Chapter 6: Jett Greyson

3 0 0
                                    

Chapter 6- Jett Greyson

Pagkatapos ng gabing yon ay lagi akong binabangunot, ilang gabi na rin akong di makatulog ng maayos. Nakakainis!

Magkasama kami ngayon ni Caleb, at walang pasok ngayon kaya malaya kaming gumala sa park. Tahimik kaming kumakain ng ice cream ng basagin niya ang katahimikan.

" Elithia? Alam mo bang may masamang nangyari? " Napatingin ako bigla sa kanyang sinabi. Masamang nangyari? Humarap ako sa kanya at parang handang makinig sa lahat ng sasabihin niya.

" My dad died yesterday " at bigla siyang nagsmile. Mapait na ngiti. Nakita ko sa mga mata niya na nasasaktan siya. Hinayaan ko lang siyang magsalita.

" Di ko lubos maisip na yon na pala ang huling araw na makikita ko ang mga ngiti niya, ang tawa niya. Nakakainis! Gusto kong gumanti. Gustong gusto kong saktan ang taong may gawa sa kanya nun " bahagya siyang tumawa. Yong tawang parang wala ng lakas at parang walang umay. Niyakap ko si Caleb. Hindi ko inaasahang mangyayari sa kanya ito. Hindi ko pa nakita ang ama ni Caleb pero alam kong mabait ito tulad niya.

Niyakap niya rin ako at ramdam ko ang luhang tumutulo papunta sa damit ko. Wala akong pakealam kahit mabasa pa ang damit ko. Bigla siyang kumalas sa yakap at tumawa.

" Tsk haha natutunaw na yong ice cream " tawang sabi nito. Ya right! He is smiling and laughing but I know deep inside he's hurt and broken.

Niyakap ko siya ulit. Ayokong nakikitang nasasaktan si Caleb at sa panahong ito ay alam kong kailangan ni Caleb ng taong masasandalan.

Bigla niya naman akong hinila at ginulo ang buhok ko.

" Ang kulit mo talaga " sabay ngiti nito na siyang nagpangiti rin sa akin.

----

Magkasama kami ngayon ni Elliza. Hindi ko alam kung bakit alam niya kung nasaan ang bahay namin. Bigla bigla na lang siyang dumating sa bahay at pinagpaalam ako kay mama dahil magshoshopping daw kami at treat niya.

Nandito kami ngayon sa isang mall ang dami rin naming dala dalang paper bags. Napansin kong huminto si Elliza sa isang Ice cream parlor. Napatingin ako dito at biglang lumiwanag ang mata ko. Hmmmm ice cream. I'm craving for ice cream. Gusto kong pumasok at kumain kaso nahihiya akong sabihin kay Elliza lalo na't wala akong perang dala.

Nagulat ako ng hilahin ako ni Elliza papasok sa Ice cream parlor. Pagpasok namin ay agad kong napansin na sobrang ganda sa loob, ang bango bango at amoy strawberry ang paligid.

Nag order naman ng Chocolate ice cream with leche flan and cake si Elliza. Simpleng Vanilla ice cream with chocolate kisses naman ang inorder ko. Tahimik kaming kumakain ngayon ni Elliza at parang walang balak isturbohin ang isa't-isa.

" Ya Jett! I want strawberry ice cream " napatingin ako sa nagsalita. Isang matangkad, maputi, makinis at magandang babae ang nakasimangot na nakaharap sa isang lalaking nakatalikod sa akin kaya di ko makita ang mukha nito.

Nakasuot ng itim na sleeveless ang babae at naka tattered jeans. She's hot and I found her really attractive.

" Fuck! Stop acting like baby Cassie! " Inis na sabi naman ng lalaking kaharap niya. Siguro mag shota sila. Well nakasuot naman ng black t-shirt ang lalaki with black jeans.

Kahit nakatalikod siya talagang masasabi mong gwapo siya. Sa ayos palang ng buhok niya, sa pananamit niya at lalong lalo na ang hikaw niyang nagpalakas lalo sa appeal niya. He's oozing with sex appeal even though nakatalikod ito.

" Jett! Damn buy me a strawberry Ice cream or else I'll shout and say that you're a gay " pababy na sabi niya. Biglang nagkamot ng ulo ang lalaki at halatang naiinis na siya. Biglang lumakad papuntang counter ang lalaki at napa smile naman ang babae.

Bigla naman akong hinawakan ni Elliza sa kamay na siyang ikinagulat ko. Napatingin ako sa kanya at nakatingin siya sa akin.

