-6-

14 3 3
                                    

ALAALA.
Mga magagandang alaala na tayong dalawa ang gumawa.
Mga masasamang alaala na tayong dalawa ang gumawa.
Mga bagay na gusto nating mangyari.
Mga bagay na ating pinag planuhan.
Mga pangyayari sa buhay na ating pinag-usapan.
Mga dapat na mangyari.
Ikaw,ako,tayo.
Tayong dalawa ang magpapatupad ng mga pangarap na iyon.
Pangarap nating dalawa.
Hanggang alaala na lang ba?

Magagandang alaala.
Sa tuwing magkasama tayo ay para bang walang problema ang nararamdaman ng isa't-isa.
Sa tuwing magkasama tayo tila bang ayaw ko nang malayo sayo.
Sa tuwing magkasama tayo parang tayong dalawa lang ang nasa mundong ibabaw.
Walang ibang tao.
Ikaw at Ako lang.
Ikaw at Ako na masaya.
Ikaw at Ako na nag-mamahalan.
Ikaw at Ako hanggang huli.
Hanggang alaala na lang ba ito?

Masamang alaala.
Sa pagkakataong ito,hindi pala puro saya ang nararamdaman natin.
Sa pagkakataong ito nag mistulang aso't pusa tayo.
Sa pagkakataong ito may lungkot akong nadama.
Sa pagkakataong ito may takot akong nadama.
Takot na ayaw kong mangyari.
Ngunit ito'y ginawa mo.
Lumisan ka nang hindi lumalaban.
Lumisan ka na hindi ko manlang matanggap ang dahilan non.
Lumisan ka nang hindi manlang inisip ang masasayang alaala natin.
Alaala na lang sana ito.

Lumipas ang mga araw.
Gusto kitang yakapin.
Gusto kitang kausapin.
Gusto kong marinig ang boses mo na  nagsisilbing musika sa aking tenga.
Gusto kong marinig muli sa iyong mga bibig na ako'y mahal mo.
Gusto kong marinig muli sa iyong mga bibig na babalikan mo ako.
Gusto kong marinig sa iyong mga bibig yung sapat na dahilan para gawin mo iyon.
Ngunit nagising ako sa katotohanang hindi ka na pala sa akin.
Hindi na pala kita pagmamay-ari.
Iniwan mo na nga talaga ako.

Mga magandang alaala ay sana iyong unang inisip.
Mga magandang alaala ay sana saiyo ay pumigil.
Mga magandang alaala na ating ginawa.
Sa iyong paglisan.
Ikaw sana ay maging masaya.
Ikaw ay naging malaya na.
Kung sakaling ikaw babalik at ika'y tuluyan ko nang nakalimutan.
Patawarin mo ako mahal dahil hindi na kita muling tatanggapin sa pagkakataong iyon.
Patawarin mo ako mahal,ayoko nang magpakatanga.
Hanggang alaala na lang iyon MAHAL.

---------------------
Hello! I'm baaaack. Sana magustuhan niyo. Lablab. 💕

Spokening Poetry Where stories live. Discover now