Kill 13: The day two became one.
Aihara’s POV
Weeks had passed, umaayon ang lahat sa plano namin. Si Amayra at Cyriel ang humahawak sa mission tungkol doon sa mga babaeng tinatarget ng Blue Fangs.. Yeah, I know na dapat ako ang gumagawa non dahil ako naman ang may kasalanan kung bakit nasa ganoon silang sitwasyon pero wala akong magagawa, kailangan kong ihanda ang sarili ko at pagplanuhan ng mabuti ang mga kilos na gagawin ko.. kailangan ko ng tapusin ang problema na to bago lumala pa lalo… and besides, magaling naman si Amayra at Cyriel—tag team nga sila e. Positive ang results dahil wala pang napapahamak na babae simula noong sila yung humawak ng issue na yon, unlike me—may isang napahamak, ang masama pa.. namatay to be exact.
As for the others, ayos naman sila. Tulad nga ng sabi ko kanina.. umaayon ang lahat sa plano namin, though medyo nagdudududa ako.. Blue Fangs ang pinag-uusapan dito, matagal ko na silang kilala at alam kong wala sa bokabularyo nila ang salitang ‘Pagpapatalo’. Alam ko.. at ramdam ko na sooner or later, may mangyayaring hindi maganda..
Sana, makayanan ko yun..
...
..
...
“Uy, Hara!” nagulat ako ng biglang may tumawag sakin. Napalingon ako at nakita ko ang nakangiting pagmumukha ni Kenneth
“Oh? Problema mo.” ako
“Wala! Namiss lang kita!” nakangiti niyang sabi pagkatapos ay tumabi sakin sa bench na kinauupuan ko at sumiksik sakin. Nandito kasi ako sa mini Garden sa likod ng HQ.
“Distance please. Ambaho mo! Amoy pawis ka!” sabi ko at nandidiring tinutulak siya pero pilit pa rin siyang nagsusumiksik sakin, ang kulit talaga. Pareho sila ni Amayra.
“Syempre galing ako sa training eh! Ito naman, mabango naman ako kahit pawis ah?” sabi niya at inamoy amoy pa ang damit at kili-kili niya,
Gross.
“Kadiri ka naman. Dito mo pa inamoy kili-kili mo! Manligo ka nga Kenneth Chua!” ako
“Same old Aihara Useda Choi, ang arte!” nang-aasar niyang sabi
“Ewan ko sayo, tse.” Sabi ko at inirapan siya
“Ayan nanaman yang mata mo. Dapat sayo pinaparusahan!” Kenneth
“At anong parusa naman, aber?” sabi ko at tinaasan siya ng kilay sabay crossed arms.
“Eto oh, Yaaaaaah!” at kiniliti niya ako. Fck. Wala akong kiliti pero natatawa ako sa kakulitan niya
“Stop it Kenneth! *laughs* ano ba!”
“You should be punished! Tanggapin mo ang super tickle attack ko!” at mas kiniliti pa niya ako lalo,
BINABASA MO ANG
My Assassin Girlfriend's Alter Ego
Action"After all, Justice in this world is just a bunch of principles made by those with power to suit themselves." (c) Phantomhive