JHO
andito ako ngayon sa kwarto, lutang. haaaaaayst.
mag wa-one week na ang nakalipas nung gabi na nakita namin si mama at jaja. mag wa-one week na 'ding hindi nagpapakita si beatriz.
ni hindi ko man lang alam kung bakit hindi man lang sya nagpaparamdam.
natauhan na kaya sya? narealized nya na kayang hindi nya pala ko mahal? ayaw nya na kaya? nakahanap na kaya sya ng iba? I thought.
Hindi na tumigil sa kaka overthink 'tong utak ko. BEA NAMAN KASI! PLS MAGPARAMDAM KA NA 😭
kanina ko pa sinisilip silip 'tong phone ko pero wala parin akong message na natatanggap so I ended up calling ate ells.
Ringingggg...
Ringingggg....
Ringinggg....
Hindi sinasagot ni ate ells. leche naman beatriz! ano kayang ginagawa nila? tss. bukas na bukas pupunta ko sa condo.
after kasi namin mabangga sila mama. pinapunta nya kami dito sa bahay kasi gusto nya daw kami makausap. and it ends with the word na "mag stay ka muna dito".
takot na takot ako kay mama nun. Of course wala syang alam samin ni bea tapos bigla nya kaming makikita na ganun set up namin.
(Flashback)
"ma? ja?"
"bakit kayo nandito? gabi na ah?"
"m-ma...a-no ka-si..."
"sumama kayo sa bahay. mag uusap tayo. "
agad naman kaming nagulat ni bea sa sinabi ni mama. napatingin kaming dalawa kay jaja na nagtataka din saming dalawa.
pagkarating namin dito sa bahay, naghanda muna ng makakain si jaja. kaya tinanong ko na.
"ja!"
"bakit ate?"
"galit ba si mama?"
"ate sa totoo lang kasi..a-no"
"ano?"
"kanina pa namin kayo nakita ni mama..pinagmamasdan nya lang ka---"
"jaaaaaaaaaaa!" sigaw ni mama sa kusina.
"andyan na poooo!" sigaw naman ni jaja.
"beh sasabihin na ba natin kay tita? natatakot ako" biglang sabi ni bea sakin.
hindi ko alam kung macu-cutan ako kay beatriz oh ano eh. haha. ang cute nya lang kasi matakot.
"handa ka na ba?" tanong ko sa kanya.
"hindi ko alam"
"hahaha. don't worry. siguro its time para sabihin na natin kay mama. kahit natatakot din ako, worth it naman siguro in the end diba?" I sincerely said.
tumango naman sya sakin bilang sagot. tapos ngumiti ako. hindi ko nalang pinapakita kay bea na sobrang kabado talaga ko ngayon. knowing na si mama mismo yung nakakita samin knina. alam nyang i'm not into girls tapos malalaman nya 'to.
whoaaaa. SELF! KAYA MO YAN!
nagising naman ako sa katotohanan ng biglang lumapit si jaja tapos tinapik ako.
oh no.
"ate bea tawag ka po ni mama"
tinignan naman ako ni bea na parang nagtatanong kung anong gagawin nya.
"beh" bulong nya sakin.
"kung ano yung sa tingin mong mas makakabuti, yun ang gawin mo" sabi ko then i smiled.
"i love you"
sabi ni bea tapos agad ng pumunta sa kwarto ni mama. narinig ko namang sumarado yung pinto.
hindi na ko nakasagot sa huling sinabi nya kasi nagulat din ako.
i didn't expect na sasabihin nya yun.
simula nung unang nakilala ko si bea. i admit naging mas masaya ko. sya yung tipo ng tao na hindi ka hahayaang mag isa. nandyan sya palagi ganun. akala mo sa una masungit. pero napaka caring pala. kahit nga sila ate ells nagustuhan na din sya eh. i mean. nagustuhan yung ugali nya. haha ganern.
tapos kapag about love na yung usapan or anything about it. napakalalim ng sagot nya kahit masaya naman kami. parang lagi syang malungkot ganun. parang laging nagpapaalam. minsan nga nagtataka na ko eh. kaso 'di ko naman matanong. tapos kapag itatanong ko na, umiiwas sya.
pero hindi naman siguro mangyayari yung iniisip ko. si bea pa ba? hindi alam mang iwan nun.
natigil naman ako sa pag iisip ng narinig kong sumigaw si mama.
alalang alala na ko kay bea kaya bigla kong tinawag si jaja.
"ja"
"nag aalala ka 'no?"
"malamang"
"haynako ate. kilala mo si mama at ate bea. wait. totoo bang ano.. uhm.. a-ano"
"oo" 😒
"whoaa"
"uy"
"hahaha. okay lang yan ate. boto ako sa inyo ni ate bea. alam ko namang noon pa man may something na. 'di ako manhid 'no"
"oh so ano na nga? ano ng nangyayari kila mama?"
bigla naman kaming nagkatinginan ni jaja ng may narinig kaming umiiyak.
"ate relax pls" sabi sakin ni jaja sabay hawak sa kamay ko.
halata nya na kasing kinakabahan na ko.
napatingin naman kami pareho ni jaja ng biglang bumukas yung pinto tapos bumungad ang isang beatriz na umiiyak.
mas lalo akong nataranta kasi di ko inaasahan na magiging ganto yung usapan nila. alam kong hindi basta basta umiiyak si beatriz.
"ma" i whispered.
nagtatatakbo si bea palabas ng bahay ng hindi manlang tumingin sakin.
she left me hanging without knowing kung ano bang nangyari.
parang mas nasaktan ako.
"Beaaa" sigaw ko sa pangalan nya. pero hindi talaga sya tumingin.
ng nag angat ako ng tingin, nakita ko naman si mama na nakatingin sakin. hindi ko alam if illusions ko lang ba yun or what. kasi parang naluluha din si mama.
I shouted for the second time.
"BEATRIZ!"
and this time. parang mas nadurog yung puso ko kasi for the SECOND TIME, hindi ulit sya lumingon sakin.
natulala nalang ako habang umiiyak.
ni-hindi ko man lang alam kung umamin ba sya at pinaglaban nya kay mama kung anong meron kami. or natakot sya kaya mas pinili nya nalang akong iwan.
pero kahit ano man sa dalawang yan, umalis parin si bea.
lumapit naman si mama sakin tapos niyakap ako.
"wag mo na syang habulin anak"
__________________
________yow! ngayon lang ulit naka update. haha. medyo sabog 'tong chapter. huhu. exam na kasi sa monday mga bes. kaya 1k words lang 'to. 😪
sorry po sa typo at errors. :<
btw. congrats sa ateneo kanina! yay! 3 straight sets. tapos yung score pa. hahahaha. omg. our JB heart. 💙💛
layag layaaaaag! ⛵🚢

BINABASA MO ANG
MEMORIES
Fanfiction"Pagkakataon na nasayang dahil sa hindi pag amin ng katotohanan"