*GEMMA P.O.V's*
Bumaba na ako ng motor ni Joan at nag thank you sa kanilang dalawa ni Ma'am Gomez. Salamat naman at nakaiwas ako sa Jeff na yun! Mabilis kung nilisan ang highway at agad tinungo ang makitid na daan sa kalagitnaan ng makahoy na lugar, actually yun yung daanan ko pauwi
:-) .Sanay na rin naman akong dumaan doon kahit gabi na dahil dun ako lumaki. Ewan ko ba ba't dun sa kalagitnaan ng kakahoyan naisipan ng mga magulang ko mag-patayo ng bahay namin, sabagay tahimik nga naman sa amin.
Ako nga pala si Gemma, bunso sa aming limang magkakapatid at nag-iisang babae kaya bantay sarado ako sa mga kuya ko. Simple lang ang buhay namin. Hindi ako kasing palad ng best friend kong si Joan na mapera, kayang bilihin kung anong gusto, matalino at higit sa lahat maganda. Pero kuntento ako kung anong meron ako ngayon dahil di naman kami nasanay sa luho ni nanay. Sabi nila maganda ako, in a way na napaka simple ko lang at walang arte sa katawan,bilogan ang katawan ko at di kataasan. Maingay akong babae at madaling patawanin, masaya akong kasama sabi ng mga kaibigan ko.
"Magandang hapon uncle Marvin."
Sabi ko at agad na nagmano sa kumpare ng tatay ko na nakasalubong ko pauwi sa kalagitnaan ng daan.
"Bilisan mong mag-lakad at baka abutan ka ng dilim sa daan".
Nag-aalalang sabi nya.
"Hindi naman po ako natatakot uncle, sanay nadin po ako".
"Naku bata ka, maraming masasamang loob ngayon! Di mo alam ang takbo ng isip nila"
Tama nga naman si uncle Marvin, napansin kong mayron syang kasama at alam kong bagohan ito dahil ngayon ko lang sya nakita.
"Ah, si Joel nga pala. Kumpare ko galing Roxas. Pinalayas daw kasi ng asawa nya at walang mapuntahan e dito ko nalang pinapunta para naman may katulong din ako sa pag-uuling."
Pagpapakilala ni uncle Marvin, anyway hindi naman ako interesadong malaman kung sino sya kaya tumango na lang ako.
"Oh sya Gemma, dito na kami! Sabihin mo sa Tatay mo na dadayuhin namin sya mamaya sa inyo ah? Ingat na lang sa pag-uwi".
Sabi nito at tumalikod na sila ng ipinakilala nyang Joel na yun, saglit akong nakatayo habang sinusundan ng tingin ang dalawa.
"Ano ba yan si uncle Marvin, parang hindi naman mapagkakatiwalaan ang pagmumukha nung Joel na yun".
Natatawang sabi ko at umikot na ako para dumiretso sa aking paglalakad ng bigla akong napaatras.
"Ay D'yos ko naman!"
Bigla kong usal ng makita ko ang lalaki sa aking harapan na walang damit pang-itaas, lasing na lasing ito at nakangisi sa akin. Hindi ko ipinahalatang natatakot ako pero paisa-isang hakbang ako paatras habang papalapit sya sa akin. Gusto kong tumakbo pabalik ngunit naisip kong mahina ako pagdating sa takbuhan at tiyak na maaabutan nya rin ako kung sakali, nasa kalagitnaan pa naman kami ng daan at medyo may kalayuan pa sa aming bahay. Mabilis na nilibot ko ang aking paningin upang makakita ng pweding gamitin pang sangga. Ngunit wala akong mahagilap dahil kasalukuyang nasa bandang katalahiban kami.
Nag-uunahan na ang tibok ng aking puso habang dahan-dahan syang lumalapit sa akin. Napaatras ulit ako at di ko napansing may maliit na batong naka-usli kung kaya't nawalan ako ng balanse at napaupo ako sa lupa. Mariin akong yumuko ng halos magkadikit na kami at naramdaman kong itinulak ako ng isang kamay nya.
"Tabi! Haharang-harang ka sa daan, istorbo kang bata ka!"
Malumanay nitong sabi habang pasuray suray at diretso ng naglakad. Napa-awang ang aking bibig.
"Ang tanga-tanga mo Gemma! Napaka OA mo mag-react!"
