-1-

79 4 8
                                    

Hindi ko maisip na tuluyan ka na ngang nawala sa akin.
Puso ko'y nahihirapan
Paano ko sisimulan ang mga araw na hindi ka kasama?
Mga pangako mong hindi kita iiwan. Tuluyan na bang nawala?
Mga pangako mong ikaw lang walang iba.
Tuluyan na bang nawala?
Mga pangako na ikaw lamang ang sumira.
Tiwala na iyong sinayang.
Pagkakataon na maging masaya iyong sinayang.
Mga alaalang masasaya kinalimutan mo na lang.
Ngunit kahit na anong gawin. Kahit anong kasalanan.
Masasabi ko paring...
MAHAL NA MAHAL KITA AT MULING PAPATAWARIN,PANGAKO.
Mga kasalan mo'y aking kakalimutan.

Muling aasa na ika'y babalik sa akin ng walang alinlangan.
Ako' mag hihintay.
Ako'y mag hihintay na muling lumitaw ang iyong pangalan sa aking telepono at may mababasa akong mga matatamis na mensahe.
Kung sakaling ikaw ay babalik,ika'y tatanggapin muli at ipagpapatuloy ang natigil na pagmamahalan.
Ngunit pag-iisipan kung bibigyan ka pa ba ng buong tiwala.
Isip ko'y lito. Kung ikaw ba ay tatanggapin agad.
Isip ko'y lito. Kung muling isusuko ang aking puso na lagi mo na lang sinasaktan.
Isip ko'y lito. Kung kakalimutan ko na lang ba ang lahat-lahat.
Ngunit ako'y may pangako. Tatanggapin ka nang buo.
Handa akong may mukhang tanga para sayo. DAHIL MAHAL NA MAHAL KITA.

Masaya ako ma bumalik ka na saakin,pero konting takot sa akong damdamin na bigla mo na lang akong iwan at lokohin ulit.
Nais ko pa tayo'y mag sama ng matagal,ngunit ang pangangamba ang tangi kong kalaban,
Tama ba na bigyan ka ulit ng pagkakataon para maging masaya o para lokohin ulit.
Sa tuwing hindi nag paparamdam mga tanong gumugulo sa aking isipan. Mga tanong na hindi manlang o hindi mo manlang masagot-sagot,at muling maaalala ang kahapon.
Kahapon na ika'y nagsinungaling.
Kahapon na ako'y umaasa na ika'y mag paparamdam.
Kahapon na umaasa na saiyong mga bibig lumabas ang salitang MAHAL KITA.
Ngunit..
Ngunit..
Imbes na "mahal kita" ang aking narinig. Mga salitang dapat sa aki'y iparinig at ipinadama.

Mulin ang mga tanong.
Bakit? Ako ba ay may pagkukulang?
Bakit? Hindi pa ba sapat ang lahat ng aking ginawa?
Bakit? Bakit sa sarili ko pang kaibigan?
Alam kong simula pa lang ng ating kwento ng pagmamahal ako'y may pagkukulang na;
Pero sayong bibig na nanggaling na kahit milya-milya ang layo natin sa isa't-isa hindi ito magiging hadlang para sa ating pagmamahalan,pero bakit mo ito ginawa?
Pinatawad ka.
Minahal ka ulit.
Naging masaya tayo muli.
Isang araw ako'y nabigla sa iyong sinabi.
"Nasasaktan ka pa pala?"
Parang lalong sumakit ang aking puso. Oo.
Pinatawad kita ngunit hindi mawawala ang sakit na iyong pinadama sa aking puso.
Nakabaon na yata ito.

Sana sa huling pagkakataon na ito mga pangako mo'y tutuparin.
Umaasa parin akong ika'y babalik sa dati.
Yung dating kilala ko.
Yung dating ayaw akong saktan at mawala.
Yung dating ipinadadama palagi sa akon na mahal na mahal ako.
Yung dating itinuturing akong prinsesa.
At ako'y maghihintay.
Maghihintay sa iyong pagbabalik.
At pag nangyari ang aking hinihiling,sinisigurado kong mamahalin kita nang walang halong takot at kaba.
Mag titiwala sayo ng buong-buo.
Mag hihintay ako. bestie.

--------
Hope you like it. Lablab 💕

Spokening Poetry Where stories live. Discover now