Chapter 5: Confused

1 0 0
                                    

Chapter 5- Confused

Natapos ang klase ng wala niisa ang pumasok sa utak ko. Tumayo ako at naisipang lumabas ng makita ko si Elliza na nakangiting naghihintay sa pintuan. Lumapit ako sa kanya at ngumiti. Bigla niya naman akong hinila.

" I'm hungry. Canteen tayo, I'll treat you" ngiting sabi nito na hila hila pa rin ako. Napasunod nalang ako sa kanya dahil sa nagugutom na rin ako. Pagdating naming Canteen ay agad na bumili ng sandamakmak na pagkain si Elliza.

" Okay so let's eat " hindi ko alam kung mauubos ba namin lahat ito pero kumain nalang din ako. Nag usap usap din kami ni Elliza tungkol sa kung ano-ano. Masayang kasama si Elliza lalo na't happy go lucky siya. Masaya din ako na nagkaroon ako ng kaibigan bukod kay Caleb. Nang matapos kami sa pagkain ay agad naman kaming nag part ways. Tumungo akong classroom. Napansin kong lahat sila ay busy sa kani kanilang upuan. Ito ako nakatunganga. Bat pa kasi nag absent si Caleb?

Uwian na at papalabas na ako ng gate ng tawagin ako ni Elliza. Napatingin ako sa kanya. Lumapit siya sakin at nakipag beso-beso.

" Bye Elithia. Take care! " Sabay bye-bye niya. Ngumiti naman ako at sinabihan ding siya na ingat. Papasok na siya sa car niya ng mapansin kong may lalaki sa loob ng kotse. Isang lalaking nakangiti devilishly. Napatingin ako sa hawak niya, it's a dagger.

Bumilis ang tibok ng puso ko. Shit! Dont tell me na papatayin niya si Elliza? Sino ba talaga siya. Bigla akong napatakbo papunta sa kotse ni Elliza. Napansin kong nagtaka siya.

" Why Elithia? May sasabihin ka ba? " Ngiting tanong niya. I checked inside her car pero wala na ang lalaking nakita ko kanina. Hindi siya ang lalaki sa panaginip ko. Mas matanda nga lang siya at wala siyang hikaw.

" Hey? May hinahanap ka ba Elithia? " Napatingin ako sa kanya. At sinabing wala. Nagbye ulit siya sa akin

Hindi ko na alam ang nangyayari. Naguguluhan na ako, masyado na akong confused sa paligid. Ano na bang nangyayari?

Sumakay ako ng tricycle at umuwi sa bahay. Pagdating ko sa bahay ay may nakita akong lalaking kausap si mama. Hindi ko siya kilala at ngayon ko pa lang siya nakita. Nasa mga mid 40's na siya. Bigla silang napatingin sa akin.

Nakita ko ang pagkagulat sa mukha ni mama. Hindi niya siguro inaasahang makikita ko sila.

" Anak? Kanina ka pa ba diyan? " Ngumiti ako at sinabing kararating ko lang. Tumingin ako sa lalaking kasama niya. Nakatitig ito sa akin.

" Ah Inang kailangan ko ng umalis. Magkita nalang tayo sa susunod na araw " pagpapaalam nito. Bigla nalang tumalikod ang lalaki at nagsimulang maglakad. Ngunit bago siya makalayo ay lumingon siya at tumingin sakin. Bigla siyang ngumiti.

" Ma sino po yong lalaki kanina? " Tanong ko, pansin ko namang parang kinabahan si mama dun. Ngumiti siya at hindi sinagot ang tanong ko. Pumasok si mama sa bahay at naiwan ako sa labas na mag-isa.

Nilingon ko ang kaninang dinaanan nung lalaki. At nakita ko ulit ang lalaking kanina ay nasa kotse ni Elliza. Ngumiti siya at biglang bumilis ang tibok ng puso ko. There is really something in his smile. Something bad, di ko lang matukoy kung ano.

I am really confused. I dont know what's happening. Sino ba talaga ang lalaking yon? Bat lagi siyang nagpapakita? Sa pagka confused at galit ko na rin siguro dahil sa lalaking yon ay nasuntok ko ang malapit na punong kahoy. Nagulat ako ng napalakas ang impact ko sa pagsuntok ko sa kahoy. At sa hindi inaasahan ay natumba at naputol ito.

Mas lalong nadagdagan ang pagka confused ko. Pumasok ako sa bahay at binalewala ang nagawa ko sa kawawang kahoy. For sure magtatanong si mama kung ano ang nangyari sa kahoy pag nakita niya to.

Napansin kong naghain na ng makakain si mama sa mesa. Pero wala akong ganang kumain. Gusto kong matulog, gusto ko munang kalimutan ang lahat na nangyari at nakita ko ngayong araw na ito.

Napansin ko ring nagtataka si mama sa inaasal ko pero wala akong pakealam. Ang gusto ko muna ay matulog.

----
Nagising ako na madilim na ang paligid. Napansin ko ring nasa tabi ko si mama natutulog. Tumayo ako at naisipang tumungo sa kusina. Nagugutom ako.

Kumuha ako ng pinggan at nilagyan ito ng pagkain. Agad naman akong kumain. Pagkatapos ay niligpit ko ito. Nakaramdam ako ng sobrang lakas na hangin. Napatingin ako sa bintana, nakabukas ito, sobrang dilim at pansin ko ang mga punong kahoy na nagsasayaw dahil sa lakas ng hangin.

Lumapit ako sa bintana at sinubukang sirhan ito ng makakita ako ng anino malayo layo sa kinatatayuan ko. Nakaramdam na naman ako ng parang may danger. Danger is slowly coming to me. Agad kong sinarhan ang bintana at pumunta pabalik sa kwarto. Ayoko ng makita ulit ang lalaking yon. Hindi ko alam kung hallucinations lang ba to o totoo pero isa lang ang alam kong sigurado ako. This is not good.



Authors note: Sorry kong short. Naubusan ako ng wow eh haha. Wisdom of words. Please follow me Babyheart213 :)

The other WorldWhere stories live. Discover now