Anim na Lalaking Nagpatibok ng Puso ko pero Isa lang ang Sinagot Ko...

11 1 0
                                    


MGA TAUHAN

NICK- (Mr. Bolero) lalaking ubod ng gwapo, matangkad, maputi, malalim ang dimple, mukhang bad boy...ang angas niya, mukhang bolero pero parang seryoso kaso nagyoyosi pero pasok na din kasi mahusay siyang magvolleyball. Ang nakakalungkot lang ay Broken Family sila =(

AVRI- (Ms. Bolera) masyadong asyumera kaya laging nasasaktan, maraming nagsasabi "CUTE" daw, kwela parang baliw, marami rin nagkakagusto at gustong manligaw sa kanya kaso ayaw niya... para sa kanya kasi "Ang hirap mahalin ng isang tao kung di mo naman talaga mahal." MAGANDA KASI SYA EH chaarrrrrr =)

LYKZ - (friendship) ang kaibigan ni Avri na parati ring sawi sa pag-ibig AWTSSS pero sabi nga nya may tamang nakalaan para sa kanila, makaDIYOS, maraming payo pero di mapayuhan ang sarili =)

JOE - (Mr. Gentleman) mukhang may lahi, fresh, cool, matalino, inglesero, mayaman pero walang arte, killer smile, mahiyain kumbaga sa babae hindi makabasag pinggan =) , at higit sa lahat maginoo. Sino ba siya sa buhay ni Avri ???? (abangan)

GEV - (Mr. MVP) Mahusay magbasketball, maitchura naman, may pagkamayabang, pero nakakamatay ang ngiti niya at higit sa lahat ang lalaking inaakala niya napakapogi niya (Mr. Candidate) taong sinalihan na lahat ng contest ng barangay, bayan, bansa at buong mundo =) pero hindi nananalo =( SAD.

BRY (Mr. Reliyoso) Mas matanda kay Avri pero mukha pa ring bata. Moreno, matangkad, may talino rin naman, at take note mga bessss "RELIHIYOSO" pero saan nga ba dadalhin ni Bry ang pagiging makadiyos nya. Magiging mabuti rin kaya sya kay Avri katulad ng paglilingkod nya sa Diyos? Well let see. =)

NEL (Mr. Talented) Isa siyang titser. Isinilang na napakaTALENTADO. Magaling magturo, magaling magluto, manahi, kumanta, sumayaw ay jusko lahat na nasa kanya. PERFECT. ALL IN ONE mga bessss wala ka nang hahanapin pa. Kaso ang tanong naghanap kaya sya ng iba kahit na nandiyan lang parati si Avri sa tabi nya. =(

VIN (Mr. DOTA) Mga bessss artistahin sya. Medyo matangakad. Mahilig din sya maglaro ng basketball, skateboard, volleyball at syempre ang girlfriend nya si DOTA. HAHAHA sya si Master Dota...in love na inlove sya sa DOTA. Maraming barkada, may bisyo pero may kabutihan pa rin naman. Magbabago pa kaya takbo ng buhay nya pag nakilala nya si Avri. Excited ka na ba? Excited na ako. HAHAHAHAHAH =)

FACEBOOKTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon