-8-

13 3 10
                                    

Pagbabago.
Lahat ng tao gusto nang pagbabago.
Pagbabago sa mundong ginagalawan.
Pagbabago sa mga taong gumagawa ng mali.
Pagbabago na lahat ng tao ay nais makamit.
Ang pagbabago para gumawa ng kabutihan.
Ang pagbabago na magpapasaya sa lahat.
Pagbabago na hindi lang para sa ating sarili;kundi para sa lahat.
Ang pagbabago ba ay may hatid na saya sa ating dalawa?
Ako? Ikaw? O tayong dalawa?

Mga araw na tayong dalawa ay napakasaya.
Masaya sa piling ng isa't isa.
Sa kabila nang kasiyahan na iyon,may bahagi paring malungkot.
Naghahangad na makapiling na natin ang isa't-isa.
Naghahangad na maramdaman sa mga bisig ang iyong yakap.
Naghahangad na ang iyong malambot na kamay ay mahawakan na.
Naghahangad na ang iyong mga labi ay mahalikan na.
Naghahangad na ika'y makasama nang buong araw.
Sa pagkikita ba natin ay walang magbabago?
Ako? Ikaw? O tayong dalawa?

Ako'y takot na takot na magpakita saiyo.
Natatakot na makita mo kung ano ang totoo kong itsura.
Natatakot na baka pag ako'y iyong makita ay biglang iwan ng walang pasabi.
Ako'y hindi kasing ganda ng mga nakikita mong babae sa iyong paligid.
Hindi ako yung klase ng babae na magsusuot o maglalagay ng mga bagay;na ginawa ng ibang babae.
Ako'y simple lamang;na masasabi ng iba na manang.
Ngunit ako'y tanggap mo.
Tanggap mo kung ano at sino ako.
Hindi na ba kailangan ng pagbabago?
Ako? Ikaw? O tayong dalawa?

Lumipas ang mga araw.
Isang araw na hindi nag usap.
Ika'y tinawagan ko.
Ako'y nakaramdam ng kasiyahan ng marinig ang iyong boses.
Ngunit biglang nagbago ang aking naramdaman.
Ako'y biglang nalito; ikaw ba ang aking mahal.
Baka ako'y nagkamali,pero naalala ko kahit kailan hindi ako nagkakamali pag dating sayo.
Nakaramdam ako ng pagbabago.
Nagbago ang iyong pakikitungo sa akin.
Ikaw pa ba ang dati kong nakilala at minahal?

Nangako tayo sa isa't-isa na walang magbabago.
Wala akong magagawa kung ikaw man ay magbago.
Pipilitin ko itong tatanggapin kahit masakit.
Pagbabagong akala ko para sa atin dalawa, yun pala'y para sa sarili mo lamang.
Pagbabago mong hindi saya ang hatid sa ating dalawa kundi kalungkutan.
Pagbabago mo na kahit kailanma'y hindi ko hinangad.
Ako'y magiging masaya na lamang para saiyong pagbabago.
Kung ako man ay magbago, wag ka sanang magagalit.
Dahil ako'y nasaktan sa iyong pagbabago pero pinilit kong maging masaya para sa ating dalawa.
Naalala ko ang isang katagang na "Habang tumatagal ang panahon, may pagbabagong magaganap pero hindi lahat ng pagbabagong iyon ay para sa kabutihan nang lahat."

-----------------
Annyeong! Comment kayo guys any suggestion na pwdeng itopic sa poetry. Hehehe. Love you all. 💕

Spokening Poetry Where stories live. Discover now