Prologue

76 2 2
                                    

Maingat na nagmamasid sa paligid ang isang lalaki saka dahan-dahang nilapitan ang babaeng walang malay at agad na binuhat.

Mabilis nyang tinungo ang dalawa pa nyang kasamang lalaki sa may likuran ng isang malaking punong kahoy at agad nilang inihiga sa dalawang magkapatong na dahon ng niyog ang walang malay na babae.

Dahan-dahang iminulat ng babae ang kanyang mga mata at pilit na binabalik ang ala-ala kung anong nangyari. Madilim at malamig sa lugar na iyon, tanging ang liwanag lamang ng buwan ang nagsisilbing ilaw doon sapat na kung kaya't tanaw nya sa di kalayuan sa kanya ang dalawang lalaking nakatalikod at tila nagtatalo.

Tatayo na sana sya ng maramdaman nyang masakit ang kanyang batok at tila nahihilo pa sya, agad nyang naalala ang nangyari kung kayat pinilit nyang tumayo at huwag makagawa ng ingay para hindi sya mapansin ng dalawang lalaki na sya'y gising na.

Dalawang metro na ang layo nya sa dalawang lalaking nagtatalo ng maramdaman nyang may humila ng kanyang buhok at agad na tinakpan ang kanyang bunganga ng isang malapad na kamay upang hindi sya makagawa ng ingay.

"Hoy! Ano ng plano ninyo dito!?"

Mahina ngunit pasigaw na sabi ng pamilyar na boses ng lalaking pumigil sa kanyang pagtakas.

Brutus Rapere Where stories live. Discover now