Kinabukasan ay nagtanong si Mike sa akin.
"Kayo na ba ni Aron?" tanong nito sa akin. At wala naman akong ibang sinagot kundi oo.
Alam na nila ni Yna ang tungkol samin ni Aron. Masaya sila dahil finally may nagmanahal na rin sakin. Finally di na ako third party sa mga lakad nila. Nagkita kami ni Aron sa school at lumapit ito sa akin abot ang isang kahon ng tsokolate.Ang sweet naman. Pagkaabot ko nito ay binulong niya sakin ang salitang "I love you" sabay halik sa aking pisngi. Ang saya. Ang saya pala ng may minamahal. Sobrang saya ko. Oo siya ang true love ko. Ibang iba ang kwento ko kompara sa mga binabasa kong sad stories. Lahat kase ng binabasa ko puro nakakiyak ang ending. Samantalang ako happy yung ending ko. Pero masyado pang maaga pag ending na. Haha. Happy lang muna walang ending.
3 months later...
Nagtaka ako kung bakit wala si Aron sa school. Bakit walang rose sa upuan ko? Bakit walang chocolates? Eh dati dati naman meron.
Nagtanong ako kay Yna pero wala rin siyang alam. Kinabahan na ako. Pano kung may sakit siya? Pano kung ayaw na niya sakin? Ang oa ko pero ganun pala pag nagmamahal ka. Maliit na bagay lang kinakabahan kana natatakot kana. Pero laking gulat ko nung nagsimula ng kumanta ang mga kaklase ko ng "happy birthday". Oo nga pala birthday ko. Hahaha habang kumakanta sila ay nilalagyan ni Mike ng panyo yung mata ko. Ano to? Anong gimik to? Anong surpresa to? Wala na akong nakikita at wala na rin akong naririnig na kumakanta. Feeling ko wala ng tao sa paligid ko."Tanggalin mo na ang panyo Chi!" hanggang sa may nagsigaw sakin nito at dali dali ko namang tinanggal at BOOOOMMM!....
Isang Aron San Pedro ang nakaabang sakin sa harap na may hawak na cake,roses,chocolates at balloons.
"Happy Birthday Babe" natutuwang sabi nito habang binibigay ang mga hawak nito sa akin. Habang binibigay nito sa akin, pumasok na ang iba naming kaklase na may hawak na cupcakes at red roses yung iba. Binigay nila ito sa akin habang lumuluhod na si Aron. Ano yun? Propose? Lol third year palang kami HAHAHAHAH propose agad?
"Babe. Will you be my FOREVER?" sabi nito sakin habang iniaabot ang isang kahon na may lamang necklace. Forever daw? Walang ganun e. Pero kahit ganun sumagot nalang ako.
"Yes babe.I love you" sabi ko nalang sa kanya na tuwang tuwa. Di na nga maipinta yung mukha ko sa sobrang tuwa e.
Ang saya ko. Sobrang saya. Ayoko ng mawala siya sa buhay ko. Ramdam niyo ba yung ganun? Yung nararamdaman kong kaba at takot nung kanina naging tuwa at sobrang saya.
Marami nang nangyari pagkatapos nun. Malapit na rin kaming magbakasyon. Ayoko pa. Gusto ko pa siyang makasama ng matagal. Hanggang chat/text or call nanaman kami. Hays. Sadlife. Pero ganun talaga. I'll take it as a challenge.....
BINABASA MO ANG
The Most Painful Ending
Teen FictionThe Most Painful Ending? Hahaha ano kaya yung pinakamasakit na ending? Matutuklasan mo yun kung babasahin mo ang kwento ng babaeng ito. Gaya niya nagmahal din siya. Pero gaya ng karamihan di ito nagtatapos sa happy ending. Ito na siguro yung kwento...