Chapter 9

27K 629 23
                                    

Nasa may bahay na sila ngayon ni Thatcher. Matapos kasi ng isang linggo ay kakauwi lang nila galing sa rest house ni Aziel. Sinulit talaga nila ang isang linggo pamamalagi sa private beach ng kaibigan ni Thatcher. Sa loob ng isang linggo ay walang araw na pinalampas si Thatcher. Iba't ibang parte sa loob ng rest house at iba't ibang posisyon din ang kanilang ginawa. Wala talaga itong kapaguran. Titigil lang sila kapag nagugutom na.

"Hey." Bati sa kanya ni Blaine. Medyo naawkwardan naman siya dito dahil na rin sa nahihiya siya dito at alam niya na ayaw nito sa kanya.

"Uhmm. Hi. Si Thatcher nasa may living room kasama sila Caio." Tatawagin niya na nga sana si Thatcher pero pinigilan siya nito.

"No. I just want to apologize to you." Sabi nito sa kanya napatingin naman siya dito. Nagtataka siya sa sinasabi nito.

"I just want to apologize for the bad things I said to you. At first, we thought you're like Steff but we're wrong I'm wrong. Unlike Steff you came back to prove your love to Thatcher and she came back just for her fame and that's the real reason why she keeps on saying she loves Thatcher but all she wants is the fame." Sabi nito sa kanya. Nagulat naman siya na fame lang pala talaga ang gusto ni Steff dito.

"Ahmm. You don't have to apologize may kasalanan din naman ako. I hurt Thatcher and things happened. Let's just put that in the past. What's important now is we're happy. We're all happy." Nginitian na nga niya ito. Ganon din naman ito sa kanya.

"Well, goodluck sa inyo ni Thatch. We're hoping a next grand wedding." Natawa naman siya sa sinabi nito. Wedding agad? Hindi naman siya nageexpect na porke ayos na sila ni Thatcher ay papakasalanan na siya nito. Who knows what will happen next?

"Ola! Blaine and Serra!" Bati ni Caio sa kanilang dalawa. Nag fist bump pa ang dalawa.

"I will go there Serra. Again Thank You." Sabi ni Blaine at nginitian niya ito. Pumunta na nga ito sa may living area kung nasaan sila Thatcher at iba pa nitong nga kaibigan.

"So...Is the Queen D has already fall for my friend?" Pangaasar ni Caio sakin pero I see it in a good way.

"I guess so. Happy and Contented. What about you nahanap mo na ba yung hinahanap mo?" Tanong niya dito. Natatandaan niya kasi ng nagusap sila dati ay may hinahanap itong tao.

"Nope, pero kapag nahanap ko na babalitaan kita." Natatawa nitong pahayag sa kanya.

"I'm looking forward Caio. Goodluck." Sabi niya dito. She wish him goodluck she knows that Caio is jolly type of guy but there is deep personality in him.

"Gotta go to my friends now. Looks like someone gonna hit me anytime by now." Napatingin naman siya sa may likod niya dahil natatawang tinitignan ito ni Caio. Napangiti naman siya ng nakita niya si Thatcher.

"Did he talk to you?" Bungad agad na tanong ni Thatcher sa kanya. Seloso talaga.

"Sort of but Thatch remember I'm yours so you don't have to be jealous with Caio." Kinurot pa niya ito sa tungki ng ilong nito ang tangos tangos kasi. Inayos niya din ang kilay nito na nagdidikit sign na nagseselos ito. Napakacute talaga nito. Pansin niya kasi din sa sarili niya nitong mga nakaraang mga araw tuwang tuwa siya sa pagmumukha ni Thatcher yung tipo na gustong gusto niya pisilin ang pisngi nito dahil sa kagwapuhan. Nawewerduhan na nga siya sa sarili niya.

Napaisip na nga din siya at naalala niya nga ang ginawa niya kanina bago sila pumunta sa bahay ni Thatcher.

"Come with me meu amor. I gotta show you something." Natigilan naman siya sa sinabi nito. Ha? Come daw? Gosh.

"Ang manyak mo talaga Thatcher anong c-um mo diyan. Wala ka bang kapaguran?" Natawa naman ito sa inakto niya. Lalo tuloy siyang napakunot ng noo.

"You're funny meu amor. HAHAHA." Wala itong katigilan sa pagtawa kaya hinampas niya na ito. Tumigil naman ito pero natatawa pa rin. Akmang aalis na ako sa harap nito ng nagsalita ito.

Libidinous Series 4: Thatcher Vance XimenezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon