-9-

20 2 5
                                    

Nasaan na?
Nasaan na iyong taong napakamasiyahan?
Nasaan na iyong taong napakadaldal?
Nasaan na iyong taong kaya akong pasiyahin?
Nasaan na iyong taong hadang gawin ang lahat?
Nasaan na yung taong ipinaparamdam sa akin na ako'y isang prinsesa?
Nasaan na yung taong hindi ako magawang saktan?
Nasaan na yung taong handang makinig sa lahat ng kadramahan ko?
Nasaan na yung taong handang makinig sa mga biro ko na hindi nakakatawa?
Nasaan na ang mahal ko?

Ikaw ay aking nakausap tungkol sa aking problema.
Habang sinasalaysay ko ito,ikaw ay tawang-tawa sa akin.
Ika'y natatawa dahil ako ay napakaiyakin.
Ika'y natatawa dahil sa paraan ng pag-singhot ko sa sipon ko.
Ngunit ikaw ay nagalit sa akin.
Nagalit dahil ako ay mabilis sumuko.
Nagalit dahil gumawa ako ng isang desisyon na hindi manlang humihingi sa iyo nang opinyon.
Ngunit hindi mo ako binigo.
At ako'y iyong muling napatawa at sinabing "hindi ka nag-iisa. Nandito ako para samahan ka sa lahat ng bagay."
Nasaan na yung taong kilala kong ganito?

Nasaan ka na ba?
Alam mo bang konti na lang susuko nanaman ako ulit!
Alam mo bang hinahanap ka na ng mga tawa ko!
Alam mo bang hinahanap ko na ang mga biro mong minsan ay nakakatawa pero madalas ay hindi!
Alam mo bang hinahanap ko na ang mga matatamis mong salita!
Alam mo bang hinahanap ko na ang ngiti mo!
Alam mo bang hinahanap ka na ng puso ko!
Alam mo bang hindi ko kaya nang mag-isa!
Alam mo bang miss na miss na kita at konti na lang susuntukin na kita!

-----------------
Sorry kung walang kwenta! Nanamawagan lang ako eh. Huhuhu. 💔😭 bigay kayo ng topic guyse. Love you all.
#WerNaU?
#HereNaMe!

You've reached the end of published parts.

⏰ Last updated: Jun 02, 2017 ⏰

Add this story to your Library to get notified about new parts!

Spokening Poetry Where stories live. Discover now