan niya malamang nung naligo siya.
"Justine , may naghahanap sa'yo"
"Huh?Sino?"
"Bernard daw" , she ran towards the door. She run as fast as she can para matakasan ang nagtatanong na tingin ng kanyang kaibigan. Siguradong mahabang paliwanagan to.
"Thanks , Em"
"Sige , maiwan ko muna kayo"
"Hi"
"Hey, ahm .. Anong ginagawa mo dito?
"May dinaanan kasi akong meeting malapit dito. I remember you told me na andito kayo ng mga kaibigan mo every Sunday , so dumaan na din ako dito to invite you sana"
"Invite? Saan?
"Dinner date? Tomorrow night?"
"Ahhh.."
"Kung ok lang sayo?"
Magpapabebe ka ba momshie? Go na!
"Yeah. Sure"
"Sige , ahm. Alis na ko? Mukhang nakaabala pa ako sa inyong magkakaibigan"
"Ahy hindi , ok lang. Pasok ka" , sabay silang napalingon sa nagsalita.
"Sol? Kanina ka pa nakikinig sa usapan namin?"
"Oy! Hindi ah!"
"Oo nga , pasok ka."
"Raine?"
"Bakit? Pakilala mo naman kami sa manliligaw mo"
"Hindi ko siya manliligaw ok?"
"Talaga ba?"
Wala ng nagawa si Justine , kundi sundan na lang ng tingin ang mga kaibigan niya habang walang tigil sa pagtanong ng kung anu-ano ky Bernard. Bakit kasi naisipan niyang doon sila magbihis , dapat kasi pumayag na lang siya na sa hotel na lang sila magbihis.
"So , anong trabaho mo?"
"Ahm. Ang trabaho ko ay—"
"Kaya mo na bang buhayin si Justine at ang mga bulate niya sa tiyan?"
"Miiiiich!!" , Justine protested.
"Sandali! Pagsalitain muna natin yung tao"
"I am the CEO of my parents' company , and last time I checked mukhang kaya ko namang buhayin si Justine .. at pati na rin ang mga bulate niya sa tiyan"
BINABASA MO ANG
@Maichardology
FanficJustine a well-known and respected teacher slash businesswoman slash "money is all that matter" person , is a crazy , childish , hopeless romantic girl inside. Wala siyang balak ilantad ang parteng yun ng pagkatao niya hanggang sa mapanood niya ang...