2 years later...
More than two years na kami magkasintahan. First year college na kami.
Akala ko yun na yun. Akala ko happy ending na. Akala ko true love na. Pero akala lang pala dahil kung kailan masaya kami dun pa nagkakaroon ng problema.
"Yna anong kurso ni Aron?" tanong ko dito kase diko pa siya nakikita simula nung pagpasok namin bilang kolehiyo. Alam kong parehas kami ng school kase napag usapan namin yun pero diko pa siya nakikita. Halos nalibot na ng mata ko yung buong sulok ng campus.
"Dimo alam? Fren di siya nag enroll dito. Di ba niya sinabi sayo?" sagot nito sa akin.
Tumigil ang mundo ko pagkarinig ko ng sinabi ni Yna. Di ako makapaniwala dahil kausap ko lang si Aron nung isang linggo. Bakit? San siya nag aral? Natulala nalang ako habang sumusulpot ang mga tanong na iyon sa utak ko.
Agad ko siyang tinawagan pero diko na siya makontak. Ilang beses ko ng inulit pero wala. Diko na napigilan ang luha ko. Tumutulo na ito ng diko namamalayan habang niyayakap naman ako ni Yna."Bakitttt?" nanghihinang tanong ko kay Yna noong huminahon na ako.
"Diko din alam" sagot nito.
Bakit? Anong nangyayari? Tinanong ko si Mike pero di rin niya alam. Okay naman kami e. Okay pa naman kami nung isang linggo. Ang sakit. Dati nababasa ko lang to sa mga binabasa kong libro pero bakit pati ako tinatamaan ng mga ganung tipo ng kwento?
Ilang linggo na ang lumipas simula nun pero wala pa rin. Naghihintay ako pero talagang wala. Nabalitaan ko nalang na na binenta nila yung bahay nila at lumipat sa ibang lugar. Pero bakit walang paalam? Bakit? Naiinis ako sa sarili ko dahi andami ko nang tanong na diko alam kung masasagot ba ito.
Akala ko dati masakit na sa nag iibigan yung di sila nagkatuluya, nagbreak sila, o di kayay namatay ang isa sa kanila. Pero pinakamasakit pala ito. Yung dimo alam kung aasa ka pa na isang araw babalik siya. Yung dimo alam kung kayo pa o hindi na. Kase wala man kayong break up wala naman na siya. Pinakamasakit yung binitin ka sa ere. Di naman niya ako hiniwalayan pero bakit ganun? Sana nga nagbreak nalang kami atleast alam ko yung dahilan ng sakit na mararamdaman ko. Sana namatay din ang isa sa amin atleast alam kung minahal namin ang isat isa. Sana pero hindi e. Kakaiba yung nangyayare sakin.Aasa ba pa ako na isang araw babalik siya dala ng mga dahilan niya at yayakapin siya sa sobrang pagkamiss? O kakalimutan na lang siya? Ang hirap. Mahal na mahal ko siya. Namimiss ko na yung dati. Yung halos araw araw may chocolate kang iuuwi at mapupuno yung kwarto mo ng rosas dahil sa binibigay niya. Namimiss ko na siya. Iniiyak ko lang lahat ng yun at patuloy sa paghihintay.
Matagal na panahon na pero ito parin ako. Nagtatanong kung "anong nagyayari?"...
*the end*
![](https://img.wattpad.com/cover/101841514-288-k773635.jpg)
BINABASA MO ANG
The Most Painful Ending
Teen FictionThe Most Painful Ending? Hahaha ano kaya yung pinakamasakit na ending? Matutuklasan mo yun kung babasahin mo ang kwento ng babaeng ito. Gaya niya nagmahal din siya. Pero gaya ng karamihan di ito nagtatapos sa happy ending. Ito na siguro yung kwento...