Chapter three

13 1 3
                                    

*JOAN P.O.V's*

Gulat na gulat ako sa aking narinig, nagkatotoo nga ang pinag-uusapan naming dalawa ni Gema kahapon. Magkasama kaming dalawa ni Gema habang nasa loob kami ng office ni Mama, pansamantalang umalis ang ibang mga guro para bumisita sa yumao naming kaklase. Nagpaiwan na lang muna ako sa office nya dahil ayokong makita ang bangkay ni Illustrisimo. Takot ako sa patay! Buti na lang at sinamahan din ako ni Gemma doon.

"Gem, kasalanan ko 'to eh!"

"Ano ka ba Jo? Ano namang kinalaman mo dun?"

"Look, kung nasaway ko agad sya kahapon e di sana ngayon buhay pa sya"

Sabi ko habang binabalot pa rin ako ng aking konsensya.

"Jo, wag mong sisihin ang sarili mo! Talagang oras na nya yun, ipagdasal na lang natin ang kaluluwa nya at sana mabigyan agad ng hustisya ang pagkamatay nya."

Hindi ko talaga maiwasan na hindi ko masisi ang aking sarili. Awang-awa ako sa kaklase kung iyon lalo na't wala pang hustisya ang pagkamatay nya.

Sa aking kwarto..

Malalim na ang gabi ngunit hindi pa rin ako dinadalaw ng antok, naiisip ko parin ang nangyaring iyon. Kinuha ko ang aking laptop at nagpasya na lang akong mag-fb muna at baka sakaling dalawin na ako ng antok.

"Hmm,marami ata akong friend request ahh.."

Confirm..
Ignore..
Ang ginawa ko sa mga nag-a'add sa akin. Hindi ako nag e'entertain ng hindi ko kakilala. Naagaw ang atensyon ko sa huling account na nag-add sa akin.

"Illustrisimo Q. Llanera, wants to be youre friend 5 hours ago".

Nanlaki ang mga mata ko habang titig na titig sa monitor ng aking laptop, 5 hours ago palang ang lumipas ng in'add nya ako? E samantalang kagabi pa sya namatay. Agad kong sinara ang aking laptop at nahiga na sa aking kama, tumalokbong ako ng kumot para wala akong makita na kahit ano.


Uwian ng hapon, dumiretso agad sya ng San Carlos dahil may pupuntahan syang importante doon, mabilis ang pagpapatakbo nya ng kanyang motor na syang dahilan ng pagkapal ng alikabok sa daan dahil hindi pa sementado ang kalsada, sinigawan sya ng lalaking nadaanan nya.

"Hoy! Gago kang bata ka, bastos ka!! Kung matapang ka bumaba ka dyan!"

Nagpantig ang mga tenga nya sa kanyang narinig, sya ang klase ng tao na malakas mang-asar pero pagnakarinig na ng hindi maganda e wala ng maraming satsat, gulo kong gulo agad. Inihinto nya saglit ang kanyang motor at nilingon ang lalaking sumigaw sa kanya, hindi pa sya nakakapag-salita ay sumalubong na agad sa ulo nya ang isang bato na sanhi ng pag-dugo neto. Ng makapa nyang tuloy-tuloy ang agos nun ay di na sya nagdalawang isip na bumaba ng kanyang motor at agad na nilapitan ang lalaking may gawa sa kanya nun, bago nya lang napansin na lasing pala ang lalaki. Isang malakas na suntok ang sinalubong nya sa lalaking lasing kung kaya't napa upo ito sa lupa.

Brutus Rapere Where stories live. Discover now