Chapter 5

25.6K 577 15
                                    

Nasa studio siya ngayon ng kompanya nila. Nagtitingin siya sa males model portfolio nagbabakasakali na may makita siyang lalaki na may magandang genes.

"Que Serra! Serra!" Sigaw sa kanya ng kaibigan niyang si Mark na ngayon ay nakawig ng pink at may glitters glitters pa ang eye shadow. Medyo nagulat naman siya sa pagtawag nito sa kanya.

"Oh! Ano kailangan mo?" Sabi niya dito.

"Sungit naman this girl. Bago yan ha. Males Portfolio. Nahihilig ka na rin ba sa abdominals?" Sabi nito sa kanya at inirapan niya na lang ito. Nagpatuloy pa siya sa paghahalungkat ng magsalita ang kaibigan niya.

"Girl, Kung boyfriend ang hanap mo hindi mo makikita diyan sa portfolio. To see the action is to believe daw kaya naman samahan mo ako mamaya." Sabi nito sa kanya dami talagang alam ng kaibigan niyang ito. Nakakapagladlad kasi ito ng todo dahil nasa Pilipinas kam.

"Saan naman kita sasamahan?" Sabi niya dito.

"Bar hopping. Nakahanap ako ng bar dito. So ano Gora?" Tanong nito sakin. Napaisip naman ako. Hindi naman siguro masama maghanap sa bar di ba? Why not?

Dumating na nga ang kinagabihan at ready na siya pumunta ng bar. Si Mark ang pumili ng susuotin niya nagpunta din kasi sila kanina sa mall pagkatapos ng ginawa nilang photoshoot sa studion.

She is now wearing an emerald body-con dress with sultry cutout V-neckline. The dress has long sleeves that fits into her toned arms. The dress is below her knee. All in all it hugs her every curves.

Nilugay na lang niya ang natural na wavy na buhok at inintay na nga lang niya na sunduin siya ni Mark. Nagbasa muna siya ng book habang iniintay ito. Naramdaman naman niya na may kumulbit sa kanya.

"OhmyG! Serra?" Pinatayo ako ni Ate Cel.
Nagpaikot ikot pa ito sa harap ko.

"Ate Cel. Nahihilo ako sa ginagawa mo. Can you just stop?" Tumigil nga ito at naupo sa harapan niya.

"Saan ang gala mo Serra? Bihis na bihis ka ah." Uhm sasabihin niya bang sa bar o ano? Nakakahiya.

"Ano ate may pupuntahan kaming party ni Mark kilala mo naman siya di ba?" Sabi niya dito.

"Oh. Mark? Who is he? Hindi mo siya nasasabi sakin ha." Sabi pa nito. Napafacepalm na lang siya. Ulyani na ba ito?

"Ate, yung nagpunta dito na ano you know." Sabi niya dito.

"Oh I get it. MARTHA kasi couz." Oo nga pala pakilala ni Mark dito ay Martha kasi feel daw nito ang martha kapag nasa Pinas. May bumusina naman sa labas ng bahay at nakita niya ang sasakyan ni Mark.

"Ay pak! Ang Dyosa!" Puri nito sa kanya.

"Ginalingan masyado!" Sabi naman ng Ate Cel niya at nagtawanan na nga sila.

"Magtigil nga kayong dalawa. Once in a blue moon lang ito." Sabi naman niya sa mga ito. Umalis na nga sila ni Mark at nagtungo sa bar na sinasabi nito.

-----
"Thatch Baby, wanna have some fun?" A hot chick asked him but he's not in his mood to have sex.

"Sorry hot stuff." Umalis na nga sa pagkakalong ang babae sa kanya nakita pa niya ang pagdabog na ginawa nito.

"Whats with you man? Thats one hot stuff!" Sabi ng  kaibigan niyang si Caio.

"You look preoccuppied these days man. Is that a love problem?" Sabi naman ni Blaine. Napabuga na lang siya ng hangin.

Yes. He's preoccupied these days and it's because of that woman. Bakit pa kasi niyang sinabi na he will wait until she beg for him? Sometimes he is dumb. Kung siya lang ang masusunod. May nangyari na sa kanila ni Serra sa garden nila Rhyker.

Libidinous Series 4: Thatcher Vance XimenezTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon