Kill 16: Aihara’s Death
Aihara’s POV
*TOK TOK TOK*
“Aihara! Please, buksan mo tong pinto.. mag-usap naman tayo oh!”
Kanina pa yan si Cyrus katok ng katok, pero wala akong balak pagbuksan siya. Alam kong kukulitin niya lang ako na wag akong pumunta doon or isama ko siya.. pero alam naman nating hindi pwede eh. Ayokong madamay siya at baka kapag hindi ako sumunod kay Aril ay may gawin siyang masama sa kapatid ko.
Yeah. Naturingan akong First class Assassin pero ang hina ko.. This is so not me. Hindi ako yung tipo ng tao na sunod-sunuran.. Nasanay akong ako ang boss.. ako ang sinusunod. Pero right now, kailangan kong kainin ang pride at principle ko para sa kapatid ko. I failed her once.. and I don’t wanna repeat that same mistake again, I’ll give up anything just to save my sister.
Nandito ako sa kama ko at nakahiga habang nakatakip sa mata ko ang kanang braso ko
Ano bang ginawa namin para pagdaanan namin to?
Haha. Nakakatawa, alam ko naman yung sagot pero tinatanong ko pa rin ang sarili ko..
It’s because Assassins kami.
At simula noong pinasok at tinanggap namin ang gawain at tadhana na to.. tinaggap na rin namin sa sarili namin na, anytime, pwede kaming mapahamak- pwede kaming mamatay o ang minamahal namin sa buhay.
Kung tutuusin.. hindi kasalanan ni Mama to, hindi rin kasalanan ni Papa to..
Kasalanan ko to.
Bata pa lang kami, iminulat na kami nila Mama at Papa sa mundong to, sa mundong ginagalawan namin.
A not so normal world.. A dangerous world.
Matagal na rin naming’ alam na isa sa amin ni Mihara ang dapat magmana nito.. ang maging clan empress, at dahil sa ako ang unang inilabas- though 1 minute interval lang ang pagitan namin ni Mihara, considered pa rin na ako ang panganay at dahil ako ang eldest, ako ang magmamana ng posisyon na yun..
pero dahil sa hopeless fantasies ko,
tinanggihan ko sila.
Sa halip ihanda ko ang sarili ko at mag-train, pinili kong tumakas at makihalubilo sa mga normal na teenagers at gawin ang mga normal na ginagawa ng isang normal na babae
At iyon ang pinakamalaking pagkakamali na nagawa ko.
I’m not normal. I don’t belong to their world, I was born different. But then.. I chose to be in that world.
At dahil sa kahibangan na yun.. napahamak ang kapatid ko. I’m so stupid.
“Kung sinunod ko na lang sila Mama at Papa.. kung hindi naging matigas ang u-ulo ko.. hindi s-sana nangyari ang lahat ng to.. h-hindi sana nahihirapan ang kapatid ko..”
At tuluyan ng pumatak ang mga luhang kanina ko pa pinipigil..
“Aihara naman.. Buksan mo naman to.. Mag-usap tayo. Aihara..” Cyrus
*TOK TOK TOK*
“Aihara..”
*TOK TOK TOK*
“Please, Aihara—“
“Cyrus.. Please.. iwanan mo muna ko. Gusto kong mapag-isa, gusto kong mag-isip.. Promise.. I’ll talk to you,” sigaw ko
Narinig ko ang malakas niyang pagbubuntong hininga,
“I’ll be waiting for you at the lobby, I badly need to talk to you Aihara..” Cyrus
Hindi na ako nagreply at narinig ko na ang mga yabag niya, paalis na siya.
Bumangon ako at pumunta sa Terrace ng kuwarto ko,
Nilabas ko ang cellphone ko at tinawagan si Mama..
*RING RING RING*
Sagutin mo mama..
*RING RING RING*
“Hello? Aihara anak?” Mama
Finally
I cleared my throat.
“Mama,” ako“Anak, may problema ba? kamusta ka na?” nag-aalalang tanong ni Mama. Ilang araw.. linggo at buwan na ba kaming hindi nagkikita at nagkakausap? I miss them.. I miss my mom and dad.
“Ok lang ako Mama, kamusta na po kayo? Kamusta na kayo ni Papa diyan? How about the Cin Thais?” ako“Everything’s fine, honey. Don’t worry about us. Ikaw? Kamusta ka na? kamusta diyan?” Mama
Napakagat ako ng labi,
Should I tell them or not?
They have the right to know what’s happening— pero may issue din silang iniisip ngayon.
Baka pag sinabi ko sa kanila..
Dumagdag pa yun sa cargo nila.
I’m a grown up woman, I should fix this problem all by myself.
“Mmm, Nothing mom. I just missed you, mayroon sana akong gustong sabihin pero nagbago isip ko, sasabihin ko na lang sayo kapag naayos ko na.” ako
“I miss you too, honey. Kung ano man yang’ sasabihin mo, I hope good news yan. Sawang-sawa na ako sa badnews eh *laughs* anyways ana— Lady Symphony! there’s an Emergency— What emergency? — Tumawag po si Sir. Scythe— nasaan siya?— Nasa Okinawa po— Sige sige! I’m coming! Anak, I need to hung up, there’s an emergency” Mama
“What Emergency Mama? And how’s Papa?” ako
“Nothing serious naman anak, I need to hung up na”“Sige po, I love you mama.. always remember that. Ano man ang mangyari saki—satin, tandaan niyo po yan..” ako
“Anak? Is there someth—“
“Nothing mom, don’t be paranoid. I’m hanging up na. Bye.” Ako
*TOOT TOOT TOOT*
Ilang Segundo akong napatitig sa wallpaper ng cellphone ko.. Collage siya ng picture ko, picture ni Mama at Papa pati na rin picture ni Cyrus..
Maya-maya, nakita kong may mga patak ng luha sa screen ng cellphone ko.
I smiled bitterly,
I’m crying again.
Pinatay ko ang cellphone ko at binato iyon sa kama.
Isang araw na lang bago ko sila makaharap..
Ready na ba ako?
..
...
..
I think so.
Ready or not, I need to face them.
Pinahid ko na ang luha ko at humarap sa salamin, Hindi ko dapat ipakita sa kanila na umiiyak ako. Ayokong may makakita ng side kong to. For the mean time.. Papatayin ko muna ang sarili ko.. I’ll kill the weak Aihara and take the devil out of my shell.
BINABASA MO ANG
My Assassin Girlfriend's Alter Ego
Action"After all, Justice in this world is just a bunch of principles made by those with power to suit themselves." (c) Phantomhive