Chapter 8: Secrets

0 0 0
                                    

Chapter 8- Secrets

Hinatid ako ni Elliza pauwi. Pagdating ko sa bahay ay wala si mama at Caleb. Hindi ko alam kung nasaan sila lalo na't walang sulat na iniwan si mama.

Nasaan kaya sila? Bat di nag-iwan si mama ng sulat? Bigla akong napahawak sa likod ko dahil sumasakit ito. Sa sobrang sakit ay napaupo ako sa sahig. Namimilipit ito sa sakit at parang may gustong lumabas sa likod ko. Mga ilang oras din ang itinagal at nang tuluyan ng mawala ang sakit ay sinubukan kong tingnan kung ano ang nasa likod ko pero ang tanga ko lang. Hindi ko makita.

Maggagabi na ngunit wala pa sila ni mama. May nangyari kayang masama nung wala ako? Nagpalakad lakad ako sa loob ng bahay at iniisip kung saan pwedeng pumunta si mama at Caleb. Kung puntahan ko nalang kaya si Caleb sa kanila? Pero malayo layo ito sa amin.

Sinarhan ko ang pinto ng bahay at naglakad. Papunta ako ngayon sa bahay ni Caleb, nagbabakasakaling nandoon si mama. Nagdala na rin ako ng flashlight dahil madilim ang daan. Marami rami rin akong mga punong kahoy na nadaanan. Papasok sa gubat ang bahay ni Caleb at ewan ko ba sa kanya kung bat dito sa gitnang gubat niya naisipang tumira.

Napansin ko namang parang may sumusunod sa akin. Napatingin ako sa likod ko ngunit walang tao. Baka naghahalucinate na naman ako.

Pinagpatuloy ko lang ang paglalakad ng makarinig ako ng mga footsteps. Nakaramdam na naman ako ng matinding kaba, I smell danger here. Papalapit siya sa akin.

Binilisan ko ang lakad ko at kulang nalang ay tumakbo na ako ng bigla akong mapatigil dahil may lalaking nasa harap ko. He is smiling while looking at me intently.

Sa isang iglap ay nasa likuran ko na siya. I cant move. Para akong statwa, hindi ko magalaw ang katawan ko kahit gustong gusto ko ng tumakbo. I can feel his breathing in my neck.

Ramdam kong parang inaamoy niya ang leeg ko. " Hmmm fresh blood. I can also smell that you're not just an ordinary human " napatigil ako sa sinasabi niya. Hindi ko siya maintindihan, ano bang pinagsasabi niya?

Akmang kakagatin niya na sana ang leeg ko ng may biglang tumalong isang mabangis na aso? No its not a dog! Wtf. Is that a werewolf?

Biglang natumba ang lalaking nasa likod ko kanina. Naigalaw ko na rin ang katawan ko. Napatingin ako sa kanila. Pilit na kinakagat ng werewolf ang leeg ng lalaki kanina.

Nagulat ako ng biglang tumilapon ang ulo ng lalaki kanina. Shit! Ano ba to? Ano bang nangyayari? Biglang napatingin ang werewolf sa akin. Napansin ko ang mga mata niya. Magkatulad na magkatulad sila ni Caleb.

Biglang umalis ang werewolf na siyang ikinabigla ko. Hindi niya ba ako papatayin? Teka hindi sa gusto ko ng mamatay nakakataka lang kasi ang lalaki lang yong sinaktan niya.

Nagulantang ako ng may humawak sa balikat ko.

" Elithia? " Bigla akong napaharap sa taong tumawag sa pangalan ko. Caleb? Nandito siya.

Niyakap ko siya bigla at niyakap niya rin ako. Gusto kong sabihin sa kanya ang mga nakita ko kanina pero baka isipin niyang nababaliw na ako. Mga ilang oras din kaming magkayakap ng maalala ko si mama.

" Caleb? Nandito ba si mama? Wala kasi siya sa bahay at kanina ko pa siya hinahanap " bigla niya akong nginitian.

