6 months later...
Naging magkasintahan sina Yna at Mike. Ang saya nila. Naiinggit ako. Hahahaha pero ito ako nag aaral nalang. Third party sa kanila. Sa lahat ng lakad nila sinasama nila ako na parang tanga dun mag isa.
"Chi" nagulat ako ng may tumawag sakin sa likod. Lumingon ako at nakita ko si Aron. Bakit niya ako tinawag? Anyways kaibigan ko na rin si Aron. Di nga lang kaibigan e. Bestfriend. Lagi kaming magkasama sa lahat. Sa paggawa ng project. Si Mike sana kaso may Yna na kase kaya that time na close na kami ni Aron. Siya nalang kasama ko sa paggawa ng assignments. Oo crush ko siya pero diko masabi sa kanya. Baka kase ako lang yung nay nararamdaman sa kanya. At baka masira pa pagkakaibigan namin. Kaya pinipigilan ko nalang yung nararandaman ko.
"Oh bes. Bakit? sabi ko sa kanya. Pumunta siya sa tabi ko at tila may gustong sabihin. Kami lang dun. Ayoko kaseng umuwi nung hapon na yun kase may ginagawa pa akong requirements para sa activity namin bukas.
"May sasabihin ako" sabi niya habang nakatitig sa akin. Grabe nakakakilig yung titig niya. Kinikilig ako pero diko lang pinapakita sa kanya.
"Ano yun," tanong ko na may halong pagtataka. Nagtanto narin yung mga kilay ko dahil sa sobrang curious sa sasabihin niya. Ang seryoso kase niya nun. Eh di naman siya ganun dati.
"Wag ka magagalit ha?" pagbabalik niya.
"Ikaw pag dimo pa sinabi magagalit ako bes" sabi ko sabay tawa sa huli para tumawa siya. Ang seryoso kase niya masyado sa oras na yun. May problema kaya to? Nakakacurious talaga. Feeling ko mahalaga yung sasabihin niya.
"Ano---?" itutuloy ko sana yung tanong kaso nabitin ako kase nagsalita siya.
"Mahal kita Chi. Matagal na kitang gusto. Diko ma amin amin kase baka masira pagkakaibigan natin. Natatakot ako na baka sa pag amin ko sayo mawala yung nasimulan natin" mabilis na sagot nito at tila kabang kaba.
"Hay naku bes yan lang? Yang lang ba ang sasabihin mo?" HAAAAA! ANO! TAMA BA YUNG NARINIG KO? Mahal niya ako? Natigil ako at tila nagtataka. Bakit? Bakit ngayon lang?
"Oo Chi. Pero kung ayaw mo maniwala okay lang.
"May kasalanan ka nanaman noh? Haha nagkautang ka nanaman ba kay Mike?" Sunod sunod na tanong ko sa kanya upang umiba yung usapan ngunit di ako nagtagumpay. Seryoso nga talaga siya sa sinabi.
"Ang unfair mo Chi. Ginagawa mo nalang biro ang lahat. Dimo ba nakikita? Seryoso ako!" medyo may pagkagalit na sabi niya sakin. Malakas ang boses niya dun para ipamuka sakin na seryoso talaga siya.
"UNFAIR? Ako pa ang unfair? Kung alam mo lang Aron matagal din akong nagkimkim ng tunay na nararamdaman dahil gaya mo ayokong mawala yung nasimulan natin in case na magkaiba tayo ng nararamdaman!" pasigaw na sabi sa kanya na diko din alam kung bakit ko nasabi yun.
"So ibig mo bang sabihin--?" mahinahon na sabi niya sakin.
"Oo matagal na akong may pagtingin sayo. Oo mahal kita Aron. Ano? Masaya kana?" ganti ko sa kanya at naluha nalang ako bigla.
Dali dali niya akong niyakap at pilit kong inalis ang katawan ko sa dibdib niya. Nakawala nga ako at balak tumakbo palabas ng room dahil di ko alam ang gagawin pagkatapos ng pag amin. Ngunit pagtayo ko palang sa upuan ko ay nahawakan niya aking kamay at hinila ako papalapit sa kanya. Tinitigan niya ako sa mata. Hinawakan niya ang mukha ko na pulang pula. Nilapit niya ang mukha niya sabay sabing "Mahal kita Chi. Ibig sabihin ba nito tayo na?" sabi niya at wala akong ibang nasagot kundi ang salitang 'oo'. Sa sobrang tuwa niya ay bigla nalang niyang hinalikan ang aking labi. Matagal. Sobrang tagal. Isang halik na tagos sa kaluluwa. Isang halik na ayaw nang matanggal. Wala akong nagawa kundi balikan nalang din ito ng halik. Matamis na halik. Ayaw ko ng pakawalan ang halik na yun sa oras na iyon. Dalawang minuto na ngunit di parin naghihiwalay ang mga labi namin. Halik at yakap ang naramdaman ko mula sa kanya. Basta saya lamang ang naramdaman ko sa mga oras na iyon...
BINABASA MO ANG
The Most Painful Ending
Teen FictionThe Most Painful Ending? Hahaha ano kaya yung pinakamasakit na ending? Matutuklasan mo yun kung babasahin mo ang kwento ng babaeng ito. Gaya niya nagmahal din siya. Pero gaya ng karamihan di ito nagtatapos sa happy ending. Ito na siguro yung kwento...