Chapter 3: Friends

6 0 0
                                    

Chapter 3- Friends

Pagdating namin sa Skwelahan ay nabalitaan naming wala palang klase ngayon dahil may program. At sa sobrang bait namin ni Caleb ay talagang hindi kami nagparticipate. Like duh! Nakakapagod kaya. Magsasabi lang naman sila ng kahit ano eh. Tungkol sa School, sa mga students at sa ibang bayarin. Buti sana kong natatae lang ang pera pero hindi eh. Hirap kaya kumita!

" Waaaaaaaah Caleb, Elithia. I've been looking for the both of you. Where have you been ba? " - nagulat naman kami sa pagtakbo ni Elliza papalapit samin.

She is really beautiful, she even looks like an angel. Yon nga lang maarte lang talaga siya magsalita.

" Oy, hello Elliza. Ah bat mo pala kami hinahanap? " Tanong ko dahil sa hindi pinansin ni Caleb si Elliza. Nakita ko naman siyang nagsmile at nagflip ng hair.

" Kasi I want to invite the both of you in my house later. Birthday ng brother ko. "  Sabay smile niya na parang model ng toothpaste sa kinang ng ngipin niya.

" Huh? Akala ko ba wala kang kapatid? " Naguguluhan kong tanong. Yon kasi ang sabi niya eh, wala raw siyang kapatid.

" Joke lang yon. Galit kasi ako sa kanya nun eh. Pero totoo yong mga sinabi ko noon nainis lang talaga ako kaya nasabi kong wala akong kapatid " paliwanag naman niya sabay smile niya. Nagnod naman kami ni Caleb at ngumiti na rin.

" So makakapunta ba kayo? " Tanong nia ulit

" Sorry Elliza pero hindi kami makakapunta ni Elithia. Hindi na kasi kami lumalabas o gumagala pag gabi " sambit naman ni Caleb na siyang ikinalungkot ni Elliza.

Tama si Caleb. Sa school at bahay lang kami ni Caleb palagi, minsan pumupunta kami sa Park para kumain ng ice cream, di kasi kami gumagala ni Caleb tulad ng mga ibang tao na inaabutan ng madaling araw sa labas dahil sa paggala.

" Eeeeh sige na kasi. Minsan lang naman eh please Caleb, Elithia. " Nagpapa cute ba tong si Elliza? Humarap naman ako kay Caleb na siyang nakatutok ngayon sa mukha ni Elliza na nagpapacute.

Napasmile nalang ako dahil sa mukha ni Caleb na parang diring diri sa pagpapacute ni Elliza. Pero kilala ko si Caleb at mabait siyang tao at isa pa ang cute kaya ni Elliza.

" Ikaw ba Elithia, gusto mo bang pumunta? " Biglang tanong ni Caleb sakin.

Gusto ko bang pumunta? Why not? Minsan lang naman to eh, tiyaka hindi pa ako nakapunta sa isang party. Gusto ko rin namang maexperience yon. Nagnod ako kay Caleb at nagsmile.

" Okay sige, pupunta kami " bigla namang niyakap ni Elliza si Caleb. At bakas sa mukha ang pagkagulat nito. Napansin ko ring parang kinilig si Elliza. May gusto kaya siya kay Caleb?

Nagulat ako ng pati ako ay niyakap niya rin. Siguro ganto lang talaga ka sweet si Elliza sa kaibigan niya. At isa pa bakit ko ba nilalagyan ng malisya? Hay kaloka!

----
Nakasakay kami ngayon sa mamahaling kotse ni Elliza. Sa bahay na nila ang punta namin. Marami kaming naraanang bahay at mga kanto. At malayo layo na rin ang byahe namin. Saan bang bundok tung bahay nila at bat sobrang layo?

" Malapit na tayo guys, dont worry hehe " cute nitong sabi. Bigla akong napatingin sa katabi ko. Seryoso lang siyang nakatitig sa harapan. Ang gwapo gwapo niya at hindi ko maiwasang hindi siyag tingnan.

" Natutunaw ako kaya wag mo akong titigan " seryoso nitong sabi na halos eh ikagulat ko na. Bigla bigla na lang kasi siyang nagsasalita.

" Hindi ako nakatitig sayo. Wag kang feeling! " Palusot ko kahit talagang nakatitig ako sa kanya. Napansin ko namang nagsmile siya. Huminto ang sasakysan sa harap ng isang napakalaking bahay. Bahay pa ba to o mansion?

The other WorldWhere stories live. Discover now