Chapter 1

1.4K 16 1
                                    

I'm Chi. Mahilig akong magbasa ng mga stories. Any stories like love, sad, horror but the type of story I love the most is tragic stories. Oo yung tipong ang sakit sakit. Yun bang paggising mo sa umaga mugtong mugto yung mata mo. Yung tipong papaiyakin at wawasakin yung puso mo. Mas may impact kasi yung mga ganung story kaysa sa mga normal na happy ending. Hindi rin kase corny ang mga 'to. Anyways, third high school ako. Oh my god! First time of class. Diko alam gagawin ko, kinakabahan ako kase trasferee lang ako sa papasukan kong school. Di rin kami close ng kapitbahay ko na anak ng bestfriend ni mama. Eh kahapon lang kami nagkakilala e. Actually siya yung lalaking super nakakainis. Yung makita ko lang siya, o yung pagmumuka niya naiinis na ako. I don't know why pero kase naman kakakilala lang namin kahapon kung makatitig parang may muta ako. Tapos inapakan pa niya paa ko. Maybe di niya sinasadya pero ang sakit kaya. Basta nakakainis siya.
Kinausap na ako ni mama at si tita May, yung mama niya na siya yung kasama ko papasok at uuwi mula sa school total magkasection naman kami. Omg! Pano ko gagawin yun? Eh inis na inis ako sa kanya? Awe rip Chi Tan 😭 . By the way, itong tinutukoy ko ay nagngangalang Mike. Nice name HAHAHA.

"Chiiiiiiii!"

Pangalan ko yun a. Lumingon ako sa likod ko kung san nanggaling yung boses. Familiar sakin pero urgh I know him. Si mike. Yung nakakainis na anak ng bff ni mama. Kung di lang kilala ni mama 'to diko na pakikisamahan. Tumigil ako at binalikan ng tanong.

"Bakit?" masungit kong tanong sa kanya na nakataas pa ang isang kilay.

"Aga aga ang sungit mo. Wala lang. Sabay na tayo sabi ni tita at mama pero nauna kana" mahinahon na sabi nito.

Wow. Mabait rin naman pala ito. Akala ko masungit. Akala lang pala. Ang cute din ng boses niya grabe. Yung inis ko nauwi sa paghanga.

"Ah---- ang tagal mo kase e. Ayaw ko pa naman na ako yung naghihintay." sabi ko nalang imbis na sungitan siya.

Nakarating na kami sa school. Grabe sobrang dami ng tao. Gaya ng iba una naming ginawa ay magpakilala sa isat isa. Yung pinakaayaw ko sa lahat. Shy type kasi ako. Mahiyain. Pinakaayaw ko na siguro yung tatayo sa harap at magsasalita. Pero wala akong takas. Kailangan e.

"Aron San Pedro. 15 yrs of age. Nice to meet you all" sabi ng unang nagpakilala. Diko pa siya nakikita pero boses palang niya kinikilig na ako. Tinignan ko siya sa harap at diko namalayan na nakatingin pala siya sakin. Ooooooomayyyyy grabe ang gwapo niya. Nagbablush na ako megedd. Para akong nabuhusan ng yelo nun. Diko maiilang mata ko kase feel ko namagnet na niya. Haha. Diko rin namalayan na tinatawag na pala ako ng teacher dahil ako na yung susunod.

"Ms. Ikaw na susunod" aniya at nagulat nalang ako nung lumapit siya at sinabi yun. Nakakahiyaaaaaa. Natulala ako dun. Ang gwapo niya kase. Panay din ang tilian ng iba kong kaklase pag siya na yung nagsasalita. Umupo siya sa tabi ko at tumayo naman na ako. Pilit na pinapalakas loob para magpakilala. Pagkatapos at bumalik ako sa upuan ko. Ang bango. Ang bango bango ng katabi ko. Marami rin akong naging friends.

"Hi Chi" sabi ng isang babae na medyo may pagkadaldal. Si Yna.
"Hello Yna" ganti ko sabay ngiti.

Napagkwentohan namin si Mike. Yung kaibigan ko haha. Wow kaibigan. Anyways gusto ni Yna si Mike kaya andami niyang tanong sakin. Sakin siya nagtatanong kase ako yung nakita niyang kausap ni Mike kanina sa may gate. Dahil kausap ko na si Yna, di na ako nagdalawang isip na magtanong tungkol kay Aronnnn. Varsity player si Aron. Sa basketball. Nakakainlove talaga. Hilig ko pa man din manuod ng mga ganyan ganyan.

5pm na at umuwi nanaman kami ni Mike. Marami din kaming napagkwentohan dahil at tungkol kay Yna. Its a destiny dahil gusto rin ni Mike si Yna.

The Most Painful EndingTahanan ng mga kuwento. Tumuklas ngayon