Jho
Days,weeks, months have passed and masasabi ko talagang uhmm
nakamove na ko.
"Jho buti naisipan mo lumabas no?, akala ko mabubulok ka na sa kwarto mo eh" pang aasar ni Jia. bwisit talaga tong mga to eh. 2 months na kong lumalabas todo parin mang asar.
"Ano namang dahilan para di ako lumabas diba?" pang hahamon ko. pero pinagsisihan ko din naman yung sinabi ko.
"syempre baka mamiss mo nanaman si b--mads aray! inaano kita?!" reklamo ni jia pagtapos syang batukan ni maddie. hahaha buti nga.
"sakin wala, kay jho meron. mamaya umiyak nanaman yan. alam mo naman si jho. lakas mag pretend na nakamove on na pero waley naman. tapos kunwari matapang pero duwag naman, kunwari okay na pero miss na miss na si be--tangina jia! sapul sa mukha yun oh!" reklamo ni maddie pagtapos syang batuhin ng tissue ni jia sa mukha. oo literal. swak nga eh. tangina naman kasi talaga mads. INAANO KITA???
pinaningkitan naman ni jia si maddie ng tingin na parang sinasabi na tama na, may nasasaktan oh. joke! haha
"b-beh! naman kasi yun jia, jho. beh. miss ko na kasi si beh mich natin. san na kaya yun? pero sabagay, busy kasi kay girlfriend"
nagulat naman ako sa sinabi ni mads. TF. beh pa talaga no? naalala ko nanaman tuloy sya. yung katangahan nya. bakit ba kasi sya umalis?
haist. ayan ka nanaman self. paulit ulit na yang tanong mo. di ka pa ba magsasawa? walang may alam kung bakit sya umalis jho. kaya tigilan mo na. wala syang pake sa nararamdaman mo. kaya dapat ganun ka din.
si jia? ayun chinita na sa sobrang singkit. punyeta kasing maddie. pwede shatap muna? sumosobra na eh. nasasaktan ako and at the same time tawang tawa dahil sa itsura ni jia. putek di bagay.
"alam mo bes. pwede mo namang sabihin quiet lang ako instead of nagsisingkit singkitan ka dyan kasi FYI DI MO BAGAY HAHAHAHAHA" pang aasar ni mads. haha lagot tayo kay jia neto. sasabog na ata.
"mga walangya. iiwan ko kayo dito!" haha napikon na. diba dapat ako ang mapikon saming tatlo? eh bakit sya pa?
"okay" sagot ni mads. aba gago talaga yun haha.
"oh bat di ka pa umaalis d--kingina jia! masakit na ha. kanina tissue ngayon, notebook?"
"nagjojoke lang kasi eh. pinapaalis mo na ko. nagprapractice lang naman ako maging singkit. baka sakaling magustuhan nya rin ako" teka anudaw? gusto maging singkit? para knino? sa pagkaka alam ko gusto naman sya ni miguel ah?
"aba broken naman pala. tanggap kita babe kahit malaki mata mo" sabi ni mads habang niyayakap si jia.
"para magustuhan? diba gusto ko naman ni miguel ju? di mo naman kailangan maging singkit ah. maganda ka naman bes" pag checheer up ko. di kasi ako sanay na ganyan si jia.
simula nung naging close kami, laging sya yung pinaka masaya samin. si maddie kasi madaldal LANG. haha. jk. talent nya yun eh. dumaldal ng dumaldal.
"a-ano. Oo gusto nya ko. a-ano kasi. anuba! haha nagjojoke lang ako ganern. charot charot"
tumingun naman ako sa kanya na parang nagtatanong kung totoo nga. tumango tango naman sya.
"Yung totoo ju! may gusto ka bang iba? nako ha! JULIA MELISSA MORADO! DI KITA PINALAKI NG GANYAN! Ayos buhay tayo bes. diba jhow? kapag sinaktan mo si migwel bahala ka. akin na sya. walang bawian. period. no erase. akin susi"
HAHAHAHAHA natawa naman daw ako kay maddie. daming alam eh. pero anyway, naguguluhan tlga ko kay jia. last month pa sya ganyan. hugot ng hugot eh inlove naman kay miguel. pakunwari lang ata yun eh.

BINABASA MO ANG
MEMORIES
Fiksi Penggemar"Pagkakataon na nasayang dahil sa hindi pag amin ng katotohanan"