Saway ko sa aking sarili. Hindi ko alam kung matatawa ako, pero nandun pa rin ang kaba sa aking dibdib kaya mabilis na akong tumayo, lakad-takbo ang ginawa ko bago makarating ng bahay.
Kinabukasan..
Maaga akong pumasok gawa ng may e r'research pa ako sa library patungkol sa report namin ng grupo ko. Pag-dating ko ng library ay may mangilan-ilan na ring mga estudyante doon. Natanaw ko sa bandang sulok ang kaklase kong si Mike kaya naisipan kong tumabi sa kanya.
"Good morning Mike!"
Nakangiting bati ko sabay hila ng upuang bakante sa harap ng table nya. Halatang nagulat si Mike at parang natuliro.
"Ay, sorry! Makikishare lang sana sa table mo. Sige aalis na lang ako"
"Wag! Sige lang."
Sabi nya at pilit na ngumiti. Medyo may pagkamahiyain at di gaanong pala imik si Mike.
"Salamat, nag-r'research ka rin ba?"
"Hindi, nagrereview lang para sa long quiz natin mamaya".
"Ahh, tingin ko nga!"
At nag-umpisa nanaman ang kadaldalan ko, nung una napansin kong naiirita sya sa kaingayan ko pero nung huli sinasabayan na rin nya ako sa pagtawa kapag nagbibiro ako. At last, lumabas na din ang kaingayan nya.
"Maiba pala ako, may gusto ka sa bestfriend ko ano!?"
Pabulong na tanong ko sa kanya at inilapit pa ang mukha ko sa kanya habang nagbabasa sya ng aklat na sya namang biglang pag-atras nya.
"Ano ka ba? W-wala no!"
"Asuus Mike, obvious na obvious kaya! Pag magkasama kami sinusundan mo talaga sya ng tingin"
Sabi ko habang kinikilig at tila nag d'daydream habang nakatingin sa kisame. Inihilamos nya ang kamay nya sa mukha ko kaya napatingin ako sa kanya.
"Yung totoo? Gusto mong malaman?
"Uh-huh!?"
At titig na titig ako habang nag-aantay sa sasabihin nya.
"K-kasi yung totoo nyan--"
Pinutol ko muna ang sasabihin ni Mike at nagmamadali na akong tumayo ng makita kong dumating na si Joan kaya agad kong niligpit ang gamit ko.
"Sige Mike next time na lang ulit tayo mag-usap ah? May kailangan kasi ako kay Joan, wag kang mag-alala ilalakad kita kay beshy!"
Kinikilig pa ring sabi ko habang paalis. Naiiling nalang si Mike. Naabutan ko naman kaagad si Joan kaya sabay kaming pumasok sa room namin. Maya maya pa ay pumasok narin ang iba naming mga kaklase at naghanda para sa first subject namin sa Math. Biglang tumahimik ang buong klase ng pumasok ang aming adviser na si Ma'am Lucero instead na si Ma'am Diosy para sa Math SUBJECT. Walang ka ngiti-ngiti sa mukha ang aming adviser at napansin din ng karamihan sa amin na katatapos nya lang umiyak.
"Good morning ma'am!"
Chorus naming bati sa kanya ng nasa unahan na sya ng klase. Itinaas nya ang kanyang kamay at sumenyas na umupo na kami.
"Dismiss ang pasok nyo ngayong araw class, I want all of you to know na.."
Sabay hagulhol na ng iyak ni ma'am kung kayat nagtinginan kaming mga mag-kakaklase.
"W-wala na si Illustrisimo."
Patuloy ni Ma'am.
Nanlaki ang mga mata ko sabay ng pagtayuan ng aking balahibo at ramdam ko rin ang pansamantalang pag manhid ng aking ulo.Napatingin ako sa likuran kung saan naka upo sa gawing iyon si Joan. Titig na titig din sya sa akin at blanko ang mukha.
"P-pinatay sya ng hindi pa nakikilalang kriminal, nakita ang kanyang bangkay sa boundary ng San Carba at ng San Carlos doon sa may masukal na daan."
Napakurap ako sa sinabing yun ng aming adviser. Malapit yun sa amin, kung didiretsuhin kasi yung daanan ko pauwi sa bahay doon sa may kakahoyan ay yun na ang labas nun.
YOU ARE READING
Brutus Rapere
HorrorBrutus Rapere: A Latin word which means "Brutal Rape". A story of a girl who suffered a brutal way of death. Being raped and murdered by a fucking maniac.