Jia"ikaw yung problema, sinasabi mo sakin. pero bakit di mo kayang gawin sa kanya?"
kasabay ng mga salitang yan..yung pagtulo ng luhang ayokong ipakita sa harap ni jho.
akala ko magugulat sila sa sinabi ko pero bigla nyang pinunasan yung mga luha ko tapos hinawakan yung magkabila kong pisngi.
ayan. ayan yung mahirap kay jho. pinapa asa nya yung mga tao sa mga galawang pinapakita nya. mga galawang nagsasabi na may lugar ka sa puso nya.
pero at the end of the day...
"Friends lang pala"
Swerte na nga ni bea eh. kaya lang nagawa nya paring iwan si jho. Alam ko kung gano nila kamahal yung isa't-isa. Kaibigan ko si bea kaya hindi ko kaya i-grab yung opportunity, at lalong hindi ko kaya kasi alam ko yung mga dahilan ni bea kung bakit sya umalis.
alam kong sobrang saya ni jho kapag magkasama sila ni bea. yung mga tawa nyang alam mong totoo. yung mga ngiti nyang abot tenga.
iniisip ko palang, alam ko ng hindi hindi ko mapapantayan si bea.
tuwing may dates sila? nakikita ko yun. lagi kong kasama si mich tapos nasasaktuhan. alam ni mich lahat ng kamartiran ko kay jho. minsan nga gusto ko ng sumuko eh.
kaibigan ko si jho kaya ayoko ituloy yung nararamdaman ko.
pero sabi ng puso ko... I have to take the risk. malay mo in the end diba? Hindi mo malalaman yung sagot hangga't hindi mo sinusubukan.
Flashback
Nasa SB kami ni mich ngayon kasi naisipan namin tutal wala naman kaming gagawin ngayong araw.
actually 3 pm palang nandito na ko , pero etong babaeng 'to kararating palang and u know what? 5:30 na.
sawa na nga ko sa kape eh. naka ilang order na ko.
"haha sorry ju. si nicky kasi nagpasama. bumili kami ng gift pa--"
"para sakin?" pagpuputol ko sa sinasabi nya.
"ha? anong para sayo? tengeks may pupuntahan kasi syang birthday" sabi ni mich habang tumatawa. lol.
"ganyan naman kayo eh. mga PAASA!"
pagkasabi na pagkasabi ko ng paasa. bumukas yung door. nakit ko kaagad si jho......kasama si bea.
napatingin naman samin si bei.
"oh! hi ju! hi mich!" tapos tumingin din si jho. "hello mga beees!" bati nya.
"anong ginagawa nyo dito ju?" tanong ni jho sakin. pero buti nalang sinuportahan ako ni mich kasi parang ayaw magsalita ng sarili ko. para kong nanigas sa kinauupuan ko. hayp ka jho. bat ka ganyan.
"a-ah ano. wala. bonding lang namin ganern. tsaka pinag uusapan lang namin si miguel. haha. kayo kasi busy palagi ni bei eh. so yun kami nalang. libre naman ni jia eh" pagpapalusot ni mich.
"ahhh. okay! hahaha. ju next time ako naman ah? utang mo sakin!" pagbabanta ni jho. lakas naman pala ng babaeng 'to. gigil mo si aq ha! kung di lang kita ano! tignan mo.
"Che!" pagsusungit ko kay jho para makalayas na sila. naiirita ko eh. pero nakita ko namang medyo napasimangot sya. waw. may epekto pala ko sa knya? charot. assuming self.
"sungit naman dis gurl!" sabi ni bei sabay bato ng tissue sakin. aba aba!! pag ako di nakapag pigil ibabato ko tong lamesa sa inyo ni jho. landi ah.
"basta next time! utang mo yun! ge byeee. upo na kami ni beatriz" tapos tumalikod na sila.
kitang kita ko kung paano mag holding hands yung dalawa kaya napatitig ako sa kamay nila.

BINABASA MO ANG
MEMORIES
Fanfiction"Pagkakataon na nasayang dahil sa hindi pag amin ng katotohanan"