" Baka may pinuntahan lang pero sigurado nandoon na yon sa inyo. Ihahatid na kita " ngiting sabi nito. Nawala naman ang takot ko kanina dahil kay Caleb. Feel ko safe na ako dahil nandiyan siya.

Pag-uwi kong bahay ay dumating na nga si mama. Agad ko siyang tinanong kung saan sila galing pero ang sinabi niya ay. "May sasabihin ako sayo anak"

Ano kaya ang sasabihin ni mama? Umupo kami sa sala at napansin kong nagbuntong hininga siya.

Nakaupo rin si Caleb katabi ko. Napansin kong nagkatinginan si mama at Caleb. At ramdam kong ako lang ang walang alam dito

" Anak hindi tayo ordinaryong tao lamang " ano? Nagulat ako sa sinabi ni mama. Gusto ko ring matawa sa sinabi niya. Ano ba tong pinagsasabi ni mama? Nababaliw na ba siya or nagjojoke?

" Is that a joke ma? " Tawang tanong ko. Nakakatawa eh, hindi daw kami ordinaryong tao.

" Elithia, hindi ako nakikipag biruan. Ayaw mo ba talagang maniwala? " Agad na tanong ni mama. Hindi ko alam kung ano ang isasagot ko.

Biglang tumayo si Caleb. At halos hindi ako makahinga sa nakita ko. Si Caleb? Nag iba siya. Naging isang mabangis na lobo si Caleb. Halos napanganga ako sa nakikita ko. Shit! Dont tell me siya yong nagligtas sa akin kanina sa panganib?

" Ngayon Elithia naniniwala ka na ba? " Ba-bakit? Hindi kami pangkaraniwang tao? Pati din ba si mama ganoon? Ako din ba? Naguguluhan na ako.

" Katulad ni Caleb ay isang lahing lobo din tayo. Pasensiya kung ngayon lang namin ito sinabi. Alam kung magagalit ka dahil sa pagsisinungaling ko mula nung bata ka hanggang paglaki mo" kaya pala hindi tumatanda si mama at Caleb. Kaya pala minsan nadadatnan ko nalang silang may galos at sugat. Kaya pala nararamdaman ko minsan na may tinatago sila dahil meron nga pala talaga.

Bigla akong tumayo. Gusto kong umalis, gusto kong sigawan sila mama. Gusto kong sabihin sa kanilang bakit? Bakit ngayon lang nila sinabi? Bakit kailangan nilang itago sa akin? Napaka importante ng bagay na ito dahil tungkol ito sa totoo kong pagkatao pero hindi nila sinabi sakin agad.

Hindi ko alam kung saan ang punta ko basta takbo lang ako ng takbo. Di ko namamalayang umiiyak na rin pala ako. Madilim, wala akong masyadong makita pero hindi pa rin tumitigil ang pagtakbo ko. Ayoko ng umuwi, ayoko ng makita sila ulit. Mga sinungaling sila.

Bigla akong nadapa dahil sa kahoy na naapakan ko. Napaupo ako, hindi ko na rin sinubukang tumayo. Hawak hawak ko ang mga binti ko habang umiiyak. Hindi ko maintindahan ang nangyayari. Hindi ko matanggap na may lahing lobo ako. Hindi ko matanggap na hindi ako ordinaryong tao. Hindi ko na alam kung sino ako.

Bigla akong may narinig na ingay. Pero hindi ko na ito pinansin. Gulong gulo na ang isip ko pati pagkatao ko gulong gulo na rin.

Nararamdaman ko ang ingay at ang mga apak ng taong nandidito lang din sa gitna ng gubat. Ni hindi man nga lang ako natakot sa dilim dahil sa bigat na dala dala ko ngayon.

May biglang humawak sa mga balikat at bigla akong itinayo. Sobrang bilis niya na hindi ko agad namalayan.

Bigla akong napatingin sa mga mata niya. Ang intensity sa mga mata niya na siyang nakakatakot. Ang hikaw niya na lumiliwanag. At ang nakakuno't niyang noo. Hindi ako nagkakamali si Jett ito

The other WorldWhere stories live. Discover now