Chapter One

44 2 0
                                    

Naramdaman 'kong may yumuyogyog sa akin kung kaya't napabalikwas ako ng bangon. Wala pa ako sa aking huwisyo ng iminulat ko ang aking mga mata, kinuskos ko ng aking mga daliri ang aking mga mata. Napangiti ako ng makita ko ang nasa harap ko.

"Juz me! Ang mama pala".

Nasabi ko sa sarili ko dahil ayun at naka pameywang nanaman sa aking harapan at salubong ang kilay. Oo nga pala at may pasok pa ako, agad akong napatingin sa orasang nakasabit sa itaas ng pinto ng kwarto ko. Pasado alas sais na, bumalik ako ng tingin kay mama at napansin kong bihis na bihis na sya. Napangiti na lang ulit ako ng pailing-iling syang lumabas ng aking kwarto. Agad na akong tumayo at hinila ang tuwalya kong nakasabit sa gilid ng aking dresser at tinungo na ang banyo upang maligo. 

Btw, Ako nga pala si Joan,nasa Secondary level palang ako and at d' same time 2nd year highschool palang. Nag-aaral ako sa isang public school di kalayuan dito sa City pero considered as rural area na doon sa pinapasukan ko. Kahit ayokong mag-aral doon nung una isipin ko palang na 'sa Bario' ako mag-aaral!? Ay nakakatamad na. Pero wala naman akong magagawa dahil ayun ang kagustohan ni mama at papa. Gawa narin ng para may mag-mamaneho kay mama sa motor papuntang school. Actually teacher ang mama ko doon kaya medyo popular ako sa campus, ah hindi! Ako lang kasi ang galing City na nag-aaral doon sa Baryo kaya kilalang kilala nila ako. Valedictorian ako sa class namin ng First Year palang ako, at hanggang ngayon running for, parin ako. Iniisip ng iba kesyo teacher ang mama ko kaya ganon. Natatawa na lang ako pag nakakarinig ako ng ganon. Talagang pinag-sisikapan ko ang pag-aaral ko. "NBSB" kaya ako, tsaka di ako mahilig sa galaan. Study First ika nga.

7:30 something na kami nakarating ni mama sa school at late nanaman ako ng 30 minutes. 'Pag park ko ng motor ko ay agad na akong nag-good bye kiss kay mama at hinayaan ko na sya sa kanyang mga dalahin. Malapit na lang din naman ang room nya eh, at alam ko namang sasalubongin din sya ng mga estudyante nya. Patakbo kong tinungo ang room ko ng mapansin kong wala na akong mga classmates sa labas na nagwawalis, malamang ay nasa loob na sila at nag-uumpisa ng mag lecture ang aming math teacher. Sakto! Pag tapat ko ng pintuan ay tamang nakatalikod ang aming math teacher habang may isinusulat ito kung kaya't agad kong inukopa ang upuan sa bandang likuran.

"Miss Gomez! Kindly go to the front and solve this equation without any of my explanation, at dahil late ka nanaman sa klase ko 'twas your punishment."

Nagsusulat parin sa pisara si Ma'am habang nagsasalita.

"Paano nya kaya nalaman na andito na ako samantalang nakatalikod sya!?

Maang na tanong ko sa sarili ko, agad akong tumayo at tinungo ang pisara.

"Here's the formula and solve!"

"Wew! Buti naman at binigyan din ako ng formula"

Bulong ko sa sarili ko. Agad kong tinapos ang pinapagawa nya habang nakatayo sya sa aking tabi at pinapanood ang ginagawa ko. Taran! At iniabot ko na ang chalk kay ma'am.

"Beri Good!"

Sabi ni Ma'am sa tonong nakakatawa.

Pagkatapos ng aming math subject ay na vacant ang pangalawa naming subject gawa ng absent ang aming Filipino Teacher. Ayun, at kanya kanyang umpokan, kwentohan kaming mga magkaka klase. As usual kasama ko ang aking one and only bestfriend na si Gemma. Nakaupo lang kaming dalawa sa may bermuda grass habang nag-kkwentohan tungkol sa PBB 7 lucky star na pareho naming inaabangan tuwing gabi.

Brutus Rapere Where stories live. Discover now