POEM

5 0 0
                                    


Nangyari Kagabi
senseii

Sa iyong kagandahan ika'y napasaakin
At sa gabing ito'y ika'y magiging akin
Oh giliw kay sarap himasin
Ang natatanging balat na para lamang saakin


Sa hugis ng buwan
At sa tahimik na kapaligiran
Tanging bituin ang sasaksi sa ating gagawin
Hindi kita pinilit pero gusto mo rin


Sa init na nararamdaman wala ng makakapigil
Lumapit ka at ito'y aliwin oh giliw
Damhin ang aking mga labi
Dahil mamaya iba naman ang dadampi


Ako ang gagalaw dahil ayokong mapahiya
Ikaw ang hihiga at hahanga
Damhin ang init sa iyong mundo
Na parang ako lang ang magbibigay nito


Wag kang matakot gawin ang dapat gawin
Wag kang mabahala nandito ako para ika'y saluhin
Isabay sa musika ang natatanging hangarin,
Sa huli ay makakaraos din.

SENSEII DIARY (Random Feelings, Thought, Poem, Prose, Etc.)Where stories live. Discover now