" Hey kanina pa kita kinakausap. Tara na? " Nagnod naman ako. Ang haggard ko na siguro. Tumayo kami ni Elliza ng magsalita siya.

" Wait Elithia I'll go to the comfort room muna " pagpapaalam naman nito. Nagnod ako at inisipang hintayin na lang siya sa labas ng may makabangga ako. Matigas at masakit.

" Damn it! Are you fucking blind? " Sa lakas siguro ng impact sa pagkabangga namin ay napaupo ako. Tumingala ako at nakakita ng isang demonyo. Yes! Tama kayo demonyo. Ang lalaking demon at hindi lang basta bastang demon. Doraemon na rin.

Grabe ang swerte mo Elithia! Sa dami ng pwedeng makabangga ay si Doraemon pa. Tumayo ako at pinagpag ang damit ko. Alam ko namang hindi niya ako tutulungan. Wala sa vocabulary niya ang HELP at SORRY -.-

Hinarap ko siya na nakataas ang kilay. Akala niya ha! Kaya kong lumaban kahit lalaki pa siya.

" Ay naku sorry ha? Hindi kita nakita akala ko tae tao pala! " Ngiting sabi ko. Wahahahaha buti nga sayo!

Nanliksik ang mata niya at kumunot ang noo. Nandiyan na naman siya sa walang emosyon niyang titig. Tumitig din ako sa kanya ng masamang masama. Kung nakakamatay lang ang titig siguro matagal na akong namatay.

" Crap! " Sabat nito sabay hulog ng ice cream at hila sakin. Bigla akong nagulat ng malamig na dingding na ang nasa likod ko. Wait paano kami napunta rito?

Kinorner niya ako gamit ang dalawang kamay niya. Nakatingin ito sa akin, cold but bored eyes.

" Say sorry or else... " hindi niya itinuloy ang sasabihin niya. Nakatitig pa rin siya sa akin.

" Or else what? " Hamon kong tanong. Sige lang Elithia laban lang.

Bigla siyang ngumiti. Ngiting demon.
" Or else I'll fucking kiss you " Kiss lang pala eh. What the! Anoo? KISS?! No way! Hindi ko papayagang dumampi ang eww niyang labi sa labi ko. Isa pa never akong magpapahalik, never sa kanya at never sa kahit sino!

Hinawakan niya ang magkabilang balikat ko.

" Choose little devil " sabay smirk nito. Uh shit! Kung magsosorry ako meaning niyan eh talunan ako at pag kiss naman eh ewww! Hindi ko maimagine na magkikiss kami. Ayoko!

" Sorry asshole! " walang gana kong sabi. Shit! Nakakainis. Gusto ko siyang sapakin.

" That's my little devil " sabay smirk nito. Fuck you! Little devil mo mukha mo. Napansin kong may babaeng nakatingin samin. Wait ito yong babaeng kausap niya kanina ah.

" I was waiting for my ice cream but then you're busy with this girl " taray na sabi ng babae. Nakatingin ito kay asshole. Nakataas ang kilay at nakahawak sa beywang ang isa niyang kamay.

Bigla siyang tumingin sa akin. Nagsmile siya, bipolar yata tong babaeng to. Nagtataray tapos biglang ngingiti?

" Oh Hi. I'm Cassie Greyson " ngiting sabi nito. Naghello naman ako at nagpakilalang si Elithia. Syempre sino pa nga ba ako? Edi si Elithia! Duh.

Nakipag shake hands siya sakin ng biglang dumating si Elliza.

" Cassie? Jett? Hey what are you doing here? " Ngiting tanong ni Elliza sa kanila. So magkakilala sila?

" We're here to buy ice cream duh Elliza! " Taray na sabi ni Cassie. Pansin ko namang nakatingin lang sa akin si Asshole.

" Oh Elithia kilala mo na si Cassie? " Nagnod naman ako at nagsmile siya. 

" Good eh si Jett? " Tanong naman niya. Napatingin ako kay Asshole, so Jett pala ang name niya? Ang pangit! Parang siya.

Nag shrug ako bilang response.
" Oh this is Jett Greyson " ngiting sabi ni Elliza at Cassie. So silang dalawa lang ang masaya? Di ako pinansin ni Jett Greyson daw at ganun din ako. Walang pansinan to and I dont give a damn. Jett Greyson? What an ugly name =_=

The other WorldWhere stories live. Discover now